Tiffany's POVNagising ako ng maramdamang may maliit na bagay na tumutusok sa braso ko.
"Ah!" Sapo ko sa ulo ko ng bigla itong kumirot.
"Good thing gising ka na hija" malumanay na sabi ni Mr. Z. Kung sya rin lang pala ang aabutan ko, ang sarap bumalik ulit sa tulog.
"Where am I? What are you doing? Where's Luhan?" Sunod sunod kong tanong. Di nya ako pinansin. He didn't even bat an eye. "Answer me!" Halos pasigaw kong sabi. Pero ganun pa rin. Parang di nya ako narinig. Medyo kinakabahan na din ako dahil di ako pamilyar sa lugar.
I look around and examine the area. Maliit lang. Parang room nga lang. Kaya di ako sure kung nasa lab ba ako o nasa ibang part na ng mansion dahil wala akong makita sa paligid kundi mga pader at isang pinto which i believe is locked para di ako makatakas. Pero bakit naman kailangan ganto pa? Di naman ako mutant. At tsaka anong pinag-iinject ng kolokoy na to sakin?
*Blag Blag*
Sabay kaming napapitlag ni Mr. Z ng marinig ang malakas na pagkatok. Halos masira yung pinto dahil sa ginawa nya. Kung sino man sya.
Agad namang lumapit dito si Mr. Z at binuksan ang pinto."Where's Tiffany? Anong ginawa mo sa kanya?" Sigaw ng lalaking kumatok. Di ko sya makita dahil nakaharang yung pinto dito sa view ko. Pero alam kong si Lay ito.
"Is that how you say Good Morning to your father, son?" Muli ay malumanay nitong sabi. Si Lay nga.
Di na sya pinansin ni Lay at pumasok na sa kwarto."Lay" sambit ko. Pawis na pawis ito at hinihingal pa siguro dahil sa pagtakbo. Halata rin sa mukha nito ang pag aalala.
"Tiffany!" agad na lumapit sakin si Lay at chineck ang buo kong katawan. " Ayos ka lang ba? Anong ginawa nya sayo? San masakit?" Tanong niya habang patuloy na chinecheck ang buong katawan ko. Ano bang nagyayari?
"Lay" I tried to get his attention pero aligaga pa rin ito at patuloy lang sa kanyang ginagawa.
"Lay" parang wala syang narinig. Ano ba tong room na to pag pumasok ka di mo na maririnig yung iba? Kaloka.
"Lay, calm down" tumingin naman sakin si Lay at mukhang kumalma na sya ng slight. "Tell me what's happening? Why are you acting that way? What am I doing here? The others? Where are they?"
"May ginawa a ba sya sayo? Pinainom or ininject?" di nya sinagot ang tanong ko sa halip ay tinanong nya ako. Just what the hell is happening?
Nagkatinginan kami ni Mr. Z na ngayon ay ngiting-aso kaya naman ay agad kong binaling ang paningin ko kay Lay at dahan dahang tumango."Shit" mahinang bulong ni Lay.
Biglang tumawa ng malakas si Mr. Z na ibang iba sa pa demure nyang character. Baliw na ata. Wala namang nakakatawa, tawa ng tawa."You promised me!" Malakas na sigaw ni Lay. Napalingon naman ang kanyang ama dahil dito habang nakangiti. "You're not going to hurt her". Is he referring to me?
"I didn't" in his usual malumanay tone. "Nasaktan ka ba hija?" dagdag pa nito.
Tumingin sakin si Lay.
"Don't worry Lay mukhang wala naman syang kinuha sa body organs ko" biro ko pero ang kuya nyo di natinag.
"Dapat nga magpasalamat sya sakin e" sabat ni Mr.Z. Bakit naman ako nagpapasalamat sa kanya diniamond peel nya ba ko habang natutulog? O kaya footspa? "You're very lucky Tiffany" wow. Maka-Tiffany close na ba kami?
"What are you saying?" tanong ni Lay.
"Follow me." lumabas ito. Inalalayan naman ako ni Lay na makaupo sa wheelchair dahil medyo hilo pa ang lola nyo. Tss. Naalala ko tuloy si Lulu sa wheelchair. Pfft. Good old days.
Paglabas namin ay isang mahabang hallway ang bumungad samin. Kaya pala hingal na hingal si Lay kanina, ang haba ng tinakbo nya.Pilit kong inaalala kung pano ako napunta dito pero wala. Sumasakit lamg ang ulo ko. Nasan kaya yung iba? Gusto ko sanang tanungin si Lay pero seryoso ito at mukhang wala sa mood makipagusap.
Huminto kami sa tapat ng isa sa mga kwarto at walang ano anoy pumasok na ang matanda.
Para syang isang malaking private room sa ospital, may tv, maliit na sala set at dalawang bed kung saan isa sa mga yon ay nakahiga ang walang malay na si Luhan.
"Lu!" tawag ko. As if narinig nya ko. Wala ngang malay diba.
"Son, I think you should let them rest first" sabi ni Mr. Z at agad na lumabas ng kwarto at naiwan kaming tatlo.
"Lay, Your dad's right. You should rest too" sabi ko. Habang nakakunot lang ang noo nya na mukhang malalim ang iniisip.
"Lay" tawag ko.
"Lay. Are you listening? I said we should all rest" lumapit na ko sa kanya. Ewan ko na lang kung di nya pa ko marinig.
"Something's wrong" humarap sya sakin.
"What do you mean?" Ohoooooohh. When you nod your head- Charot! Kumanta?
"Hindi nya kayo basta basta dadalhin dito"
"Lay, di kita maintindihan. Nasan ba tayo?"
"Tiffany?" Sabay kaming napalingon ni Lay sa pinagmulan nun.
"Lu! Buti nagising ka na"
"Nasan tayo? Anong nangyari?" Question of the year: Nasan kami? Sana alam ko.
Nagkatinginan kami ni Lay.
"Tiffany. Mauna na ko. I need to find out what's happening" sabi ni Lay at humalik sa aking pisngi.
Nakabibinging katahimikan.
Umupo ako sa tabi ni Luhan. Medyo malaki naman yung higaan. Bale nakasandal kami sa pader at nakalapat yung legs namin sa bed.
"Anong nangyayari?" dahan dahan nyang inabot yung kamay ko at pinaglaruan yung mga daliri ko.
"I dont know" sumandal ako sa balikat nya where i feel safe. "Pero Lu, it looks like we're in trouble again"
Hindi sya sumagot at patuloy lang sa paglalaro sa mga daliri ko.
"Lu,I said we're in trouble. AGAIN"
Di nya pa rin ako pinansin. Mapagtripan nga to.
"Lu, umamin ka nga" humarap ako sa kanya. Oops. Wrong move. Nakaharap din pala sya sakin. Now, our faces are just an inch apart.
Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sakin. Omo. Eotteokhae mga bes. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil di ko rin naman alam ang gagawin. Dugeun dugeun. Heartbeat ko! Halos ilang second ko ng pinipigilan ang paghinga ko. Antagal. Charot. Sa mga sandaling yun ay hinayaan ko ang sarili ko na lamunin na ng thoughts ko. Hanggang sa
*Tsup*
Hinalikan nya ko.
Sa ilong.
Idinilat ko na ang mata ko at nakaharap pa rin sya sakin. Umiwas ako ng tingin.
"Itatanong ko lang sana kung may balat ka sa pwet"
Pumunta na ako sa kalapit na higaan dahil ramdam ko ang matinding pag init ng pisngi ko. Nakakahiya!
MV/Rec: Fingertip by Gfriend:)
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...