BIG MAN TALK

276 10 0
                                    

JUSTICE' POV



Sa tatlong anak kong lalaki, siya lang ang hindi ko narinig na sumali sa umpukan namin kapag babae ang pag-uusapan. Sabagay, sino naman ang ipangunguwento niya o ipagmamalaki niya. Si Jude lang naman eh walang bukambibig kundi ang kanyang walang kamatayang signs mula sa Diyos ang palagi niyang sinasambit. Si Ice, tahimik pero matinik sa mga babae. Walang naging girlfriend. Walang iniakyat na girlfriend pero nagtanan ng babae at nag-asawa kaagad.



Mas istrikto kami ni Lemuela sa mga anak naming lalaki. Disciplinarian kaming pareho palibhasa ay lumaki siya sa tatay niyang pulis . Pinalaki namin sila ng tapat sa maliit at malaking bagay. Ang sinumang sumuway sa aking utos ay may parusang naghihintay.



Hindi ako humadlang sa kagustuhan ng aking mga anak na lalaki ng sundan nila ang yapak namin ni Lemuela. Halos lahat sila ay nagpulis maging ang aking dalawang anak na babae. Masipag ang aking dalawang anak na lalaki, sina Ice at Jude. Mga bata pa lang sila sa propesyon ngunit matinik ang kanilang mga training na pinagdaanan at ang mga operasyong kanilang napagtagumpayan kaya sa murang edad nila na ay nabigyan na sila ng pagkakataon na maging station commander. Matunog ang apelyidong Lorenzo at tiwala naman ang mga pulis sa kanilang departamento.



Pero si Lee, sa pagiging private investigator ang pinasok. Nag-part time Instructor din siya sa Police Academy.



"Hi Dad..." Bati niya sa amin. Pasado alas dose na siya dumating at nakatulog na si Lemuela sa paghihintay sa kanyang paboritong anak. Humalik siya sa kanyang mommy. "Hi, Mom..."


"Kadarating mo lang ba, Lee?" Pupungas-pungas pa si Lemuela. Naupo na siya sa tabi ko. Tatayo pa sana para ipaghain ang anak. "Kumain ka na ba?"


"Yes, Mom... Kasama ko sina Sgt. Tupaz at Sgt. Gregorio... Nag-follow up po kami ng isang kaso" paliwanag niya sa amin ni Lemuela. Kahit ganoon siya katanda, hindi niya nakakalimutang ipaalam sa amin ang kanyang mga ginagawa. Hindi siya nakakalimot na mag-text sa kanyang ina. Nagtatanong pa minsan kung kumain na ba si Lemuela at kung ano ang kanyang ginagawa. Minsan nagtatanong kung ano ang ulam saka magsasabing maagang uuwi para sumabay sa hapunan.



Paborito niyang kare-kare ang niluto ni Lemuela kaya hindi maaaring hindi siya kumain kahit konti dahi baka ito magtampo sa kanya. Masaya at kontento si Lemuela habang pinagmamasdan ang kanyang pangalawang anak.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now