Chapter 8

148 9 0
                                    


Baekhyun's POV

"Yun oh! Lufet mo talaga Kaps" Kapre in short Kaps. Naabutan kasi namin ni Jagi si Kris na sinusubuan ng soup si Sica. Bilib na talaga ako dito hanep ang mga diskarte.

"Pag mga bakla malisyoso talaga no? Syempre may sakit sya, para namang di ko to ginagawa kay baby Ppani" Nakita ko namang nagroll eyes si Sica. Aba! Ang taray ng gaga. Sabi ko na nga ba e type ni mars Sica si Kris at pinagseselosan pa si taba. Di bale pag nandito na si baby Ppani pagseselosin ko sya. Mwahahaha.

"Hahaha, maiwan ko na muna kayo ha magluluto lang ako, Kris dito na kayo magdinner ha." Tumango naman si Kris.

"Ah..Jagi.. Tulungan na kita"

"Tara" Sumunod naman ako sa kanya.

"Jagi, san ka nga pala natutong magluto?"

"Sa school pero konti pa lang kaya kong lutuin e, kaya paulit-ulit lang ulam namin hihi." Ang cute talaga ng Jagi ko.

"Edi tuturuan kita ng bago, marami akong kayang lutuin kasi ako ang alipin- este tagaluto nina Kris." Excited kong sabi.

"Sige!" Ano kayang masarap iluto? Uhm..Ah! Piniñahang Manok na lang. Nakakadalawang kaldero kami pag yun yung niluto ko e. Isang kaldero kay baby Ppani tapos kami ni Kris dun sa isa. Haha.

Sinimulan na namin ang pagluluto, magkatulong kaming naghihiwa habang ineexplain ko naman sa kanya kung anong gagawin.

"Jagi, kaano-ano mo ba sina Ppanyang? Bakit sobrang close kayong tatlo?"

"Bestfriends ko sila, simula ata ipanganak kami magkakasama na kaming tatlo e kasi yung mga parents namin magkakaibigan din."

"Ah.. E bakit baby tawag nyo kay Ppanyang?"

"Bakit, selos ka?" Sabay sundot ko sa tagiliran nya.

"Sira hindi no! Ang kapal naman ng mukha mo. Bakit nga?" awtss.

"Sabihin mo muna kung bakit mo tinatanong" nagisip naman sya.

"Aminin mo na kasi na nagseselos ka" pangaasar ko pa.

"F*ck you!" Hinampas nya naman ako.

"Sige lang F*ck me. Hahaha."
"Anong sige lang?"

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng sinasabi mo?"

"Hindi"

"Hindi pala e,San mo ba narinig yan?"

"Sayo" sakin? E malaanghel ako magsalita a, diba readers?

"Pero di nga ano ba talagang ibig sabihin ng Fuck you?" Pfftt. Haha. Seryoso pa sya nyan ha. Hahaha. Ang inosente talaga ng jagi ko.

"Wala! Wag mo ng itanong. Pfftt" pinipigilan ko lang pero tawang tawa talaga ako.

Luhan's POV

Pupunta na ako ng library may hihiramin sana akong book nang makita ko si baby este Tiffany pala.Pfftt haha. Nakakatawa yung itsura nya, nakangiti sya at nakatingin sa kawalan habang bumababa, parang nababaliw ganon. Babatiin ko na sana sya ng biglang-

*blag*

Nagkabanggaan kami at nalaglag ako. Aray!

"Luhan? Ay ikaw nga! Luhan!" Pinilit ko ang sarili kong tumayo pero-

"Aray!" Sobrang sakit ng braso at hita ko.

"Naku! Luhan ayos ka lang ba? Syempre hindi ikaw kaya malaglag" pftt nakakatawa sya, kinakausap nya sarili nya. Aray.

"Wait lang ah hihingi ako ng tulong, may clinic ba dito?" nagaalalang sabi nya.

"Uhm..oo..p-paglabas mo nitong sa school yung third room na makikita mo." Hirap na kong magsalita. Kayo kaya sa kalagayan ko.

"Sige dyan ka lang ha"

Naiwan naman akong mag-isa na nakahiga dito sa sahig, wala na rin kasing mga estudyante e hapon na. Mayamaya pa dumating na si Fany may kasama syang dalawang malaking lalaki. Dr. Park at Dr. Huang ang nakalagay sa mga ID nila.

"Dahan dahan lang ah" sabi ni Fany habang ihinihiga ako ng dalawa sa stretcher.

Dinala naman nila ako sa clinic, actually parang hindi nga sya clinic para syang mini hospital kasi kumpleto ang mga gamit.

"Thank you! I owe you guys bigtime" cute na sabi ni Fany at nagbow pa.

Nakita ko namang nagblush yung dalawang kumag. Hoy! Ako lang pwedeng magkacrush sa kanya sa story na to.

"Luhan, sorry talaga ha"

"Ayos lang" oy di ako ayos, kiss mo nga ko. charit. Ay! Ano ba yan kung ano ano ng natututunan ko kay Baek.

"Sige ieexray muna kita para malaman natin kung may fractures ba sa leg at arm mo"

"Okay" yan lang nasabi ko at nagsimula na sya sa pagx-ray sakin.

Sabi nya meron daw akong bali sa right leg at right arm ko kaya naman kailangan itong sementohin at tayuan ng building. Charot. Kailangan itong sementohin para maalign ulit yung mga bones. Sya na mismo ang nagsemento sa braso at hita ko. Gulat nga ako e kasi kung titignan nyo sya ang kikay nya at mukhang isip bata pero ngayon kita nyo sinesemento nya ang braso ko at sobrang seryoso ng mukha nya. Galing ko talaga pumili ng crush. Haha. Maganda na matalino pa san pa kayo?

"Ah Tiffany pahinga ka muna" nahihiya na rin kasi ako e. Biruin nyo sya lang mag-isa gumagamot sakin.

"No Lu, okay lang" wow ang cute naman ng nickname nya sakin. Keleg ekesh.

"Sure ka? Matatapos ka na ba dyan?"

"Ah oo, tapos tatahiin ko na yang sugat sa noo mo" sus, tatahiin lang pala- teka ano daw? Tatahiin? Peste! Di pwede yan takot pa naman ako sa karayom.

A/N: Oooh.. Dr. Huang and Dr. Park. Remaining Exo members still to come so stay reading. Hearteu hearteu. Have you watched Exo's Monster and Lucky One?Kyaaaa. Those two MVs, specially Monster, are pure awesomeness and Sehun leading the first chorus making it the best and Mama Hwang's Heartbreak Hotel? Tiffany's amazing vocals and adlibs plus Simon D.'s cool rapping is Heaven not to mention Fany's amazing acting and a kissing scene. huhubells. #staystrongtaengooandlulu #prayfortaeyeon2k16./flies away~/

Classified (Lufany)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon