LEE'S POV
Nagulat kami ng dumating si Kuya Ice at kasama si Shandy. Ang sweet nilang dalawa. Ni hindi mo sila mapaghihiwalay sa kanilang kinauupuan. Hinintay nilang bumaba sa sala sina Mommy. Binulungan ko na si Kuya.
"Galit si Mommy." Sabi ko sa kanya. Syiempre, walang reaction si Daddy. Lalaki ang anak eh. Walang mawawala sa kanya. Napayuko na lang si Kuya pero alam kong paninindigan niya ang ginawa niya. Ilang saglit pa ay bumaba na si Mommy kasama si Daddy. Hawak siya ni Daddy pero dumiretso siya sa library. Si Daddy lang ang lumapit kay Kuya.
"Good morning , Sir" Bati ni Shandy.
"Good morning, Dad..." Napangisi lang si Daddy. Tiningnan din si Shandy.
"Nag-almusal na ba kayo? " Tumango lang sina Kuya. "Lee, samahan mo muna si Shandy na mag-almusal..."
"Yes, Dad. Shandy, halika doon muna tayo. Kuya, isasama ko muna siya dito ha!" Tamang tamang bababa na rin si Justine at Jazzy.
"Ice Shandy, kumusta? Ang aga mo..." Nasulyapan nila sina Daddy at Kuya Ice na papunta ng library. Naitutop ni Justine ang kanyang kamay sa bibig. Mukhang may naaamoy siyang kakaiba. Itinabi niya ang dalaga sa hapag-kainan. Tahimik si Shandy at hindi nagsasalita.
"Kain lang ng kain..." Sabi naman ni Jazzy.
Alam na namin ang kasunod na mangyayari. Ikinasal sina Kuya Ice at Shandy bago ako pumasok ng seminaryo. Simple ang kanilang kasal dahil mahalaga sa lahat ang seremonya kasya panlabas na gayak nito. Magaganda naman ang mga gowns ng gawa ng Oli Group at nakapamili naman doon si Shandy. Syiempre, mga kapulisan at negosyante ang mga ninong at ninang nina Kuya Ice at Ate Shandy.
Pagkatapos ng kasal ay sa mansion muna sila pansamantalang tumira habang inaasikaso pa nila kung saan talaga nila balak tumira. Nagkataon lang na noong araw na iyon ay nasa bahay kaming lahat. Nakaupo kaming lahat sa ilalim ng puno kung saan kami madalas magkita at mag-usap-usap.
"Kuya, kumusta ang honeymoon?" Sabay tawanan naming tatlo.
"Nangatog ka ba, ha!" Sinundot siya ni Jude sa tagiliran kaya napaiktad siya sa pagkakaupo.
"Baliw! Anong akala mo sa akin?" Pagyayabang naman ni Kuya.
"Bakit marunong ka ba? Ha! Kailan pa? " Sulsol pa ni Jude.
"Ano ba kayo? Hindi magandang pinagkukuwentuhan ang tungkol sa mga ganyang bagay. " Sabi ni Kuya Ice. Sikreto na nilang mag-asawa iyon.
"Tip lang , Kuya..." Sabi naman ni Jude pero hindi namin alam na noong mga panahong iyon pala ay kasalukuyan namang nagtagpo ang landas nina Jude at VeneXity. Napatingin ako kay Jude dahil bigla siyang nanahimik.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...