Chapter 1

492 20 14
                                    


Dedicated po kay ByunXiHwangChacha unnie, you don't know me but I know you. Charot. Isa ka po sa mga dahilan kung bakit bigla kong natripan gumawa ng story, sana po mabasa mo to. Hwaiting.

Luhan's POV

Isa nanamang boring na araw ang lumipas, pauwi na ko galing school, dito pa lang sa labas ng bahay ay rinig na rinig ko na ang pagtatalo ng aking mga magulang.

"San mo nanaman dinala yung pera mo ha?" rinig kong sabi ni mama.

"Kanina ka pa!!!" akmang sasampalin ni papa si mama pero hinarangan ko sya at di ko na napigilang sumagot.

"Pa. Tama na po!!!La--"

Di na natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong mapunta sa ibang lugar.Grocery.

Nakalimutan ko nga pa lang sabihin sa inyo na hindi ako normal. Tuwing nakakaramdam ako ng sobrang emosyon bigla akong nawawala at napupunta sa ibang lugar.

Tulad ng nangyari kanina sobrang galit ko kay papa.

Nagulat naman yung isang babae, siguro kaidaran sya ni mama pero maganda sya at mukhang mayaman.

"Hijo, pano ka napunta dyan?"tanong nya. Wow may slang mag salita RK este RM Rich Momma.

"P-Po?" di ko siguradong sagot. Tanong pala yun di pala sagot. Buti na lang pogi ako. Anong connect?

"I'm sure wala ka dyan kanina"pagpupumilit nya. Kutusan ko to e. isa pa.pigilan nyo ko.

"Kulit mo, para kang papa mo" joke lang di ko kilala papa nya. Malay ko ba dun.

"What?"

"Ah..eh. Wala po. Una na po ako. Good night po and Wish you have a good shopping experience, cause here at SM we got it all for you." Ano daw?

"Psst. Hoy." sita nung guard na kalbo.Puregold pala to kala ko SM. Nagsorry naman ako kay Benjie Paras este dun sa guard. Tao lang po. Tao nga ba?

Asus.nagdadrama nanaman ang lolo nyo. Pero manly ako ah MANLY.

"Ah!" tili ko ng may makasalubong akong palaka.Pero manly yung pagtili ko ah. Don't me readers ha in tagalog Wag ako. Galing ko talaga mag-english.

Uwi na nga ako, may pasok pa ko bukas.

"Yess!!!"

"Wooh! Wala si Maam!" Tuwang tuwang sabi ni In Guk, sya "daw" ang pinakagwapo dito sa school. Tss. Anung tawag nyo sakin?

"Psst. Hoy tomboy anong tinitingin tingin mo dyan ha?" Nasabi ko na ba sa inyo na sya din ang pinakabully dito? Kung hindi pa edi shing. Joke. Edi alam nyo na at ako ang pinaka favorite nyang pagtripan. Dahil gwapo ako este dahil di ako lumalaban at tsaka mukha daw akong babae mga readers payag ba kayo? Oo? Kiss ko kayo dyan eh. Wala rin akong kaibigan dito dahil takot silang mapag-initan ni In Guk Buguk. Wow Rhyming words.

"Anak ng Pu-" muntik pa akong mapamura ng itapon nya sa mukha ko yung kinakain nyang cup noodles. Pero as usual napunta nanaman ako sa ibang lugar at-

"Ay kabayo!" Napunta lang naman ako sa Korea.joke. sa tuktok ng puno. Di ba nila alam na takot ako sa heights ha. Hoy author ayos ayusin mo naman pagsusulat mo dyan. Baka di kita matantya.

Kahit na nanginginig ay pinilit ko pa ring makababa dahil malayo layo pa ang lalakarin ko pauwi wala akong pamasahe.

Gabi na ng makawi ako. Hay salamat. Ceasefire muna sila mama at papa. Kumain na ko ng hapunan at natulog na dahil may pasok pa ako bukas.

"Anak ng hototay naman oh" bigla kong naalala yung nangyari kanina. Nakita ng mga classmate ko kung paano ako nawalang parang bula. Paano to? Aish. Bahala na bukas. Zzzzzzzz.

"Luhan!" Nagising ako sa pagsigaw ni papa.
"Bakit po" 7:00 na pala.

"Kailangan mo ng umalis!" Sigaw nya habang nilalagay ang mga damit ko sa isang malaking bag.

"Kalat na sa buong lugar ang nangyari sayo sa school kahapon" dagdag pa nya. Di na ko nagulat sa dami ba naman ng tsismosa dito malamang parating na si Kabayan Noli de Castro dito eh. No choice ako kaya tinulungan kona si papa sa pagiimpake.

"Anak, mag iingat ka sa pupuntahan mo ah" halos di mapigil sa pagiyak si mama. Aish. Ayokong tumingin sa kanya, sa kanila ni papa dahil sa likod ng muscles at abs ko ay isang malambot at emosyonal na tao.

"Opo" yan na lang ang nasabi ko at agad na yumakap sa kanila. Parang ayoko ng umalis pero di pwede dahil baka madamay lang sila ni papa.

Nang mapadaan ako sa bayan, nakita ko ang daming tao at halatang may pinag-uusapan sila, bilang isang lingkod ni Dora Chikadora nakinig ako.

"Kailangan nating mapaalis yung halimaw na bata na yon dito sa lugar natin" sabi ng leader nila.

"Oo nga" galit na sigaw ng mga tao.

"Baka kamalasan lang ang idulot nyan dito sa lugar natin." Dagdag pa ng ilan.

Umalis na lang ako sa kinatatayuan ko dahil halata naman na ako yung tunutukoy nila.

Huminto muna ako saglit sa paglalakad dahil sa pagod ang bigat pa ng bag ko. Pati ata damit ko noong baby nilagay ni papa dito. Malayo layo na rin naman ang narating ko. Napahinto ako sa pagninilay nilay, naks ang lalim parang boses ni Chanyeol, ng biglang may humintong sasakyan sa harap ko at may lumabas na babae. Teka, kilala ko to ah. Tama! Sya yung babae sa Puregold yung maganda at RM.

"Good Morning hijo. I'm Erin Hwang"

"Good morning din po I'm Lu Han" bati ko at nagbow.

"Naku! Kung budol budol po kayo nagkamali po kayo ng bibiktimahin, wala po akong pera" dagdag ko.

"Haha, naku, mapagbiro ka pala hijo." sabi nya. Seryoso kaya ako dun, mukha ba akong nagjojoke?

"Ah. Kung ganoon po ano pong sadya nyo?" Tanong ko.

"I'm here to help you."

"Ay! Salamat po may kabigatan nga po itong bag ko eh."

"No. I mean yung kalagayan mo, alam kong mayroong kakaiba sayo nung bigla kang sumulpot sa grocery dahil sure ako na wala ka talaga doon and besides alam ko na rin yung nangyari sa school nyo kahapon." May pagka-cheeseburger din pala ito si madam.

"S-sino po ba kayo at bakit nyo ako gustong tulungan?" Nagtataka kong tanong.

"Di na muna mahalaga yun, basta sumama ka na muna sa kin para higit nating maintindihan ang kalagayan mo." Pag-aassure nya sa akin.

Sumakay na ko sa kotse nya. Wala namang mawawala kung sasama ako sa kanya. Di naman ako pwedeng bumalik sa bahay, wala akong kaibigan at tsaka wala rin naman akong lovelife. Awtss.

Classified (Lufany)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon