Tiffany's POV
"BAHALA KAYO DYAN! AALIS NA KO" padabog kong isinara ang pinto ng condo dahil sa inis ko kina Kris at Baek.
Kanina ko pa sila ginigising para pumasok na kami pero ang mga kolokoy ayaw magsibangon. Di ko alam kung anong klaseng date ba ang pinaggagawa nila kagabi at pagod na pagod sila.
Nakipagdate din naman ako kay Sehun kagabi pero di naman ako nagkaganyan. Charot! Dinner lang yun di yun date HAHHAHAA. Wag kayong ano. Pero hindi nga. Kahit di naman sya formally nanliligaw sakin alam ko naman na gusto nya ako. Di ako nag aassume ha. Halos lahat na ng friends namin yun ang sinasabi pati nga si Mommy nakikiasar pa. Di ko naman sya masisisi mahirap naman talagang iignore ang alindog ko, kung lalaki nga lang ako malamang magustuhan ko rin ang sarili ko HAHAHAHAHHA. Ewan namin kung bakit di pa umamin yung kolokoy na yun. Pero okay na rin yun. Tingin ko mas okay na muna kami sa ganto. Don't get me wrong, di naman sa ayaw ko sa kanya. Mabait, Gwapo at sobrang talino ni Sehun, choosy pa ba ko? Gusto ko na sya pero parang ewan ko ba kung bakit di ko maibigay yung puso ko sa kanya parang may kulang, parang may missing piece na kapag nakita ko ay pwede ko na syang mahalin. Naks.
Di ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng Pet Clinic namin na ngayon ay sarado pa, wag nyo sabihing puyat din sina Taeng at Sica? Naku! Namumuro na silang apat sakin, di na nga nila ako sinasama sa mga lakad nila iniiwan pa nila mga trabaho nila sakin.
Wala pa naman akong dalang duplicate at na kay Taeyeon ang main key na malamang ay tulog na tulog pa sa lab.
Wala akong choice kundi pumunta dun at kunin ang susi at tsaka para isumbong ko sila kay Mommy para sa mga pangiiwan nila sakin hehe.
Di naman kalayuan ang lab isang tumbling lang mula sa Clinic ay mararating mo na ang motel, remember? nasa ilalim ng isang sikat na motel ang lab, another reason kung bakit ayaw kong pumunta dun baka may makakita sakin na umaaligid sa motel mapagkamalan pa kong manyak kababae kong tao HAHAHAHAH.
Nasan na ba yung mga tao dito? Walang tao sa room nina Taeng ganun din sa office ng Exo. San ba nagpunta yung mga yun?
Pupunta na lang ako sa office ni Mommy para sumagap ng balita kung anong nagaganap sa Earth.
Nakita ko silang lahat dun. Anong meron? Sinong may birthday? Bakit may gathering chuva sila? Di man lang ako nainform. Makigulo nga.
Di ko na nagawang buksan ang glass door dahil naistatwa ako sa kinatatayuan ko, nanigas ang buong katawan ko, di ako makagalaw at pinagpapawisan ako ng malamig kahit centralized naman ang aircon sa lab.
Di ako pwedeng magkamali. Kahit na nakatalikod sya mula sa kinatatayuan ko ay alam kong sya yun.
Hanggang ngayon ay di pa rin ako makagalaw, nakatitig lang ako sa kanya. Sinisigurado ko na totoo ang nakikita ko. Siya ba yan? O pinaglalaruan lang ako ng isip ko? Pero di ako pwedeng magkamali. Kahit na matagal na since last ko syang nakita ay naalala ko pa rin. His hair, his broad shoulders, his skin... Everything about him. Every single thing about him. I remember it. Vividly.Natauhan lang ako nang maramdaman kong unti unting naglalaho na ang ibang parte ng katawan ko.
Agad akong tumakbo palayo at bumalik sa sasakyan ko kung saan ay di ko na napigilan ang mga luha ko.
MV/Rec: Time for the moon night by 여자친구.
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...