DANICA'S POV
Sinadya ko ang simbahang iyon dahil ambigat ng aking problema. Hindi ko alam kung paano makakatakas. Hindi ko alam kung mababago ito sa isang iglap ang sitwasyon ko. Sana paggising ko bukas ,hindi totoong ikakasal na ako kay Kai. Parang gusto kong sumigaw sa loob ng simbahan para lang mailabas ang lahat ng sama ng loob ko at lahat ng galit ko .
Pagkatapos ng misa, gumaan ang pakiramdam ko. Pero lalo akong naiyak ng makita ko ang kotse ni Kai. Nadatnan ko siya sa bahay habang kausap sina Mama at Papa.
"Iha, dinadalaw ka ni Kai. Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Mama.
"Hi, Mama. Hi, Papa" Humalik ako sa pisngi nila pero hindi ko pinansin si Kai. Sumunod siya sa akin sa kuwarto.
"Kumain ka na ba?" Pero hindi ko na pinansin ang tanong ni Papa.
"Bakit ba ang lakas ng loob mong pumasok sa kuwarto ko?" Nilapitan niya ako at hinawakan sa braso. "Aray! nasasaktan ako sa ignagawa mo." Nagpumiglas ako at hinila ang kamay ko.
"Tatanggalin natin ang lahat ng yabang mo sa katawan, Danica. Sa oras na maikasal tayong dalawa, akin ka lang at hindi ka pakikinabangan ng iba." Hinawakan niya ang aking dibdib sa kabila ng nakauniporme ako. Bastos talaga si Kai. Akala niya pag-aari na niya ako. Wala siyang pakundangang hawakan ang katawan ko na parang may pahintulot siya sa may – ari nito.
Bigla kaming nagulat ng may biglang kumatok sa kuwarto ko na akala mo ay mga NBI na may iri-raid na mga drug addict.
"Lumayas ka dito at lumayas kayo ng mga kasamahan mo. Magkaroon ka ng kahihiyan sa mga magulang ko. Hayop ka!"
Nag-away kaming dalawa ng dumating ang mga kasamahan niya. Talagang sinasagad niya ang pasensiya ko. Pati mga kabarkada niya ay nagawa niyang papasukin sa bahay namin samantalang wala pa siyang karapatan sa akin.
"Aalis ako, Danica pero tandaan mo. Akin ka lang! " Hinila niya ako at hinalikan. Isang laruan lang ang tingin sa akin ni Kai. Just an object of seduction. A SEX OBJECT to be exact. Masyado siyang hayok sa laman. Ilang beses na siyang sinampahan ng kasong rape pero napatunayang guilty naman. Walang ebidensiya. Walang makapagpapatunay na nangyari ang lahat. Natatakot tuloy ko.
Buwisit kasing sarhento iyon. Magbibigay rin lang ng report, RAPE CASE pa. Lalong nadagdagan ang phobia ko ng panuorin ng mga kasamahan ko sa grupo ang mga video clips na isinagawa ng IMBESTIGADOR ng bayan sa kaso ng panggagahasa. Kung alam lang niya ang pinagdaaanan ko bago ako nagkaroon ng lakas ng loob ng i-report iyon sa harap ng mga kaklase ko na hindi niya nahahalata ang kaba ko. Pinagpawisan ako ng todo-todo. Ilang bote din ng beer ang nainom ko para lang makatulog ako tapos... may gana pa siyang ngitian ako. " O di natuto din kayo." Komento pa niya matapos kong mag-report. Grrr! Buwisit talaga siya. Kaya hindi ko siya magawang ngitian.
Kaya ako inis na inis sa kuya ni Jazzy. Parang nananadya ang pagkakataon na iyon pa ang napatapat sa amin. Akala tuloy ni Jazzy sa kanya ako galit. Matagal na rin kaming hindi nagpapansinan. Palagi na lang siyang sinusundo ni PO1 Ojeda.
Kinabukasan, wala ako sa mood para makipag-usap kahit kanino. Tahimik akong nakinig sa klase ni Prof. Lorenzo. Itinuro niya sa amin ang ilang katangiang dapat taglayin ng isang imbestigador. Bukod sa pagiging mapagmasid at paggamit ng instinct, syiempre dapat ay may matalino ka ring pagpapasya sa mga sitwasyong kinakaharap mo.
"Sa tingin ko, sa akin ang katangian ng isang imbestigador. Mas gusto kong humawak ng baril. Okay na ako sa field o kaya puwede na rin sa opisina." Sgot k okay Prof. Lorenzo. Naniningkit na naman ang mga mata niya na parang gusto na niyang mapikon sa sagot ko. Itinatanong kasi niya kung ano daw bang katangian ng imbestigador ang sa tingin namin ay mayroon kami. Tinapat ko lang siya. Sinagot ko lang ng totoo ang kanyang tanong. Sabi ko " Wala"...Tinitigan kong siyang mabuti.
"Then, you better take your seat." Nakahalukipkip lang ako. Hindi ako pinansin ng mga kaklase ko at nakatingin lang sa akin si Jazzy. Iiling – iling siya habang pormal lang akong nakatingin sa kanya. Pagkatapos ng klase, nagpunta ako sa library para magpalipas ng oras. Hindi lang simpleng init ng ulo at pagkainis ang nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili ko kumbakit kailangang ma-miss ko si Lee. ( Eh bakit ? Ako lang naman ang nakakaalam na Lee ang tawag ko kay Prof. Lorenzo.) Nakita kong sinundo na si Jazzy ni PO1 Ojeda ng kotse nila.
Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Jazzy. Miss ko na si BestFriend.
Nagawa kong tikisin si Bestie kasi nag-iisip –isip din ako. Masyado ng komplikado ang nararamdaman ko para sa kuya niya. Hindi ko matandaan ang nangyari ng gabing pasukin ko siya. At parang gusto ko na siya. Sa ilang pagkakataong nagkatagpo kami sa kanilang bakuran, tumatak sa akin ang kanyang pagiging maginoo. Hindi naman imposible, lumaki silang disiplinado, tatlong magkakasunod na lalaking pinalaki ng isang heneral at ng isang magaling na forensic Expert at kilalang secret agent. Paanong hindi ka titino? Malilintikan ka kapag gumawa ka ng kapilyuhan.
Muli akong nagtungo sa simbahan. Pagkatapos ng misa, nanatili muna ako sa loob at sumubsob sa upuan. Umiyak ako ng umiyak pero kailangan ko na ring umalis kaya lumabas na ako ng simbahan. Umupo ako sa parking lot, sa tabi ng mga flower pots. Ibinuhos kong muli ang iyak ko . Ambigat ng pakiramdam ko. Wala akong ibang mapaghingahan. Iyon lang ang lugar na tahimik. Medyo maliwanag sa lugar dahil sa lamppost ng simbahan, pero hindi ko na inisip kong may nakatingin sa akin habang humahagulgol ako. Wala pa akong balak na umuwi.
Sa bandang dulo ng parking lot , sa bandang kaliwa ko, malapit sa bukana patungo ng confession room, kanina pang titig na titig sa akin ang isang pamilyar na mukha ng lalaki. Pinahid ko kaagad ang luha ko at nagmadaling tinungo ang aking kotse. Mabilis akong nakapasok ngunit humarang siya sa aking daraanan.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...