Tiffany's POV[1 year later]
"Mauna na kami Fany!" sigaw ni Sica.
"Fany, ikaw na muna bahala sa mga puppies. Bawi ako sayo bukas. Hehe" sabi ni Taeng at sumunod kay Sica. Tumango naman ako.
"Hoy baboy, wag ka magpakagabi, umuwi ka agad baka kung san san ka pa maglamyerda" tignan mo tong si Kris nagkagirlfriend lang di na baby tawag sakin kundi baboy.
"Taba, iwan mo lang yung susi sa ilalim ng doormat para di ka na namin maistorbo" isa pa tong Baekla na to.
"Ewan ko sa inyo! Nagkagirlfriend lang kayo di nyo na ko sinasama sa mga lakad nyo, kung ano ano pang tinatawag nyo sakin" paawa epek si ako.
"Luh! Nagdrama na naman ang baby namin" nangaasar na sabi ni Kris habang ginugulo yung buhok ko.
"Bawi kami sayo next time" sabi naman ni Baek at ipinatong ang braso nya sa leeg ko.
"Magsialis na nga kayo! Ang gugulo nyo." Tulak ko sa kanila. "Kayo din wag magpakagabi, mga kaharutan nyo. Malaman ko lang na may ginawa kayo sa dalawang yan. Naku! Talaga" bilin ko.
"Inggit ka lang, yayain mo din kasi yung boyfriend mo" pang aasar ni Baek.
"Che! Di pa kami!" sigaw ko.
"Di pa? Ibig sabihin may chance ang manok ko?" hirit pa ni Kris.
"Lumayas na kayo!"
Bumalik na ako sa nursery para ituloy ang ginagawa ko. Marami rami kasing pets ngayon sa animal clinic namin nina Taeng. More than 9 months na rin kaming nagooperate kaya may mga loyal customers na kami. Muntik na ngang di matuloy tong clinic na to dahil against si Mommy na lumabas sina Sica sa facility pero dahil malapit lang naman at sa araw araw naming pangungulit sa office nya ay pinayagan nya rin kami.
Isa isa kong chineck yung mga pusa ganon din yung mga aso pati yung mga new born puppies. Cuties.
Wala ng masyadong gagawin dito sa clinic pero maya maya na rin siguro ako uuwi, wala naman akong kasama dun.Nahinto ako sa pagmumuni muni nang makita ko syang palabas ng facility.
Wala pa ring pinagbago.
Parang kailan lang.
Sa lahat ng mga nangyari nitong nakaraang taon, lagi syang nasa tabi ko.
I'm lucky to have him.
I'm lucky to still have him.
Di nagtagal ay nasa harap na sya ng clinic. I mouthed 'wait' through the glass door. Nakita ko naman syang nagpout. Problema nya?
Nang masiguro kong ok na ang lahat ay nilock ko na ang clinic.
"I want to see the puppies" kunot noong sabi nito.
"Bukas na. Pasabay ako ha, uuwi ka na diba?" tumakbo na ko pasakay sa kotse nya. "Ppali!" sigaw ko.
Padabog itong sumakay sa kotse. Bala sya dyan gutom na me.
Ano kayang masarap kainin? Di naman ako marunong magluto. Hihingi na lang ako kina D.O ng ulam hehe.
Nagulat ako ng ihinto nya ang kotse sa isang Chinese Restaurant.
"Sahod mo ngayon?" tanong ko.
"Kung ayaw mong kumain, maiwan ka dyan" tss. Wala ka pa ring pinagbago Oh Sehun.
A/N: Hello~~ How's the first half of your year? I just realized more than one year ko nang sinusulat tong story na to, one year na rin kayong nagtyatyaga sa story ko. Hehe. Salamat po😘 Yun lang. Namiss ko lang mag-a/n. Anyways, vote and comment po para malaman kong natutuwa kayo sa mga pinagagawa ko.
MV/R: Holiday and All night.
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Ficção CientíficaMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...