LEES'S POV
Patakbong yumakap sa akin si Jazzy. Yumakap siya sa aking leeg. Ramdam ko ang hagulgol ng kanyang iyak. Halos buhatin ko siya sa ayos niyang iyon.
"Kuya, huhuhu...Kuya..." Nakasubsob siya sa balikat ko.
"Jazzy, bakit ka nandito? Nasaan sina Mommy at Daddy?"
"Kuya, hindi nila alam na nandito ako. Ayaw nga nila kaong papuntahin dito. Nagpasama na lang ako kay Dan"
"Naku, may klase ka di ba?"
"Kuya, bakit hindi ka naman nagpaalam sa akin? Huhuhu!" Halos magpakarga siya sa akin. Nagtinginan ang mga kapwa –seminaristang kasama ko ng oras na iyon. Nakangiti silang lahat sa direksyon ko. Hindi ko alam kung ako ang nginingitian o ang kapatid ko.
"Naku, lagot! " Sabay tawanan ng mga kasamahan kong binata.
Matagal na sila sa seminaryo kaya siguro ay pamilyar na sila sa mga eksenang ganito. Ibinaba ko si Jazzy at niyaya sa ilalim ng pagkalaki-laking puno ng sampalok. Tinanaw namin ang soccer field habang nakaupo kaming magkatabi sa bench na gawa sa semento. Hinayaan ko muna siyang nakayakap sa akin hanggang sa pumayapa siya. Pinahid ko ang kanyang luha at maging ako ay napaiyak sa sobrang awa sa kanya.
"Tahan na, Jazzy..."
"Angdaya mo , Kuya..." Kinakabog niya ang dibdib ko.
"Bakit naman?" INawat ko ang kamay niya.
"Hindi mo man lang sinabi sa akin ang totoo. Di ba, walang maglilihim sa ating dalawa?" Pinaalala niya ang sumpaan naming mga magkakapatid.
"Hinahanap ko ang sarili ko, Jazzy..." Sabi ko sa kanya. Hindi niya maiintindihan ang pinagdadaaanan ko noong mga panahong iyon. Nakunan pa nga noon si Mommy sa bunsong kapatid namin na sinundan niya. Kaya ng ipanganak si Jazzy ay talagang mahal na mahal namin siya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Nilapitan kami ng aking Spiritual Adviser habang masinsinan kaming nag-uusap. Nakangiti naman siya. Pareho kaming nagpahid ng luha.
"Jazzy, magmano ka kay Fr. Rey." Lumapit ang kapatid ko at nagmano.
"Father, pasensiya na po kayo kung dinalaw ko dito si Kuya." Tumulong muli ang luha niya. Ganoon talaga kababaw ang luha ni Jazzy pagdating sa akin. "Nagulat lang po ako kasi hindi sa amin nagpaalam si Kuya. Iniwan niya kami ni Ate Justine ng wala man lang paalam." Humihikbi pa ang kapatid ko habang nagpapaliwanag. Hinagod ko ang kanyang likuran. Muli niya akong niyakap.
'Mahal na mahal mo ba ang kuya mo?" Tuluyan akong niyakap ng aking kapatid.
"Opo... mahal na mahal ko po si Kuya at mami-miss ko siya." Sabay tango pa niya.
"Alam mo bang mahal na mahal din siya ng Diyos? Tinawag niya ang kuya mo upang maglingkod sa kanya kaya siya nandito."
"Talaga po..." Tumango ang pari. Hinaplos niya ang buhok ng aking kapatid at pinahid ang kanyang mga luha.
"Iha, huwag mong alalahanin ang kuya mo dito. Nasa mabuti siyang mga kamay. Hindi siya pababayaan ng Diyos. May magdadasal na para sa pamilya ninyo." Yumakap si Jazzy kay Fr.Rey.
"Father, puwede ko po bang dalawin ang kuya ko?"
"Oo naman... May araw naman ng dalaw. Nag-aaral din kasi dito ang kuya mo..."
"Pasok ka na. Baka ka pa ma-late..." Sabi ko kay Jazzy.
"Estudyante ka pa lang ba?" Tanong sa kanya ni Fr. Rey. "Pulis din?" Muling tumango si Jazzy.
Masaya kaming nagkahiwalay ni Jazzy. Panatag na ang loob ko na hindi na rin siya gaanong mag-aalala. Si Justine na lang ang inaalala ko. Pero alam kong maiintindihan niya ako. Hindi siya marunong magtampo sa akin. Alam kong pagpapaliwanagan na siya ni Jude.
Ngunit isang buong araw pa lang ako sa seminary ay lumabas kaagad ako. Kailangan ako ng aking pamilya.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...