FRIENDSHIP OVER?

159 9 2
                                    

LEE'S POV



Mukhang naapektuhan ang pagkakaibigan ng dalawa dahil sa akin. Sa tingin ko kailangan lang nilang harapin ang lahat sa matured na paraan. Para kasi silang mga high school students na nag-aaway. Well, naging busy ang lahat sa ibinigay kong gawain sa kanila. Galit-galit muna ang peg.



Nahalata ko naman na sumeryoso ng pag-aaral itong si Jazzy dahil professor niya ako. Partly, nakatkatan ko siya ng sermon ng marinig ko ang salitang binitiwan niya kay Melvin .



"Eh siya naman ang nauna eh!" Pangangatwiran pa ni Jazzy.


"Bakit tinatanong ko ba kung sino ang nauna at hindi?"


"Hindi mo kailangang patulan ang mga kaklase mo. Itikom mo na lang ang bibig mo kung wala kang mabuting masasabi."


"Sorry na Kuya..." Niyakap ko si jazzy. Alam kong may matinding pagsubok ang pinagdadaanan ng kanilang pagkakaibigan ni Danica. Pareho silang umiiwas pero sa tingin ko dahil iba ang kanilang grupo at wala silang pagkakataon para magkuwentuhan kaya mapagkakamalan mong magkagalit sila.



Dumating ang araw ng reporting...



Inihanda nina Danica ang kanilang powerpoint presentation. Binati muna ako ni Danica at ang buong klase. Lahat kami ay tutok sa kanilang grupo dahil kahit sino ay puwedeng magtanong mamaya.



"Rape case ang kaso na aming pag-aaralan. Paano ba ang proseso ng imbestigasyon sa ganito ka-sensitive na bagay?"


"Okay, paano nga ba?" Tanong ko...


"Ang biktima ay isang 20-taong gulang na dalaga...." Inilarawan nila ang kabuuan ng babae at ang katayuan nito sa buhay. Binanggit nila kung ano ang nangyari at kung saan siya natagpuan, ang ayos nito at pinaghihinalaan siyang ginahasa dahil na rin sa hitsura ng bangkay .



Natagpuan itong punum-puno ng sugat sa sa katawan. Puro paso ang kanyang suso may 30 saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan, hubo't hubad, nakapiring ang mata at nakatali ang mga kamay sa likod.



"Ayon na rin sa medico legal ay ginahasa ang babae ng hindi lang iisang lalaki kundi itinuturing itong gang rape."


"Paano daw ito nangyari?"


"Nagsagawa ng vaginal swabbing sa puwerta ng biktima. Sa kabila ng tatlong araw pa lamang ang bangkay, may nalalabi pa ring seminal fluid sa loob ng kanyang puwerta."


"Saan ito maaring dalhin upang ipasuri?"


POLICE STORYWhere stories live. Discover now