Chapter 15

134 11 13
                                    

Luhan's POV

"Bye Lu" sabay na sabi nina Taeng at Sica.

"Bye. Ingat kayo!"

Hay salamat, nakaalis na rin ang dalawang bruha. Lol. Kailangan ko na kasing pumunta sa lobby at baka naghihintay si Fany dun.





Tama nga ako. Nakita ko si Fany na nakatayo sa lobby. Mukhang balisa pero ang ganda nya parin. Siguro kinakabahan din sya sa gagawin namin.

"Psst. Fany" mahina kong sabi.

"O Lu, bat antagal mo?" Nakapout nyang bulong. Cute.

"Sorry, antagal kasing umalis nung dalawa"

"Ah. Sige tara na baka may makakita pa satin. Wait- isuot mo muna to' sabi nya at inabot sakin yung labcoat at glasses.

Suotin ko daw para di mahalatang pasyente ako dito.

Di naman kami nahirapang lumabas ng facility. Siguro dahil kilala na rin si Fany ng mga tao dito.


"Lu, san ba kayo nakatira?"

Sinabi ko naman sa kanya yung address at sumakay kami ng Taxi. Baka daw makahalata sina Kris pag ginamit namin yung kotse nila.
May kalayuan yung lugar namin pero di ako nainip. Excited na nga kong makita sila e. Si Fany naman mukhang inaantok na.

"Fany... Sandal ka sa balikat ko para makaidlip ka"

"Ok lang?" Kahit habang buhay. Charr.

Tumango naman ako.































"Fany.. Psst. *poke *"

Naalimpungatan naman sya. Cutie.

"Dito na tayo"

Binayaran naman nya yung driver at bumaba na kami.

Nakaupo kami ngayon sa isang bench malapit sa bahay namin at hinihintay naming lumabas sina mama. Di naman ako nagaalala na baka may makakilala sakin kasi nakahoodie naman ako ang pinagaalala ko lang ang mapagkamalan akong si kokey. Joke. Sabi kasi ni Fany maghoodie daw ako.

Maya maya pa may humintong sasakyan sa tapat ng bahay namin. Ang taray! May kotse na si papa. Ay mali- iba kasi yung bumaba mula rito. Bagets pa. Siguro ka-age lang namin ni Fany at parang nakita ko na sya-

"Sehun?" Rinig kong sabi ni Fany.

"Kilala mo?"

"Oo,Doctor din sya sa facility"

"Ah. Si Dr. Oh! Yung crush ni Taeng at Sica"

"Pfft. Talaga?Bakit naman sya nandito?" Oo nga no. Tsaka bakit sa bahay namin?

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Oh. Pero di namin nakita kung sino nagpapasok. Tss. Sayang.

Kaya, eto maghihintay ulit kami ni Fany.

Maya maya pa lumabas na si Dr. Oh at kasunod nya si-


































Mama at Papa.

Alam kong ang bading pero naiiyak na ko. Mixed emotions. Sobrang saya dahil nakita ko sila ulit at sobrang lungkot dahil di ako sigurado kung makakasama ko pa sila.

"Ayos ka lang Lu?" Nagaalalang tanong ni Fany.

Niyakap ko sya pero hindi ko na nahawang makasagot pa dahil-

Classified (Lufany)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon