Luhan's POV
"Bye Taeng" pfft. Hindi nya ako pinansin at dirediretsong lumabas, iniwan pa si Sica.
"Patay ka Lulu, galit pa rin si Taeng. Pfft." Sabi ni Sica habang nagpipigil ng tawa.
"Bakit ako? E ikaw nga nauna kumuha" Totoo naman e. Kagabi sya unang kumuha ng macarons habang naging rabbit si Taeng. Syempre kumuha din ako. Bad trip tuloy ang lola namin ngayon. Ni hindi man lang kami pinagluto ng almusal.
"Bat mo ko ginaya?"
"Ewan ko sayo, pumasok ka na nga! Iniwan ka na ni Taeng. Haha"
"Sige, bye Lulu! Pasalubong ko a"
Papunta na sana ako ng kusina nang-
*knock knock*
Andito na ata ang sundo ko at possible na makasama ko sa China. Sino kaya?
"Good Morning! Luhan right?" Sabi ng lalaking mataba ang pisngi. Pamilyar sya. Nakikita ko sya madalas nagrarounds around the school area. Sino ba to? Xiuni?....Xiungi?.....Xiuming?....Xiu-
"I'm Dr. Kim Minseok, but I preferred Xiumin more" nakasmile nyang sabi. Ayun! Xiumin pala. Kung ano ano pang pinagsasabi ko. Hehe.
"And I'm Dr. Zhang Yixing, but please call me Lay" sabi nung kasama nya. Yung totoo. Anong tinira neto? Mukhang High e. Gising na ba to?
"Ah. Hello. Nice to meet the both of you" sabi ko habang nagbow. Nagbow din naman sila sakin.
"Let's Go! Magalmusal muna tayo" sabi ni Xiumin. Yun oh. Almusal daw!
Wala pa rin palang masyadong pagbabago dito sa labas. Kunsabagay ilang weeks pa lang naman ako sa facility. Ang sarap pala sa feeling na makalabas ulit.
Huminto kami sa isang sikat na cafe at kumain. Wala pa masyadong tao ngayon. Maaga pa kasi kung meron man ay takeout pa.
*beep beep* busina ng sasakyan sa labas. Kami ba binubusinahan nya? Di ko kasi makita yung nasa loob ng sasakyan. Heavy tinted e.
"Andyan na pala sya" sabi ni Xiumin. Asa pa kayo kay Lay, sobrang tahimik. Teka- andyan na daw sya? Sinong sya? May isa pa kaming kasama?
Sumakay si Xiumin sa shotgun seat habang kami naman ni Lay ay sa likod. Alangan namang kumandong kami sa kanya diba?
"Good Morning Guys" Masayang bati samin ng nagmamaneho ng kotse si-
"Good Morning din" sabay na sabi ni Xiumin at Lay.
"F-fany?"
"Bakit Lu?"
"Ah.. Wala nagulat lang ako. Kasama ka sa China?"
"Bakit ayaw mo?" Sabi nya habang nakapout. Kiss ko sya dyan e.
"Di naman sa ganon. Parang wala ka naman kasing nabanggit na ganito"
"Biglaan lang din Lu. Dapat si Mommy kasama niyo kaso may mga prior commitments sya" Tignan nyo nga naman. Ang galing talaga ni Destiny no? Lufet. Hayaan nyo ipapakilala ko sya sa inyo.
"Ah"
Habang nasa byahe, walang tigil ang paguusap nina Fany at Xiumin. Mostly tungkol sa facility at current issues. Halata mong matalino si Xiumin base sa mga pananalita nya pero di rin magpapahuli si Fany na nakikipagsabayan din sa kanya. Wala nga kong maintindihan e. Inaantabayanan ko na yung ilong ko baka manose bleed ako sa dalawang to.
"We're here" sabi ni Fany.
Ginising ko naman si Lay na malamang nasa China na dahil sa haba ng tulog.
"This way Ma'am, Sir" pagaasist samin ng isang mukhang airport official. Di kasi kami dumaan dun sa mismong daanan ng mga passengers, bale parang sa secret entrace kami dumaan at may mga escort pa kaming mga military officers.
"Lu, ano ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik, namumutla ka pa." Worried nyang sabi.
"Ah... Ano kasi Fany e.." Sasabihin ko ba? Nakakahiya kasi e.
"What?" Mahinahon nyang tanong.
"Ano e... N-natatakot ako"
"Kanino? Saan?" Mahahalata mo amg confusion sa mukha nya.
"Takotakongsumakayngairplane" mabilis kong sabi. Nakakahiya kasi e. Ang Manly Manly ko tapos naduduwag ako ngayon.
"Ano?, di kita maintindihan." Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot-
"Takot ako sa heights. Natatakot akong sumakay ng airplane" pageexplain ko.
"Pfft. Ano ka ba naman Lu. Wag kang matakot safe naman yan e" di pa rin maalis ang kaba ko. Ang kinakatakot ko lang baka sa sobrang takot ko ay magdisappear na naman ako, mapurnada pa ang China trip ko.
Matapos ang ilang metrong paglalakad ay nakarating na kami sa mismong runway kung saan naroon ang aming chartered plane. Putrakels. Lalo akong kinabahan, pero di pwede kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Inhale. Exhale. Nakita ko na sina Xiumin at Lay na umaakyat sa hagdan papunta sa plane. Nang nasa tapat na kami ng hagdan ay parang nanigas ang buong katawan ko. Grabe di ko na kaya. Feeling ko anytime magdidisappear na ko. Nang biglang-
May humawak sa kamay ko.
MV recommendation: Sugar and Me by Raina unnie and SanE.
A/N: The MV recommendation thingy has nothing to do with the story. I just want to share good music and at the same time share the vibe that a particular song/MV gave me. Yun lungs~ I just want to explain myself. Lol.
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...