Luhan's POV
"We're here!"
Naputol ang pagmomoment ko ng marinig ang mga salitang yon.Napatingin naman ako sa bintana at- Pucha!.
"Ms. Alam ko po kailangan ko ng tulong pero di ko pa po gawin ang mga ganyang bagay huhu"
Huminto ba naman kami sa tapat ng Sogo. Sige nga readers kung kayo nasa kalagayan ko anong maiisip nyo?
"Maghunos dili ka nga hijo, di kita type at tsaka sa ilalim ng building na yan matatagpuan ang secret facility namin duh" taray. Di nya ko type? E wala palang kataste-taste to sa katawan.
"Ah..eh ang pangit naman po kasi ng pwesto nyo"
"Ganon talaga, ikaw ba maiisip mo na may secret facility dyan?" oo nga no.
"Hindi po" sagot ko.
"Tara na nga may makakita pa sa atin dito nakakahiya." Sumunod na lang ako sa kanya.
"Wow ^o^ " halos tumulo ang laway ko ng makapasok kami sa loob. Sobrang laki kasi at madaming tao, parang isang maliit na community.
"Good afternoon po maam" bati sa amin ng isang di pa katandaang babae na nakalab coat. Nagsmile naman si Ms. Erin. Cute. May eye smile pala sya.
Nagpatuloy naman kami sa paglalakad. Wow. Sorry ha di ko mapigilan ang astig kasi dito sa loob, kulay puti ang buong paligid at puro busy ang mga tao na pawang mga nakalab coat. Maya maya pa ay narating na namin ang Main Building."Welcome to your new home Luhan!" Masayang bati sa akin ni Ms. Erin.
"Thank you po Ms. Erin"
"As you can see, nahahati ang building na ito into two, ang 1st department ay nakafocus sa mga taong ang defect ay makikita physically like her-" sabay turo nya dun sa babaeng may buntot ng unggoy. Nakakalungkot isipin na kailangan pa nilang magtago dahil di sila ligtas sa mapaghusgang mata ng mga tao.
"..and the second department focuses on people like you na may kakaibang kakayahan at kailangan ng mas masusing obserbasyon" ah. Napatango naman ako sa sinabi nya.
"Hijo, maiwan muna kita ha I need to talk to my daughter, but don't worry babalik ako to check how you are doing" nakasmile nyang pagaassure sa akin. Ang cute talaga ng eye smile nya.
"No problem po" sagot ko naman"
"By the way hijo here's your room number, hinihintay ka na ng mga roommates mo."
"Okay po" tumuloy naman ako sa paglalakad at nakita agad yung room ko. Knock knock. Nagulat ako ng pagbuksan ako ng isang duwende. Joke. Isang cute- wait magandang babae.
"Hello! anong kailangan mo?" Masayang bati nya sa akin. Cute.
"Um.. Dito kasi yung room ko.. Tingnan mo." Sabi ko at ipinakita yung card na binigay sa akin ni Ms. Erin-
"Sica!!!" Aray ko. Sakit sa tenga. Bigla ba namang sumigaw.
"Ay sorry halika pasok ka" at pinapasok nya ko sa room namin. Teka parang hindi nga sya room e, sinlaki na nya yung bahay namin.
"Ano ba yon!" Sigaw nung isa pang maliit na maganda rin.
"Nandito na yung bago nating roommate!" Sigaw nung sumalubong sa akin. Di ba sila marunong magusap ng maayos. Muntik ng maputol yung stirrups ko. O readers alam nyo yung stirrups? Hindi no? Nagulat naman yung Sica nang makita ako.
"Hi I'm Taeyeon at sya naman si Jessica" nakasmile na sabi ni Taeyeon. Nagsmile naman sakin yung Jessica.
"I'm Luhan" sabay nakipaghand shake ako sa kanila. Mukha naman silang mabait.
"Ah maiwan ko muna kayo ha magluluto lang ako ng hapunan" sabi ni Taeyeon.
"Halika Luhan ililibot kita dito sa bahay at dadalhin na rin kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka bago tayo kumain." Napatango naman ako sa sinabi ni Jessica.
Di ko namalayan nakatulog pala ako dito sa bago kong kwarto. Bumangon naman ako ng makitang 6:30 na.
"O Luhan, sakto ang gising mo halika na kain na tayo." Sabi sakin ni Taeyeon habang si Jessica naman ay nagaayos na ng hapag kainan.
"Bago lang din ba kayo dito?" Tanong ko habang kumakain kami. Ang sarap pala magluto nitong si Taeyeon at paborito ko pang Caldereta ang niluto nya.
"Sabi ni Ms. Erin wala pa daw kaming isang taon iniwan na kami ng magulang namin at dito na rin kaming sabay lumaki ni Sica." Nalungkot naman ako. Mas maswerte pa pala ako sa dalawang to dahil nakilala ko pa ang mga magulang ko. Hayy. Miss ko na nga sila e.
"Ah pasensya na ah"
"Naku ayos lang yun, magkwento ka naman tungkol sa labas." Sabi ni Jessica. Ngayon ko lang napansin na wala pala silang TV dito kaya siguro wala silang idea tungkol sa labas.
"Maraming puno, halaman at mga hayop pati-"
"Alam na namin yun, ang ibig kong sabihin kung paano ang pamumuhay nyo" pagputol sakin ni Sica, naks nakiki-Sica.
"Mas madali ang pamumuhay sa labas dahil madami ng mga gadget na nagpapadali sa mga gawain ng mga tao. Teka- paano nyo nga pala nalaman yung tungkol sa mga halaman e wala namang ganon dito?" Pagtatanong ko.
"Nag-aaral kaya kami, kala mo samin." Sagot ni Taeng. Yan na lang nickname nya para masaya.
"May school dito?" Nagtataka kong tanong.
"Yes!" Sabay pa sila ni Sica.
"Nabanggit mo na rin yung mga gadget kanina, karamihan ng mga nakaimbento non ay katulad din natin at dito sila nagaral di nga lang alam ng mga tao dahil alam mo na..mapanghusga sila" malungkot na sabi ni Sica.
Habang nagchichikahan kami sa sala, biglang dumating si Ms. Erin.
"O Luhan, mukhang magkakasundo na kayo ah"
"Oo nga po e, may kadaldalan po kasi tong dalawang ito" bigla naman akong hinampas ni Taeng at Sica.
"Naku, masanay ka na sa dalawang yan. Oo nga pala ito na ang mga gamit mo para bukas" sabay abot sa akin ng isang school bag.
"Thank you po"
"No problem, o sya Taeyeon at Jessica kayo na ang bahala sa kanya ha."
"Opo" ang hilig nilang magduet no?
"Sige alis na ko, Good luck sa inyo bukas."
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...