Tiffany's POV
Nagpunta muna ako sa Comfort room mukha kasi akong pinagsakluban ng langit at lupa tsaka medyo namumutla rin ako dahil siguro sa sedatives. Pinauna ko na rin si Sehun kasi alangan namang samahan nya pa ako dito. Anyways. Mabilis lang din naman akong natapos since powder and lipstick lang naman.
Kasabay ng paglabas ko sa comfort room ay may lumabas din sa katapat na men's room. OMG-
"Tiffany" gulat ngunit mahinahon nyang bati. Gahd, I missed that voice so much. Kung di nga lang dahil sa sedatives kanina malamang naiyak pa ko dito.
"U-uyy" bakit ka nagstutter gaga ka! Diba dapat galit ka sa kanya? Bigla syang umalis papuntang China nang di nagpapaalam tapos babalik sya dito ng parang wala lang. Sampalin mo! Sigawan mo! she made you miserable for months then now na nakarecover ka na manggugulo sya.
"Kamusta?" lumapit sya sakin. Lahat ng gusto kong sabihin, gawin at itanong ay biglang nawala dahil sa ginawa nyang yun. #marupok.
Hindi pa ko nakasagot agad dahil nakatitig lang ako sa kanya. Mas lalo syang gumwapo. Pero more than that nag iba yung awra nya, hindi ko mapoint out pero parang mas naging confident, mature at contented sya ngayon. "Tiffany" muling tawag nya sakin.
Natauhan ako at tumuloy sa paglalakad, sinabayan naman nya ako. " A-ayos lang, I-ikaw?"
Humarap sya sakin ng nakangiti. " Sobrang ayos" i smiled back medyo naluluha pa nga ako eh. Bakit sobrang saya ko na malaman na sobrang masaya sya? "tara may papakilala ako sayo" hinawakan nya ang kamay ko at naglakad kami papasok sa office. GASHHHH!!!!!!! ang init ng mga kamay nya. Gasgas na to pero feeling ko nagslow-mo yung paligid at wala na rin akong marinig maliban sa malakas na kabog ng dibdib ko.
Di ko alintana kung kani kanino na ako bumabangga dahil nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad.
"Andito na pala sila e!" rinig kong sabi ni Baek.
Nasa isang table sila ngayon, katabi nya si Kris na mukhang galit na tatay. Nandun din si Sehun na umiwas ng tingin ng makita kaming parating. Si Taeng at Sica naman ay nakatingin na para bang nang aasar dahil ngayon ko lang napansin holding hands pa rin kami ni Luhan, sinaway naman sila ni Baek. I wonder why? usually makikisali pa yang baklang yan.
"Uhm Tiffany, this is Bunny..." mula sa pagkakahawak nya ay iniabot ni Luhan ang kamay ko sa taong nasa tabi nya ngayon. Maliit lang ito at cute, parang pamilyar nga ang itsura nya e.
"....." pilit kong inaalala kung san ko sya nakita dati. "....H-" itatanong ko sana kung nagkita na ba kami before pero biglang nagsalita ulit si Luhan.
".... my girlfriend" g-girlfriend? tama ba yung pagkarinig ko? tumingin ako kay Luhan baka binibiro nya lang ako pero hindi nakangiti ito pero halatang seryoso sa kanyang sinabi, lumingon din ako sa table kung saan nakita kong umiwas ng tingin sina Taeng at Sica, nagkakalabitan naman sina Kris at Baek para bang nagtuturuan kung anong dapat gawin hanggang sa mapatingin ako sa pwesto ni Sehun na mukhang may katext.
*beep* natauhan ako nang biglang magvibrate yung phone sa kabilang kamay ko.
From: Sehunie Sungit
GET YOUR SHIT TOGETHER
Lumingon ako ulit sa pwesto ni Sehun pero patay malisya lang ito ngunit halatang balisa at di mapakali malamang kinakabahan sya na di ko makontrol ang sarili kong emosyon.
"Nice to meet you, Tiffany" marahan nyang iniabot ang kamay nya sa kamay ko habang nakangiti ng matamis, nasa tabi nya pa rin si Luhan na ngayon ay naka-akbay na sa kanya.
"M-mme too... I-i mean nice to meet you too" nanginginig kong sabi, buti na lang ay malakas pa ang epekto ng sedatives na ininject ko kanina.
"Maupo muna tayo" putol samin ni Luhan.
Agad silang bumalik sa upuan nila at pumunta naman ako sa bakanteng upuan sa pagitan nina Kris at Sehun. Nadaanan ko ang pwesto nina Sica at alam kong nagaalala silang nakatingin sakin pero di ko na sila nagawang lingunin dahil baka tuluyan ng tumulo ang kanina pang namumuong luha sa mga mata ko.
Ansakit.
Akala ko ok na ko. Akala ko tanggap ko na na di ko na sya makikita. Akala ko ready na kong magmahal ng iba. Pero bakit nung nakita ko sya nagkaron ako ng pag-asa na pwede pa. Pwede pa kami. Pwede pa naming ipagpatuloy yung dati na para sakin naman ay di tumigil.........pero sa kanya pala matagal ng tapos.
"Drink some" walang reaksyong sabi ni Kris. Inabutan nya ako ng tubig pero nakatingin ito sa malayo. Galit nanaman to panigurado.
Kinuha ko ang baso pero di ko magawang uminom dahil feeling ko masusuka ako na ewan.
Lumingon sakin si Kris at tumingin ako sa kanya habang pinipigilan pa rin ang mga nangingilid kong luha.
"Don't cry. You'll look desperate. Ayokong magmukha kang kawawa" mahina nitong sabi at umiwas na ng tingin.
Kung di lang maraming tao malamang nayakap ko pa to si Baba.
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...