JAZZY'S POV
Araw ng Linggo ngayon... Hindi na ako nag-jogging. Mas gusto kong matulog ng mas late tulad ng dati. Pero hindi ako makakatakas sa pagsisimba. Sabay-sabay pa rin kaming nag-almusal. Hindi nag-iimikan sina Kuya Lee at Danica. Nakikita ko ang lihim na pagsulyap ni Kuya sa lugar ni Danica kaya ngumingiti ako sa kanya tuwing nagtatama ang aming paningin.
Noon ko lang nakitang ngumiti si Kuya. Makahulugang ngiti... Ngiti na abot hanggang tenga. Kung anuman ang naglalaro sa isipan niya, tiyak kong may kinalaman iyon kay Danica.
Pagkatapos naming kumain ng almusal, umakyat kami sa kuwarto at abala akong naghanap ng damit pangsimba na kakasya kay Danica.
"O heto... mukhang kkaasya naman ito sa iyo." Ibinigay ko sa kanya ang isang damit na mula sa Oli Collection. White tube in white long sleeve lace at floral ang ibabang palda nito na gawa sa seda.
"Para saan ito?" Nagtataka si Danica.
"Angalagay iwan ka namin. Magsisimba kami. Bakit? Hindi ba kayo nagsisimba?"
"Nagsisimba tuwing birthday, tuwing imbitado kami sa kasal..."
"Huh! Naku, hindi puwede 'yan dito sa amin. Lumaki kaming lahat na palaging nagsisimba. Halika na. Mukhang kasya naman iyan sa iyo eh. Magka-size naman tayo ng paa di ba? Pili ka na ng stlye na gusto mo."
Nauna akong bumaba sa sala. Alam kong nag-iisip-isip pa itong si Danica. Hinayaan ko na lang muna siya. Nasa loob pa siya ng banyo ng bumaba ako.
"O nasaan si Bestfriend?" Nasa sala na pati sina Mommy at Daddy.
"Danicaaaaa!"
"Coming down...." Sigaw niya. Tahimik na umupo si Kuya sa tabi ko.
"Baka naman hindi Katoliko ang kaibigan mo at niyaya mo pang magsimba."
"Ano ka ba, Kuya? Katoliko rin siya. Hindi nga lang tulad natin na madalas magsimba."
Tahimik na naghintay sina Mommy at Daddy. Nagbasa muna si Daddy ng newspaper upang hindi masyadong mainip. Nakibasa din si Mommy. Ilang sandali pa ay narinig ko ang yabag pababa ng hagdan. Nagmamadali si Danica, hawak pa ang kanyang stiletto.
"Hmmm, what a de ja vu? Just like the night I saw her trying to hide something" Sabi ni Mommy , sabay ngiti. "Wow!"
"Wow! angganda mo, Bestie...."
"Para tayong kambal..." Pareho kami ng style, iba nga lang ang kulay at ang features ng damit ko. Gawa din sa lace at seda ang damit ko."Kuya..." Hahaha! Natulala si Kuya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.
"WHAT? Panget ba? "
"Bakit? may sinasabi ba ako?" Nagkibit-balikat si Kuya at nauna na siya para kunin ang kotse sa garahe.
Kinuha niya ang Fortuner para kasya kaming lahat. Pagtapat sa pinto ng mansion, bumaba siya ng kotse... Nilapitan niya ako at pasimpleng binulungan. "Doon ka sa likod..." Itinabi niya si Danica sa harap. Inalalayan pa niya ito.
"Jazzy, dito ka na sa harap..."
"Hindi dito ka sa tabi ko." Sabi ni Kuya. Bigla akong na-etche-puwera sa eksena.
Kapag tuluyang na-in-love si Kuya, nakikini-kinita ko na ... ganito ang mangyayari sa akin. Palagi niya akong pauupuin sa likod.
"Okay, fine... Sa likod ka Jazzy kasi ang kuya mo, mukhang na-love at first sight sa kaibigan mo."
"Uy, Jazzy ha!" Nagreact si Danica.
"I'am fine, Danica. I'm referring to Kuya. Not you..."
"Tayo na at baka ma-late tayo sa misa. " pero sinulyapan muna niya ako sa head mirror at kinindatan. Tumingin siya sa dako ni Danica na nakatingin sa labas ng bintana.
"Miss Maganda, baka puwedeng mag-seatbelt ka na."
"Ay oo nga pala " Pero inunahan pa siya ni Kuya na hilahin ang seatbelt nito.
Alam ko na... Diskarteng malupet ni Kuya... Style niya, okay na rin for a beginner. Wish ko lang din, maging girlfriend niya si Danica kaysa mapunta siya sa iba.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...