JAZZY'S POV
Kinabukasan, hindi na kami nakapasok pareho ni Kuya Lee sa academy pagkatapos naming malaman ang balitang bumulaga sa buong sambayanan. Hindi ko maaatim na tingnan ang kalunus-lunos na kalagayan ni Danica at Angel mula sa mga larawan at video footages na kuha mula sa pinangyarihan ng krimen.
Masyadong brutal ang ginawang pagpapahirap sa kanya. Binaboy ang katawan nilang pareho. Hindi kinaya ng kanyang magulang na makitang ginagaahasa sila sa kanilang harapan na sukat nilang ikaatake ng puso . Dead on the spot ang matatanda.
"Danica, lumaban ka... Danica, huwag mo akong iwan." Humagulgol ako sa tabi niya. Tunog lang ng monitor ang aming naririnig. Nawa ang bawat tibok noon ay siguradong buhay na ang kasunod. Ngunit kritikal ang kanyang kalagayan. May tubo ang kanyang bibig at nakabenda ang kanyang buong katawan. Ayoko nang pakinggan ang paulit-ulit na sinasabi ng telebisyon at media. Lalong nabubuo ang galit sa aking puso.
Iniisip ko kung paano na si Danica kapag gumising siya. Wala na siyang mga magulang. Nailibing na rin ng kanyang mga kamag-anak na nanggaling pa mula sa Amerika ang bangkay ng kanyang mga magulang. Iyon ang pinakaamasakit na katotohanan na magigisnan niya.
Iniyakan namin ang nangyaring iyon kay Danica. Naawa din ako kay Kuya. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa pagpapabaya niya kay Danica. Kung itinanan na niya ng gabing iyon si Bestie, baka hindi sa kanya nangyari ito.
"Friend, huwag mo namang iwan si Kuya. Laban, Danica...Sabay tayong ga-graduate di ba? Partners tayo pag natapos tayo..." Sumubsob ako sa kutson. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kinuha ako ni Papa.
"Anak, huwag kang umiyak. Kailangan ni Danica ng lakas ng loob ngayon para lumaban."
"Papa... sana gumising na siya."
"Gigising na siya..."Mahigpit akong niyakap nina Mama at Papa.
Sa mansion, patuloy kong iniyakan ang nangyari kay Danica. Umaga't gabi akong umiiyak. Ilang araw na rin akong absent sa academy kaya kahit Huwebes na ay pinilit ko na rin ang sarili ko para pumasok. Inihatid ako ni PO1 Ojeda.
"Sarge, baka puwede mo po akong turuang magmaneho."
"Sigurado po kayo , Ma'am. Kasi willing naman po akong ihatid –sundo kayo."
"Hmmm, siguro it's about time that I learn how to drive my own car. Para paggising ni Danica, matutuwa siya dahil hindi na kami parehong pali-late sa klase. Hindi na kami magpu-push up sa klase ni Kuya." Tumulong muli ang luha ko.
Ah, sana gumising na si Danica.
Hindi ko alam kumbakit kailangang mangyari pa ito kay Danica.Ito ang palagi niyang ikinukuwento sa akin na ikinatatakot niya. Kaya siya nagalit kay Kuya kasi nagka-phobia daw siya sa RAPE CASE report nila. Tapos heto, sa ganito rin pala siya hahantong.
Bakit ganito ang mundo? Anong nagtutulak sa tao para gumawa ng ganitong klaseng karahasan sa mga kababaehan? Wala na bang respeto ang mga kalalakihan sa kababaehan? Hindi na ba nila pinahahalagahan ang buhay ng kahit na sino.
Hindi naman tayo nabuhay sa panahon ng dinosaurs para magngatngatan na parang hayop o magpatayan na parang mga barbaric na tao. Sibilisado na lahat. Moderno na ang panahon ngunit ang panahon kung kailan ang buhay ay kasingbaba na lang ng hayop. At ang buhay ay wala nang halaga.
Danica, gumising ka na... Madami pa tayong gagawin...
Danica!
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...