Jessica's POV
"Sica, gising na malelate na tayo!"
"T-taeng.."
"Naku, ang taas ng lagnat mong bruha ka!"
Ang bigat nga ng pakiramdam ko kagabi pa, ang dami kasi naming ginawa sa school kahapon e. Nakalimutan ko nga pala sabihin sa inyo. Meron akong special ability. Tuwing nakakaramdam ako ng extreme emotions lahat ng nahahawakan ko nagiging ice, pansin nyo pare-pareho kami nina Taeng na related sa emotion ang ability? Pansin ko rin e. Kaya nga siguro kami magkakasama sa isang room kasi related yung mga kakayahan namin.
"Wag ka na munang pumasok, para makapagpahinga ka" nagaalalang sabi ni Taeng. Tumango naman ako.
"Sige na Taeng, pumasok na kayo ni Lulu kaya ko na dito" pilit akong nag smile para di na sya magalala.
"Sure ka ha?"
"Oo nga, kulit." At umalis na nga sila, pumunta naman ako sa sala boring kasi sa kwarto e. Nang may maupuan ako. Cellphone? Kanino kaya to? Di pwedeng kay Ppanyang to pink yung kanya e ito kulay black. Bunuksan ko ito at nakitang silang tatlo ang wallpaper. Wow. Ang ganda talaga ni Ppanyang tapos ang gwapo naman din nung dalawa pero mas gwapo si Kris. Ay! Ano ba naman yan Jessica. Maglalaro na nga lang ako. Ayos may 2fuse din sya. Oy marunong ako neto ha! Kala nyo samin napagiwanan na ng panahon? Kung ganon tama kayo. Haha. Gusto ko sanang magselca kaso nakakahiya naman sa may-ari buti pa kung kay Ppanyang to. Bahala na nga pwede namang burahin sabi ni Ppanyang kahapon.
*click*
*click*
*click*
Ang ganda ko talaga. Kaasar. Burahin ko na nga baka makita pa to ng may-ari mainlove pa. Teka- pano nga ulit to burahin nakalimutan ko. Help me guys-
*Knock knock *
Inilapag ko naman ang cellphone at tinignan kung sino ang istorbo.
Kris's POV
"Pano ba yan, di kita masasamahan may inutos sakin si mommy." Nang-asar pa si gaga.
No choice naman ako. Wala rin kasi si Baek mamaya pang hapon papasok may emergency kuno sa kanila. Knock knock. Pinagbuksan naman ni Maomao. Uy nakiki-Maomao. Cute kasi e parang sya. Charot.
"Mao- este Jessica, ayos ka lang ba?"
"Ah*cough cough * oo Kris *cough* ayos lang *cough cough* ano nga palang kailangan mo? *cough *" sure ka te? E mukhang isang bulate nalang di pumipirma madedeads ka na.
*blag*
Hinimatay sya pero buti nasalo ko sya. Binuhat ko naman sya at dinala sa sofa. Nagpanic ako, di ko alam ang gawin. Pano ba to? Help me jebal.
Nakita ko ang phone sa table nila at nagmessage ako sa group chat naminKris Kapre: guys, help me! Dito ako sa room nila Sica, ang taas ng lagnat nya.
Tiffany Taba: ungas, para kang di Doktor.
Baekhyun Bakla: nice one Kris, idol na talaga kita, perfect ang timing mo.
Kris Kapre: Pakyu ka Baek.
Tiffany Taba: sponge bath mo tanga.
Baekhyun Bakla: yun oh, pagkakataon mo na kaps.
Kris Kapre: mamatay ka na Baekla.
Kris Kapre: baby Ppani babae to, pano ko sya isponge bath?
Tiffany Taba: Kris, Doctor ka, isantabi mo muna yung feelings mo. Haha.
Kris Kapre: Magsama kayo ni bakla pareho kayong mga pakyo!
Dapat pala di na ako humingi ng tulong sa kanila, wala rin naman silang sinabing maganda. What do you expect guys? Mga abnoy ang bestfriends ko. Hay Life!.
Kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo para punasan si Jessica. *gulp* ang ganda pala ng labi niya parang masarap halikan. Ay ano ba yan Kris! Ang manyakis mo! *Inhale * *Exhale* focus Kris focus. Doctor ka. Dapat walang malisya sayo ang mga gantong bagay.*sigh*. Hay salamat. Natapos din ako ng walang nangyaring masama. Buti naman bumaba na ang lagnat nya. Mabuti pa ipagluto ko sya ng specialty kong Crab Soup para mas mabilis syang gumaling.
Tiffany's POV
Hahaha Hahaha. Alam ko na sasabihin nyo readers, na sobrang Henyo ko. Syempre ako lang naman ang makakaisip na iwan ang phone ni Kris sa room nila Maomao, kagabi pa kasi masama ang pakiramdam ni Bruha, gusto ko sana syang bantayan kaso nagpromise na ako kay mudrakels na tutulungan ko sya ngayon dito sa library ng school kaya naman naisip ng mataba kong utak na si Kris na lang ang magbantay sa kanya tutal bagay naman sila parehas silang mga asawa ni Babala. Gets nyo?. At ayun na nga matagumpay ko ng naisagawa ang aking plano. Hahaha Mwahahaha hahaha haha-
Pababa na ko ng hagdan ng biglang-* Blag*
Ay grabe. Ganon na ba ako kataba at tumalsik pababa yung nabangga ko. Kawawa naman. Pero wait- Teka, kilala ko to a.
Taeyeon's POV
"Lulu, pasensya ka na talaga a di kita masasamahan sa library ngayon wala kasing kasama si Sica e."
"Sure Taeng no worries"
"Sige una na ko, ingat sa pag-uwi" kahit na gusto kong samahan si Lulu di pwede kasi walang kasama si Sica sa room kawawa naman.
"Hi Jagi!"
"Ay Bakla!" Bigla ba namang sumulpot.
"Grabe sya, san na mga kasama mo?"
"Si Lulu nagpaiwan sa school pupunta daw sya ng library si Sica naman nandun sa room namin may sakit. Ikaw Jagi? San mga kasama mo?" Bakit ako kinikilig pag tinatawag ko syang jagi?
"Ah si baby Ppani tinutulungan si tita Erin tapos si Kris nasa inyo. Dumidiskarte este binabantayan si Sica." Sabay smile nya. Rawrrr. Ang gwapo. Ay ano ba yan. Umayos ka nga Taeyeon.
"Ha? Pano naman-"
"Basta, wag ka ng maraming tanong baka hinihintay ka na ni Sica" sabay hatak nya sakin. Wait- bakit ang bilis ng heartbeat ko? Siguro may sakit ako sa puso. Dyos ko wag naman po.
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...