DANICA'S POV
Hindi talaga ako makapaniwala na si Kuya Lee iyon, ang kuya ni Jazzy. OMG, paano ko sasabihin kay Jazzy ang nangyari sa amin noong birthday niya. OMG! OMG! AaAHHHHH! Nakakainis naman eh. Padabog akong umakyat ng kuwarto. Iniligpit ko kaagad ang aking mga gamit. Nadatnan ako ni Jazzy na nagpapalit ng damit.
'Uy, saan ka pupunta?"
"Uuwi na ako..."
"Naku, tumigil ka nga. Tigilan mo 'yan." Hinila niya ang mini-duffle bag ko.
"Nakakahiya kasi eh! Hindi man lang nagreklamo ang kuya mo ng utusan ko siyang igarahe ang Black Mustang ko. Sinutsutan ko pa siya." Napapikit ako sa sobrang hiya. Lalo na kanina sa dining table. Nauna na akong kumain . Hindi man lang ako nagdasal.
"Talaga! Ginawa mo iyon sa kanya. Tsk! Tsk! Tsk! naku, lagot ka! Matindi pa namang magalit si Kuya."
"Talaga! Naku... huwag mo na nga akong takutin, nakakainis ka! Uy, uuwi na nga ako."
Pumasok si Tita Lemuela. Nakangiti siya sa aming dalawa ni Jazzy. Nilapitan siya kaagad ni Jazzy.
"Mommy, uuwi na daw si Dan. Eh wala siyang kasama ngayon dahil nasa Hongkong ang mama at papa niya pati si Angel."
"Oh, bakit ka kaagad uuwi Iha?"
"Kasi Tita, nahihiya po ako sa nangyari..." Napapikit ako ng mata at napayuko sa sobrang hiya. "Sorry po talaga!"
"Hindi ka sa akin dapat mag-sorry..."
Iyon na nga ang problema dahil hirap din akong humingi ng sorry. Wala sa ugali ko ang humihingi ng sorry kahit ako pa ang may kasalanan. Mas gusto ko pang maparusahan kaysa magsabi ng "I'm sorry..."
"See, just say sorry. It's not too late to say sorry...♪" Sabay kanta ni Jazzy. Lakas talaga niyang mang-asar. Nag-alsa-balutan talaga ako. Hinabol ako ni Jazzy papuntang garahe.
"Danica naman eh...Huwag ka nang umalis..."
"Nandoon naman si Butler at Madame Whitney..."
"Friendship naman..." Hinila niya ang kamay ko. Hinila ko iyon at kinapa ko ang susi sa aking bulsa. Binuksan ko ang aking bag. Tiningnan ko ang mga bulsa ng duffle bag pati na ang shoulder bag ko. Biglang dumating si Kuya Lee.
"Pssst..." Itinuro niya ako ng hintuturo niya at pinapalapit ako sa kanya. Hindi ako lumapit.
"Kuya naman.. Huwag mo namang takutin si Danica." Iniharang ko ang katawan ko kay Danica. Kumapit siya sa akin at napaatras kami ng akmang lalapit na ang kuya niya.
YOU ARE READING
POLICE STORY
AksiyonDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...