Baekhyun's POV
Yun oh. Nagka POV din thanks author. Ano? Ang pogi ko? Ano ba naman kayo readers alam ko na yan, give me a break. Ang pinagtataka ko lang sobrang pogi ko naman pero di ako ang bida sa story na ito?-
"Aray!" Nagkauntugan kami ni Kris ng biglang pumreno si baby Ppani, sya kasi ang nagda-drive, obvious ba?
"Andito na tayo! Yeah!" Excited nyang sabi. Kahit kelan talaga ang daldal ng bes namin kung-
"Sinasabi ko na nga ba baby Ppani may pagnanasa ka samin ni Kris e." Dalhin ba naman kami sa Sogo.
"Baby Ppani wag namang ganyan isa isa lang, gusto mo pa ata kaming pagsabayin ni Baek" sabi ni Kris. Himala nagsalita sya ngayon.
"Aw!" Batukan ba naman kami ni Kris.
"Byuntae talaga kayo. Sa ilalim kasi ng building na yan yung secret facility nila mommy"
"Ah. Sayang" si Kris naman ang bumatok sakin. Hilig nilang mambatok no?
"Wow" reaksyon naming tatlo ng makapasok kami. Para kaming mga taga bundok sa sobrang pagka-amaze namin sa mga nakikita namin. Para kaming nasa set ng isang Sci-fi film, color white ang buong paligid at halos lahat ng tao nakalab coat.
Nga pala first day namin ngayon sa trabaho and I'm very excited. Syempre di naman lahat nabibigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa isa sa mga top secret ng Government. Teka, bakit nga ba naging top secret to? Siguro magpapaligo kami ng alien dito no o kaya magtatime travel o kaya-
"Good Morning guys" bati samin ng mommy ni Baby Ppani. Pansin nyo laging napuputol yung mga POV namin no? Mga walang manners kasi mga tao dito. Charot.
"..Follow me" at sinundan naman namin sya. Wow ang ganda ng office ni tita, not a typical office, sobrang modern futuristic ang dating.
"Tita, ano po bang klaseng facility to at mukhang sobrang secret nito" tulad namin ni baby Ppani interesado rin si babalu.
"Kris Ijo, we are taking care of people who are victims of genetic mutation here.."
"Mutants? Yung tulad sa Xmen?" Sabat ko naman. Astig.
"Exactly" tipid na sagot ni tita.
"Pero mommy bakit kailangan underground pa talaga itong building?" Tanong ni baby Ppani. Oo nga no. Bakit kaya?
"Look anak, sa tingin mo ba magiging ligtas sila sa mapanghusgang mata ng mga tao sa labas? and karamihan sa kasi sa mga patient natin ay di pa kayang controlin yung mga kakayahan nila, pero kaya nga tayo nandito para obserbahan sila and hopefully matulungan sila na macontrol at maintindihan ang kanilang mga kakayahan." tumango naman kaming tatlo sa speech ni tita.
"..so I want you guys to check patients from room 300-400" sus yun lang pala e. Keri na naming magbe-bes yan.
"And by the way please have a little interview with a male patient from room 400 he's new here, ask him questions about his special ability, kung kelan nya to nadiscover and some other stuffs kayo na bahala. I trust you guys." Sabay eye smile ni tita. Cute. Pareho sila ni baby Ppani.
"Aye aye Captain!" Masiglang sagot ng team excited. Kami yun.
"Che! Better start now guys, it will be a long walk, good luck" pahabol ni tita.
Pagtingin ko sa gilid ko. Room 001. Tama nga si tita mahaba habang lakaran to. Ang layo pa naman ng pagitan ng bawat room.
Halos labas na ang mga dila namin ng marating namin yung room 300 pero kahit na ganon di pa rin maalis ang excitement sa aming gwapo at magandang mukha. Knock knock. Nagulat naman kami ng pagbuksan kami ng isang babae.
"Kayo ba yung mga bagong Doctor?" Tanong nya. Ang ganda nya, ang ineexpect ko kasi mga taong may tatlong mata, may kaliskis ng ahas pero itong isa mukhang di naman sya mutant.
"Yes, kami nga!" Masiglang sagot ni Kris. Joke. Asa naman kayong may isisigla pa yan si Baba e alam nyo namang Dead Skin yan. Si baby Ppani talaga nagsabi nun.
"Tuloy kayo." Sabi ni Miss Beautiful. Kaya naman pala ang layo ng nilakad namin e. Ang lawak ng mga room parang bahay na ata.
Hinati-hati namin ang trabaho para mas mabilis. Si baby Ppani sa pagchecheck ng Blood pressure, si Kris naman sa sa BMI at ang pogi nyong lingkod para sa kanikanilang body temperatures. Matapos ang madugong digmaan. Charit (Charing + Charot). 99 down 1 to go. Tinignan ko naman yung dalawa kong kasama. Pfftt. Haha. Nakapasan na kasi si baby Ppani kay Kris. Di bale matatapos na naman na ang kalbaryo namin. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng may makasalubong kami-
Luhan's POV
Hay salamat. Pauwi na kami nina Taeng galing school. Actually parang normal na school din naman yung school dito pareho din naman yung mga lessons. Pfftt. Sorry readers ha may nakasalubong kasi kami, nakakatawa yung itsura nila mukha silang galing sa gyera, yung isa ata nilang kasama di na kinaya nakapasan pa dun sa isang lalaki na sobrang tangkad. At huminto sila sa- Teka. Room namin?
"Ah ano pong kailangan nila?" Tanong ni Taeng.
"Bago kami dito, inassign kami para i check yung mga patient from room 300-400" sabi nung lalaking parang bakla, para kasing naka-eyeliner.
"Sige pasok kayo" sabi ni Sica. Sumunod naman yung tatlong zombie.
"Baby Ppani baba na" sabi nung matangkad. Hindi naman mukhang bata yung babae a bakit baby tawag nya? Landi matss? Ati and koya?
Naalimpungatan naman yung babae, di ko makita itsura, natatakpan kasi ng hairlaloo yung fes nya. At bumaba na nga sya."Uy!" Nagulat naman yung babae nang makita kami. Cute ay mali ang ganda nya.
At sinimulan nya ng kunin ang BP namin isaisa tapos yung matangkad kinuha yung BMI namin and last yung nakaeyeliner chineck yung temperature namin. Di pa rin maalis yung tingin ko dun sa babae sobrang ganda nya kasi at pati ang dalawang loka katulad ko rin si Taeng dun sa bakla , si Sica dun naman sa matangkad. Pero parang kasi boyfriend na ni Ms. beautiful si Mr. Tangkad, baby kasi tawag niya pero si Mr. Eyeliner din baby tawag sa kanya. Ano yun pareho nyang jowa? Lupet ni ate.
"Kris, Baek diba sabi ni mommy interviewhin daw natin yung male patient dito? E puro naman sila babae." Sabi nung babae. Aba bastos to a.
"Hahaha Hahaha" si Taeng at Sica yan. Halos mamatay sa kakatawa. Nagtaka naman yung tatlo kung bakit nagaasal hayop tong dalawa kong kasama.
"Eh kasi..haha. Kasi.. Haha" di matuloy ni Taeng ang sasabihin sa kakatawa.
"Ano?" Sigaw ng tatlo.
"Lalaki si Luhan Hahaha" sabay turo nila sa aking dalawa.
Uupakan ko na sana yung dalawang dwende ng biglang-
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...