DESTINY'S CALL

160 7 0
                                    

DANICA'S POV



First time kong magsimba sa crowded na simbahan. Ilag ako sa madaming tao. Sa lugar namin, sa subdibisyon kung saan kami nakatira... every 1st and 3rd Sunday lang ang misa. Konti lang ang nagsisimba doon. Maganda ang aming kapilya pero kokonti naman ang nagsisimba. Nakakarindi nga ang paghila sa kampana nito tuwing nagtatawag ng magsisimba kasi kahit anong tawag konti lang talaga ang nagsisimba.



Tuwing 2nd and 4th naman, dumadayo kami sa ibang lugar. Air condition ang simbahang pinupuntahan nmin at may eksaktong oras para hindi masyadong madami ang nagsisimba. Sanay akong umupo sa harap, hindi sa gitna o sa likod. Gusto kong nakikita ang paring nagmimisa. Gusto kong nakikita ang kanyang ginagawa.



Good luck, angdaming church goers sa simbahang iyon. Iwas ako ng iwas na huwag masagi ng mga tao.



"Hindi ka ba sanay magsimba sa ganito kadaming tao?" Tanong ni Kuya Lee. Tumango ako. Ayokong mag-pretend na okay sa akin ang lugar.



Sumunod kami kina TIta Lemuela at Tito Justice habang hawak niya si Jazzy. I have no choice, si Kuya Lee ang kasabay ko. Palinga-linga ako sa loob ng simbahan. Maganda ang loob. Madaling puntahan ang lugar kaya balak kong puntahan ng weekdays. May malawak na parking area kaya mas okay...



"Bakit? "


"Anong pangalan ng church?"


"St. Gabriel , the Archangel Church..."


"Hmm, magandang simbahan... Mukhang lumang luma na pero maganda ang mga tinted glass nila. Magagaling ba ang mga pari dito?"


"Oo naman... Magagaling silang lahat."



Tumahimik na ako at nag-concentrate sa misa. Pinakinggan kong mabuti ang homily ng pari. Totoo nga ang sabi ni Kuya Lee. Magaling manermon ang mga pari tulad ni Fr. Pio. Magaling ang kanyang humor kaya lahat ay tuwang tuwa, kumakanta at tiyak na hindi ka aantukin sa misa.



Seryoso akong nagdasal habang nakaluhod ang lahat. Iniangat ko ang aking mukha at tumingin sa altar habang itinataas ng pari ang kopita ng alak maging ng iangat din ang Host. Umusal ako ng dasal. Ang dasal na matagal ko nang hinihiling... sana bigyan niya ako ng kaliwanagan ng puso't isipan sa mga desisyong gagawin ko sa mga darating na araw.



Hindi ko sinasadyang tumulo ang luha ko. Seryoso... napaluha ako. Kanina pa pala akong pinagmamasdan ni Kuya Lee. Hindi na ako umimik kahit maraming katanungan sa kanyang mga mata.



Dumating ang pagbibigay ng kapayapaan sa isa't isa... Humalik si Jazzy sa Mommy at Daddy niya. Humalik sa pisngi ko si Jazzy at humalik din sa pisngi ko ang kanyang kuya. Awkward ng konti pagdating sa akin. Ewan ko ba bakit nag-iinit ang pakiramdam ko kapag nagdidikit ang mga balat namin ni Kuya Lee. Kakaiba ang kanyang mga tingin. Madalas ko siyang makitang lihim na nakatingin sa akin at bigla na lang ngingisi ng nakakaloko.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now