FINDING DANICA

155 9 0
                                    

LEE'S POV



Hindi ko akalaing makikita si Danica sa ganoong sitwasyon. Hinanap ko ang hagulgol na iyon na tila ba ambigat ng kanyang dinadala. Paglingon ko sa gawing kanan ng parking lot, hindi ako makapaniwalang makikita doon si Danica.



"Danica! Danica!" Nagmadali siyang pumasok ng kotse ngunit humarang ako sa driveway. Alam kong tatakasan niya ako.



"Ano ba? Magpapakamatay ka ba?" Lumapit kaagad ako sa bintana. Ibinaba niya iyon kaya ako mismo ang nagbukas noon at pumasok ako sa loob. Iniayos ko ang puwesto nito pabalik ng parking area atsaka pinatay ang makina.



"Mag-usap tayo." Mahinahon kong sabi. Hindi niya ako sinagot. "Tell me, anong problema? Bakit ka umiiyak?" I know, hindi ganoon kadaling magsalita ng problema sa iba. Pati rin naman ako eh may problema. Siguro pareho naming kailangan ng kausap kaya kami pinagtagpo ng gabing iyon. Anglakas ng loob kong tanungin siya sa problema niya samantalang hindi ko pa nga nasosolusyunan ang problema ko.



Nakita ko na lang na tahimik na tumutulo ang luha niya. Muli siyang sumubsob sa harapan ng kotse at nag-iiyak. Hindi siya tumigil. Iyak lang siya ng iyak. Hinagod ko ang kanyang likod. Hinintay kong kumalma siya.



"Makikinig ako, Danica... Tahan na..." Hindi siya umimik.


"Sir, pasensiya na po... May problema lang..."


"Ano nga? Makikinig ako..." HInawakan ko ang kamay niya. "Sige na... Trust me. " Matama ko siyang tiningnan. Nagdadalawang isip siya. Hindi ganoon kadali. Professor niya ako, kaibigan siya ni Jazzy, galit siya sa akin at hindi kami close para pagkatiwalaan niya ako ng anumang personal na bagay tulad ng kanyang problema.


"Sir , pasensiya na. Masyado kasing personal eh" Okay , fine. Siguro kailangan ko na lang siyang samahan. Heto na naman ako.


"Danica, galit ka pa ba sa akin?" Hinarap ko siya.


"Sir, hindi naman po eh..."


"Bakit masama palagi ang tingin mo sa akin kapag may klase tayo? Mayroon ba akong ginawa na hindi mo nagustuhan... Tell me..."


"Sir, wala po. Pasensiya na..."


"Remember hindi ka pa nagso-sorry sa akin." Nakita kong sumimangot si Danica. Ang cute niyang sumimangot.


"Sir, hindi ko po talaga ugaling mag-sorry kahit kasalanan ko. "


"Pero bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin kinakausap si Jazzy? Dahil din ba sa akin?"


"Naku, Sir...." Sir siya ng sir sa akin kaya hinila ko siya at hinalikan. Kanina pa kasi akong hindi mapakali sa kinauupuan ko. Kanina ko pa siyang gustong halikan. First time kong humalik. 'Yung ako talaga ang nag-initiate ng halik at hindi hinalikan kaya napahalik na lang din. Hindi ko alam kung tama ba ang paraan ng paghalik ko? Basta gusto kong halikan siya tulad ng ginawa niya noon sa kama.


"Siguro naman, sapat nang dahilan 'yan para hindi mo na ako tawaging Sir kapag tayo lang dalawa." Sabi ko sa kanya.


"Uhm! " Aray, isang matunog na pak sa pisngi ko. "Anong ibig po ninyong sabihin?" Ambils ng kamay niya.



Ako ang unang umamin sa kanya na gusto ko siya. Pero sampal ang napala ko. Bigla siyang tumahimik. "Danica, I think I like you. Pasensiya ka na... I just don't know how to express it..."


"Sir...."


"Just call me Lee..." Seryosong sabi ko. "You heard me clear. I like you..."



Inilapit ko ng unti-unti ang aking mukha. Tinititigang mabuti ang kanyang mukha. Sinalat ko ang kanyang pisngi. Tinitigan ko ang kanyang labi at bigla siyang pumikit. Napakapit siya ng husto sa kanyang kinauupuan.



"Sir...."


"Tayo na ba?... Girlfriend na ba kita?" Hindi umimik si Danica kaya para malaman ko ang totoo, hinalikan ko siya. Naramdaman ko ang pagtugon niya. Ginaya ko ang ginawa niya. Ipinasok ko ang dila sa loob ng kanyang bibig. Sinipsip niya iyon. Hahaha, iyon ba ang purpose noon? Ibinaba ko ang lever ng kanyang upuan at mas nagustuhan ko siyang halikan. Hindi ko na naisip na nasa loob pala kami ng parking area ng simbahan.



Sorry , Lord.


"You've been my ideal man but I can't give you an answer. " Seryoso ang pagkakasabi ni Danica at hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Too late to answer me now? Bakit?


"May boyfriend ka na ba ?" Tahimik lang siya. Pero patuloy ko siyang hinalikan. Masyadong magiging mabilis ang mga pangyayari kung sasagutin kaagad niya ang sinabi ko. Ini-expect ko din bang mamahalin din niya ako sa ganoon kaiksing panahon. Ako naman ang biglang nanahimik.


"Sir, gusto ko na pong umuwi. " Bigla niya akong itinulak .


"May boyfriend ka na ba?" Muli kong itinanong sa kanya. Pero dahil hindi naman siya tumutol ng halikan ko siyang muli, automatic na 'yun... alam kong kami na.



Lumabas ako ng kotse at hinayaang mauna siyang makaalis sa parking lot. Napabuntunghininga ako sa loob ng aking kotse. Napangiti ako. Para akong nababaliw na natawa sa sarili ko. Abot- tenga ang ngiti ko.



Pag-uwi ko sa bahay, hindi rin naman ako makatulog. Para akong teenager na hindi makatulog dahil sa halik.


POLICE STORYWhere stories live. Discover now