Taeyeon's POV
"Hahaha Hahaha.. Hahaha" halos mamatay kami ni Sica sa kakatawa.
Pano mapagkamalan ba naman nilang babae si Lulu.Hahaha. Patuloy lang kami sa pagtawa ng biglang---
Nawala si Luhan. Di na kami nagtaka ni Sica dahil na ikwento na ni Luhan yung kakayahan nya, siguro sobrang hiya nya kanina kaya bigla syang nawala.Readers, di ba kayo nagtataka kung bakit ang out of this world na kagandahan ko ay itinatago lang sa facility na ito? Kasi nga mutant ako, may time na bigla bigla na lang akong nagiging hayop, yes readers you read it right pero thanks na rin sa facility na ito at kay Miss Erin dahil dito tinuturuan kaming maintindihan at sana makontrol ang aming mga kakayahan.
Nagulat naman ang tatlong kolokoy sa nangyari pero agad namang inexplain ni Sica ang nangyari kaya kumalma naman sila.
"Maupo na muna kayo dyan, magluluto lang ako ng hapunan mukhang mamaya pa makakauwi si Luhan dito na kayo kumain" sabi ko. Syempre bisita pa rin sila no at tsaka mukha naman silang haggard este mabait pala.
"Thank you" sabi nung babae. Di man lang tumanggi. Joke. Nageye smile din sya. Cute. Pareho sila ni Ms.Erin. Ang ganda nya.
Alam nyo ba readers kala ko dati ako na ang pinakamaganda sa balat ng building na ito at second lang si Sica pero ngayon talbog na ang beauty namin sa kanya second na lang ako ngayon huhubelles. Siguro boyfriend nya yung nakaeyeliner, baby kasi tawag sa kanya,Sayang ay ano ba yan, oy wag kayong ano dyan ah di ko type yun mukhang bakla na yun pero mukha syang mabango ay ano ba yan!
"Anong Iluluto mo?"
"Ay Butiki!" Si Sica kasi nanggugulat.
"Uy, malalim iniisip nya, siguro iniisip mo yung naka-eyeliner no?" Pang-iinis nya.
"Che! Di ko type yun no mukhang bakla at tsaka mukhang girlfriend nya na yung maganda nilang kasama" awtss. Ay! ano ba yan Kim Taeyeon!
"Hindi a parang yung matangkad yung boyfriend nya. Maypa baby baby pa sila. Tss." Sabay roll eyes ni ungas.
"Uyyy ikaw ata ang nagseselos eh. Yiee"
"Baliw"
"Kwento mo sa pagong"
"oy pagong alam mo ba-"
"Nyahaha nakakatawa"
Patuloy lang kami sa paghaharutan ni Sica pero salamat sa dyos natapos din naman kami sa pagluluto.
"Taeng, bihis muna tayo" oo nga pala naka uniform pa kami.
Papunta na kami ni Sica sa kwarto namin nang madaanan namin ang mga bisita namin. Hahaha. Nakakatawa yung itsura nila. Tulog na tulog kasi sila nakanganga pa. Pagod na pagod siguro tong mga to sa dami ba naman ng pasyente dito e.Tiffany's POV
*yawn* Napamulat naman ako ng mapagtantong wala ako sa condo namin. Ay oo nga pala pinatuloy kami dito nung mga patients namin.
"Hi! Pasensya na ha nakitulog pa kami dito" pagbati ko sa kanila. Tulog pa nga yung dalawang ugok e.
"Naku! Ayos lang. Ang totoo nga nyan masaya kami na may ibang tao dito." Sabi nung maliit ay! pareho pala silang maliit. Edi yung mas maliit.
"A by the way ako nga pala si Tiffany."
"Ako nga pala si Jessica, sya naman si Taeyeon." Tapos nakipaghand shake ako sa kanila. Nakakatuwa silang dalawa, ang dadaldal pare-pareho kami, sama mo pa si Baek pwede na kami gumawa talk show. Ang sarap nilang kausap, feeling ko nga best friends ko na sila e, ang dami nilang tanong mostly tungkol sa labas. Kaya naman nakaisip ako ng isang bright idea. Kasing bright ng skin ko. Hahaha. Tawa kayo dali!"Wow" sabay pa nilang sabi. Inilabas ko lang naman ang phone ko at ipinakita ang ibat ibang features nito.Syempre bilib na bilib naman sila. Cute. Pero pinakaenjoy sila sa pagse-selca at mga games.
"Oy Sica! Pasubok naman ako" pfftt. Cute ni Taetae. Yan na nickname ko sa kanya.
"Wait lang, gusto kong mabeat yung high score" sigaw naman ni Maomao habang kinacareer ang paglalaro ng 2fuse.
"Pshh. Ppanyang, dyan ka lang a ihahanda ko lang yung hapag kainan" inis na sabi ni Taetae. Sumunod naman ako sa kanya.
"Tulungan na kita Tae." Sabi ko. Wala rin naman akong magawa e at tsaka mukhang ayaw ng bitawan ni Maomao yung phone.
Habang inaayos namin yung mesa, tuloy parin ang pagdaldal ng maliit na dalaga, para syang si Baek. Maya maya pa biglang pumasok ang taong kanina pa namin hinihintay. Luhan.
Luhan's POV
Naparoll eyes na lang ako ng makitang nasa school ako. What's new? Sobrang nakakahiya kasi yung nangyari kanina e. Pagkamalan ba naman akong babae? Tapos si Taeng at Sica grabe pa kung makatawa. Bahala na nga, malayo layo pa ang lalakarin ko. Pwede naman kasing sa CR na lang ako mapunta e, dito pa ko napunta sa pagkalayolayo naming school.
Hay, nakarating rin. Pagpasok naabutan ko si Sica na naglalaro ng Phone sa tabi naman nya yung dalawang lalaki kanina, ayun plakda. Tulog ang mga loko.
"Sica, asan si Taeng?" Tanong ko aa kanya.
"Nandun sila sa kusina" di man lang lumingon ang bruha. Busy?
Pagpunta ko sa kusina nakakita ako ng Dyosa. Joke. Nakita ko yung isa sa mga doktor, nagaayos sya ng hapag-kainan.
"O!..hello... Luhan right? I'm Tiffany" gulat nyang bati sakin. Nakakagulat na ba talaga ang kapogian ko?
Inextend ko naman ang kamay ko para makapaghand shake sa kanya. Ang lambot."Ah.. Nice to meet you Tiffany,Nasan nga pala si Taeng?" Ang ganda nya talaga. Ngayon ko lang kasi sya nakita ng malapitan.
"May kinuha lang saglit sa kwarto nya." Sabay eye smile. Shet. Ang puso ko.
"Maupo ka na dyan, kakain na tayo" dagdag pa nya.
"Okay" tipid kong sagot.
"Mao, gisingin mo na nga yung dalawang yan." Sabay sigaw nya, aba may nickname pa sya kay Sica ha. Naupo naman sya tabi ko. Ayiee. Maya maya pa sabay sabay ng dumating ang mga ungas.
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...