Chapter 25

165 6 7
                                    

Luhan's POV

Arghh. Sobrang sakit ng ulo ko tapos sobrang sama pa ng panaginip ko, may isang Chinese na lalaki daw na gusto akong kunin at sinaktan nya pa si Fany. Haisst. Makabangon na nga- teka- ano to? IV? Bat merong dextrose? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Kulay puti lang ang nakikita ko. Parang Ospital. Anong ginagawa ko dito? Biglang bumukas ang pinto-

"O gising ka na pala" matamlay na sabi ni Lay habang papalapit sakin at isaisang tinanggal yung mga IV. Inalalayan nya rin ako para maupo sa wheelchair.

"Nasan sila?" Hindi sya sumagot at tinulak na yung wheelchair. Naguguluhan na ko. Nasan na ba yung iba? Sina Kris? Nasan ako? Anong nangyayari?

Habang tulak tulak ako ni Lay ay may naaninag akong babae na nakawheelchair din, isang matangkad na lalaki naman ang nagtutulak sa kanya. Hindi ko sila masyadong makita e. Medyo masakit pa rin kasi ang ulo ko at nahihilo din ako pero sure ako na papalapit sila samin.

T-tiffany? Oo si Tiffany nga. Meron syang bandage sa ulo at may sugat sa left side ng lower lip nya.

"T-tiffany" she just stared at me blankly. Expressionless. Dito pa lang ay masasabi ko ng may mali.

"We better go" sabi ni Kris na ngayon ay nauna ng maglakad.  Gusto ko sanang magtanong kung ano ba talaga ang nangyayari pero mukhang walang may balak magsalita.

Huminto kami sa parking lot kung saan naghinhintay sina Xiumin at Sehun. Katulad ni Kris, Lay at Tiffany ay wala ring emosyon na makikita sa mukha ng dalawa. Ang gulo talaga. Muntik ko na ngang di mapansin na nasa Pilipinas kami kung di ko pa nakita yung mga pinoy na staff at tagalog signages.

"Xiumin, ano bang nangyayari?" Bulong ko. Tahimik pa rin kasi ang atmosphere dito. Si Lay tulog na, si Sehun nagdadrive, si Kris at Tiffany naman ay tulog din.

"Dapat nga kami magtanong sayo nyan e" sabi ni Xiumin. Napalingon naman si Dr. Oh dahil dito.

"Ha?" Sobra na akong naguguluhan.

"Seryoso? Nakita ka namin na walang malay sa China tapos katabi mo si Fany na hinang hina. Di mo talaga maalala?" Condo? Ako nahimatay?






































Naalala ko na. Hindi yun panaginip. Totoong nangyari samin ni Fany yun. Totoong nasaktan siya at wala man lang akong nagawa.

Dumiretso kami agad sa facility para makapagpahinga. Sobrang dami palang nangyari ngayong araw. Ang dapat masaya naming paguwi ay napalitan ng takot at pagaalala.

"Lulu!" Malayo pa lang ay rinig na rinig ko na sina Taeng at Sica. Tumakbo agad sila papalapit sa amin.

"Namiss ko kayo" kahit na pagod at nalilito pa rin, pinilit kong batiin sila. Ayoko kasing madamay sila sa bad atmosphere na dala namin mula Tsina.

"Ok lang kayo? Mukha kayong mga natalo sa mahjong" natatawang sabi ni Sica. Pero wala man lang nagreact.

"Bes, mga pagod ata sila. Next time ka na lang magjoke" sabi ni Taeng. May tawagan pa sila a 'bes', malamang pakulo na naman ni Baek yan. Nasan na ba yun?

"Ppanyang, sabi nga pala ni Jagi dumaan muna kayo ni Kris sa room namin bago kayo umuwi. Naghanda kasi sya ng dinner" dagdag pa ni Taeng. Kala ko ay tatanggi ang dalawa pero agad din naman silang sumunod. Sina Lay naman ay pumunta muna sa office nila para makapagpahinga.

Habang naglalakad kami papunta sa room ay patuloy ang bulungan nina Taeng at Sica. Malamang napansin nila na may ibang nangyayari.











"Ni Hao! Chinese Visitors! Welcome back to the Philippines! On your left you will see the endangered primate Tarsier..." Sabay turo kay Taeng na nilakihan yung mata.

"..........And on the right corner, weighing 167 lbs. With 45 wins 0 losses and 2 draws. Representing Babuyan Islands. Jessica 'the jaw' Jung" hinampas tuloy sya ng dalawa. Kung normal na araw lang ito ay malamang nakisali na kami sa kulitan nila.

"Anong problema nyo?" Tanong ni Baek pero walang pumansin sa kanya at pumunta na kami agad sa dinning area.

Maging sa kusina ay tahimik pa rin kami. Walang nagsasalita. Pati si Baek siguro ay nakahalata na rin.

*knock knock*

Biglang napapitlag si Fany at napahawak kay Taeng.

"Ako na" sabi ni Kris at tumayo para buksan yung pinto. May kinausap lang sya saglit at agad ding bumalik sa upuan nya.

"Ano daw yun. Kris?" Seryosong tanong ni Baek.

"Dito muna magsstay si Tiffany sa facility" napatingin kaming lahat sa kanya.

"Bakit? Ano ba talagang nangyayari sa inyo?" Kahit si Baek ay naguguluhan na rin.

"I'll explain it to you some other time, but for now, hanapan muna natin sya ng vacant na room"

"Bakit di na lang dito?"sabat ni Sica. Tumingin naman si Kris kay Fany.

"That's better" I felt relieved after hearing those words from her. At least may improvement, kung kanina ay sobrang fragile nya ngayon ay mukhang unti unti na syang bumabalik sa dati. At tsaka mabuti na rin na dito para mabantayan ko sya. Hindi ko na hahayaan na mangyari yun ulit.































11:30 pm. Kanina pa ako nakahiga pero di pa rin ako makatulog. Si Fany naman ay nandun sa kwarto nina Taeng. Sana maging ok na sya. Di ko maiwasan na sisihin ang sarili ko sa mga nangyari ngayong araw. Malinaw kasi na ako yung pakay ng lalaki, nadamay lang si Fany. Isa pa yang gumugulo sa isip ko ngayon e. Anong kailangan sakin ng lalaki na yun? Aish. Di talaga ako makakatulog nito ang dami kong naiisip.

Pumunta muna ako sa sala dala ang gitara ko. Ganito ang ginagawa ko noon, pag di ako makatulog. Jamming ako mag isa hanggang sa antukin.

*footsteps* ibang klase ang stress ko ngayon. Kahit multo di ako kayang takutin.

*footsteps* o sya sige na. Takot na ko.

*footsteps* ano ba yan. Pwede naman kasing sa kwarto na ko maggitara, lumabas pa ko.

*footsteps* wag mo nalang pansinin. Luhan.

*footsteps* mawawala rin yan mamaya.

*footsteps* Aba ginoong Maria....

*footsteps* palapit na ito sakin. Kaya wala na akong ibang choice kundi lumingon.















































"Lu, I can't sleep"

MV/Rec: Lifted by na-nappeun gizibae CL unnie.
A/N: Hello~ guyss. And to iameuqinu I really do appreciate your comment. So this Chapter and the next one will be dedicated to you:) Happy reading and have a nice day.

Classified (Lufany)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon