Luhan's POV
Kung makikita mo kaming kumain iisipin mo di kami magkakakilala, wala kasing pansinan men. Halatang gutom na gutom ang bawat isa. It was such a long day for me I guess sa kanila rin.
"Uhm. Luhan, pagkatapos kumain may mga itatanong kami sayo ha." Sabi ni Tiffany Ganda.
"Sure, tungkol san ba?"
"About you, some few questions lang para malagay namin sa database mo sabi kasi ni mommy bago ka lang dito?"
"Ah e oo bago lang ako dito. Teka- dito nagtatrabaho mommy mo?"
"Oo, actually si tita Erin nga ang pinakahead nito" sabi nung matangkad. Nagsasalita pala to.
"Erin as in Erin Hwang?" Sabay na tanong nila Taeng at Sica. Sali kaya sila ng choir no?
"Oo" sabat nung nakaeyeliner.
"Ah kaya pala hawig mo sya" sabi ni Sica.
"Sabi ko na nga ba e. Parang pamilyar yung mukha mo" sabi naman ni Taeng.
"Ah" yan na lang nasabi ko. Nasabi na nila e. Kaya pala pareho silang may eye smile, magnanay pala sila.
Natapos din kaming kumain at si Sica at Taeng na daw ang maghuhugas ng plato kasi may Presscon pa ako. Charot.
"Di pa nga pala kami nakakapagpakilala, I'm Baekhyun.." Ano daw?Bacon?
"Kris" sabi nung matangkad.
"..and Tiffany" nakipaghand shake naman ako sa kanila at sabay sabay kaming umupo.
"So, Luhan ano nga pala yung special ability mo?" Tanong ni Tiffany, sya tagatanong, si Kris naman taga record tapos si Baekhyun ayun tagadaldal kasama ang mga alagad nyang sina Taeng at Sica.
"Ah siguro naman nakita nyo na kanina, bigla akong nagdidisappear tuwing nakakaramdam ng sobrang emotion" pag-eexplain ko. Napatango naman sina Tiffany at Kris. At yung tatlo wag nyo nang itanong.
"Naku! Siguro sobrang napahiya kita kanina. Sorry talaga. Mianhae" o readers makakatanggi pa ba ako sa apology ni Crush. Bakit? Crush lang naman ah. Kayo talaga. At tsaka imposible namang magkagusto sya sakin. Hello! Di po ako normal :'(
"Naku ayos lang yun" sanay na ako. Sabi nga ni chichasone sa comment nya sa chapter 1 pretty daw ako e. Huhu. Life.
"Kelan mo naman ito nadiscover?"
"Matagal tagal na rin, pinipigilan ko lang ang emotions ko pero nung nakaraan di na talaga ako nakapagpigil kaya sa mismong school pa namin ako nagdisappear at maraming nakakita sa kakayahan ko." Mukha namang naawa si Tiffany at Kris sakin.
Maya maya pa natapos na rin ang aming mini interview.
"Kris, dala mo yung laptop mo diba? Dito muna tayo. Nuod muna tayo ng movie kasama nila Taetae" nagpuppy eyes pa si Crush. Eng pese ke.
"Yup, pero kailangan na nating umuwi baka nakakaabala na tayo sa kanila, may pasok pa sila bukas" KJ.
"Sige na Kris, minsan lang nga kaming magkabisita. Teka Ppanyang ano ba yung laptop? At ano rin yung movie?" Nahihiyang sabi ni Sica. Nagnod naman si Taeng.What do you expect guys? Kayo kaya makulong ng mahabang panahon dito ewan ko lang kung di kayo ma-Igno.
"Kris, sige na naman para maexperience naman nila Taetae." Aba mukhang umaariba sa pagdiskarte itong si bakla a.
"Hoy Byun Baekhyun, ako lang pwedeng tumawag sa kanya ng Taetae" pagsusungit ni Fany. Cute.
"Edi shing. Jagi na lang tawag ko sa kanya. Okay lang ba Taeng?" Bilang isang dakilang Igno umoo naman ang gaga, di nya kasi alam na pangcouples yun. Binigyan naman kami ng wag-nyo-ng-sabihin look ni Baek kaya Shattap na lang kami.
Binuksan naman na ni Kris yung laptop at nanuod na kami ng Bold. Joke. Miracles in Cell no. 7. Si Fany ang namili nyan, okay lang di ko pa naman napanood yan. Nakaupo kami sa isang mahabang sofa. Bale ganto posisyon namin Baek-Taeng-Sica-Kris-Fany-Ako.
Maya maya pa kanya kanya na kaming singhot ng mga uhog at sipon namin. Lumingon ako para icheck ang mga itsura nila, aba si Baek nakasandal na sa balikat ni Taeng. Hanep to. Galawang breezy. Si Sica naman naakbayan na ni Kris at nakasandal din ang bruha. Naks naman lumalablayp na ang mga mars ko. Samantalang ako-
"Pfftt. Luhan para kang nawawalang bata. Halika nga-" di na ko nakapagsalita pa ng punasan nya yung luha ko. Kiligmatss.
"Sorry ha. Naalala ko lang sila mama. Miss ko na sila e" nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ni Fany. This time wala munang malisya. Ramdam ko kasi naiintindihan ako ni Fany e at pati yung concern nya feel na feel ko.
Natapos na ang palabas para kaming mga chinese na nalugi ang negosyo, pati ang damulag na si Kris grabe pala humagulgol.
"Bye Luhan, bye Sica, bye Jagi, see you tomorrow." Pinanindigan nya na talaga ang tawagan nila ha.
"Bakit kay Taeyeon may tawag ka sakin wala?" Singit ni Jessica. Inggitera lang te?
"Ihh wala akong maisip e, kayo na lang ni Kris ang magtawagan?" Baliw talaga tong si Baek.
"O Kris ano ng endearment mo kay Maomao?" Nakisali pa si Fany.
"E kung paguntugin ko kayong dalawa." KJ talaga.
"Bye Kris,Ppanyang at Jagi, ingat sa pag-uwi" pagpuputol pa ni Taeng bago pa masira ang pagkakaibigan nila. Niyakap naman kaming lahat ni Tiffany. Ang kulit talaga.
"Kris ipasan mo ako ulit pleashh" sabi ni fany with matching aegyo.
"Tigil tigilan mo nga ako dyan Tiffany, sumakit na nga ang likod ko sayong baboy ka" ang hard.
"Ah ganon?, may nakilala ka lang na iba di na baby tawag mo sakin huhu" kunwaring umiiyak si Fany.
"Joke lang baby, halika na pasan na"
"Tss." Obvious na tong si mars Sica ha. Umeebeg ne sye.
Kris's POV
"Kris ipasan mo ako ulit pleashh" Pucha. Di nya ba alam na ang bigat nya?
"Tigil tigilan mo nga ako dyan Tiffany, sumakit na nga ang likod ko sayong baboy ka"
"Ah ganon?, may nakilala ka lang na iba di na baby tawag mo sakin huhu" Ayan na. Kilala ko na yan si Baby Ppani e naiimbyerna na yan.
"Joke lang baby, halika na pasan na" Mahirap na baka daganan pa ako nyan ni BigShow. Alam nyo kasi pag wala kaming magawang tatlo nagrewrestling kame sa condo at laging si baby Ppani ang nananalo, kahit magtag team pa kami ni Baek di namin sya matalo. Kaya takot kami sa kanya.
Pucha. Ang bigat naman nitong baboy na to.
"Hoy Baba, kala mo di kita napansin kanina? Simpleng akbay ka kay Maomao ha!" Panunukso ni taba.
"Magtigil ka nga dyan baboy"
"Sungit ni Gilagid Tss." Kala nya di ko narinig.
Nakarating naman kami ng maayos sa condo, di ko lang sure kung maayos pa ako para kasing nadislocate ang vertebral column ko e. Makapagfacebook nga muna, teka-
"Baby Ppani nakita mo ba phone ko?"
"Oo" buti naman.
"Akin na"
"Iniwan ko sa room nila" Tarantado talaga tong babae na to.
"Ano? Bakit mo iniwan?"
"Pagkatapos mo kong tawaging baboy"
"Baliw ka talaga!"
"Samahan na lang kita kunin bukas para makasilay ka kay Maomao" sabay ngiti nya.
A/N: Annyeong guyseu!!! So how was it? I will be very glad to know your thoughts about my story. So please hit vote and comment down. Kaway kaway kay chichasone palaging navovote at comment. Thank you chingu. I really appreciate it.
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Fiksi IlmiahMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...