LEMUELA'S POV
Masaya ang malaking pamilya. Iyon ang naging panuntunan namin ni Justice sa pasimula ng aming relasyon. Nag-iisang anak lang si Justice samantalang ako ay may kapatid na babae , si Ela. Nang magsimula kaming bumuo ng pamilya, nagplano akong ikontrol ang aking pagbubuntis lalo na ng magkaroon ako ng mga anak na lalaki. Dahil gusto pa rin ni Justice ng anak na babae, hindi ko pa rin siya napigilan sa kanyang kagustuhang sundan si Jude, at nasundan nga ni Justine. Matapos ang malaking gulo sa aming pamilya, nasundan pa ni Jazzy.
Sunud- sunod silang nagsipaglakihan at hindi naman mahirap palakihin ang mga bata. Ngayong mga binata na sila, kanya kanya sila ng pagbibida.
Sa aking mga binata, si Ice ang unang nag-asawa.
JUSTICE' POV
Hindi lumayo ng linya ng propesyon ang mga anak kong lalaki. Lahat sila ay nagsipag-aral sa Police Academy. Lahat sila ay pulis ngunit iba-iba sila ng linyang pinasok. Si Ice, sumunod sa yapak ko... nakuha niya ang galing ko sa paghawak ng baril. Si Jude din ay hindi rin nagpatalo, magaling siyang sniper. Si Lee naman ay pumasok sa pagiging imbestigador. Ngayon ko lang nalaman na may takot pala siya sa baril dahil lang sa ambush na nangyari sa kanila noong high school pa sila.
At ngayon balak niyang magpari.
ICE' POV
Palibhasa ay tatlo kaming sunud-sunod na lalaki. May apat na taon kaming pagitan ni Lee. Hindi ko binanggit kaninuman ang plano namin ni Shandy dahil una sa lahat, hindi rin ako sigurado kung makakapaghintay ba siya sa akin. Hindi ko siya niligawan noong high school dahil mahigpit ang bilin sa amin ni Daddy na unahin muna ang pag-aaral kaysa makipagrelasyon. Kung aral, aral muna. Madali daw mag-asawa sa panahon ngayon.
Lihim kaming nagkikita ni Shandy kapag may mga pagkakataon. Maingat ako sa aking mga text messages. Madalas namin iyong gawin lalo na kung hindi kami nakakapagkita sa sobrang pagkaabala ko sa akademya. Medyo monitored ako sa aking mga kilos dahil instructor ko na rin noon si Mommy. Hindi rin ako makakatakas kaagad pero kapag kasama ko na sa laabas ang aking mga kaklase hindi na siya naghihinala na sumisimple kami ni Shandy.
"Hanggang kailan tayong magiging ganito?" Minsang tanong ni Shandy sa akin. Hindi pormal ang aming relasyon pero alam kong umaasa siyang magkakaroon din ng magandang resulta ang pagkikita naming iyon. Hindi ako makatawa sa klase ng tanong niyang iyon kasi alam kong maiinsulto siya. Ano nga ba kami? Ano nga ba ang relasyon namin? NO, ayokong magkalayo pa kami.
Nasa parke kami sa pagitan ng Skycraper Tower at SylBer Building ng panahong iyon. Dapat sana ay nasa bahay na ako pero nagpaalam ako kay Mommy na sasama sa mga kaibigan ko. Ginamit ko lang sila para makalabas kami ni Shandy.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...