Luhan's POV
Ilang araw na rin ang lumipas at nandito pa rin ako sa facility. Kung ano anong test at examinations ang ginagawa nila sakin araw araw pero keri pa naman mga friend. Nandyan naman palagi sina Fany, Xiumin at Lay. Madalas nila akong bisitahin dito sa room ko at nagiingay, si Fany at Xiumin lang pala yung maingay, si Lay kasi sobrang tahimik.
Tuwing lunch naman ay kasama ko si Fany, kumakain kami dun sa resto nina Kris. Libre daw kasi. Haha. Pag may sobrang time dumadaan kami sa mall at naglalaro sa arcade pero di na kami nanonood ng sine baka daw magteleport nanaman ako.
"Luhan, anak. Hinihintay ka na ni Dr. Ganda sa taas" sabi ni Nanay Sol. Isa syang nurse dito at kahit sandali palang akong nagsstay dito ay naging sobra na kaming close sa isa't isa. Naaalala ko kasi si mama sa kanya.
"Wait lang po" Inilagay ko na sa maleta yung ibang gamit. Babalik na kasi kami sa Pilipinas. Syempre excited si ako. Miss ko na kasi yung dalawang dwende.
Naabutan ko si Fany na nakaupo sa receiving area at mukhang may ka-facetime. Di ko na sya tinawag at lumapit sa kanya. Nakichika na rin ako sa pinaguusapan nila ni- Kris? Bati na sila?
Tiffany: So, kamusta naman si Ms. Lin?
Kris: Sobrang ganda. Parang dyosa.
Tiffany: Sobrang ganda pala. E bat mukhang nalugi si Sehun.
Kris: Pfft. Ano ka ba Fany, natural face nya yan. Haha.
Tiffany: Hahahahaha.
Pfft. Baliw talaga tong magkaibigan na to. Hinampas naman ni Sehun si Kris ng hawak nyang libro.
Tiffany: Sige na Kris. Andito na si Lu. See you later, Alligator.
Kris: See you later, Escalator.
Tiffany: Corny mo Tanga.
Dumiretso kami ni Fany sa condo at dun daw namin hihintayin sina Lay at Xiumin na nasa Guangzhou ngayon para sunduin si Kris at yung Sehun.
Nasa kusina sya ngayon at hinahanda yung pagkain namin, ako naman ay nanonood ng TV yung show ulit ni Fan Bingbing. Gusto ko sanang tulungan si Fany pero ayaw nya, keribells nya daw yun-
*ding dong*
"Lu, pakibuksan naman yung pinto baka sila na yan!" Sigaw ni Fany galing sa kusina.
Hindi pamilyar na mukha ang nakita ko pagbukas ko ng pinto. Isang matangkad at buff na Chinese. Tatawagin ko sana si Fany ng biglang may tumusok sa bandang leeg ko at unti unting namanhid ang buong katawan ko hanggang sa bumagsak na pala ako sa sahig. Pero conscious ako, aware ako sa nangyayari sa paligid kaya lang di ko maigalaw ang alinmang part ng katawan ko.
"Lu! What happened?" Puno ng pagaalala ang mukha niya ng lumapit sya sakin pero napalitan agad yun ng takot ng makita nyang may tao sa labas.
"W-what do you want?" Hindi sya pinansin nito at akmang bubuhatin ako pero hinarangan sya ni Fany.
Tinulak sya ng lalaki and this time binuhat na ako ng biglang-
"Aaahhhhh!" Kinagat sya ni Fany dahilan para bumagsak ako sa sahig pero di ko ito naramdaman
Mukhang nagalit yung lalaki sa ginawa nya at sinuntok sya nito sa may panga. Isinara niya ang pinto. Gusto kong tumayo at pagpirapirasohin yung lalaking yun pero manhid pa rin ang buong katawan ko. Sh*t!
Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok sa kanya ay napahiga si Fany sa sahig kung saan tinadyakan pa sya nito ng ilang beses. Wala akong magawa. Napapaiyak na lang ako sa sobrang inis ko sa sarili ko, di ko man lang sya matulungan. Kahit anong pilit ko ay wala pa ring nangyayari. Lalo lang lumalala. Unti unti ng dumidilim ang paningin ko na para bang inaantok hanggang tuluyan na akong nakatulog.
Tiffany's POV
Biglang nawalan ng malay si Luhan at alam kong di magtatagal ay magpapass out na rin ako. Medyo blurred na ang paningin ko at nalalasahan ko na rin yung dugo galing sa lips ko.
*ding dong* Nagkatinginan kami ng lalaki.
"Baby Ppani! Yung pinto!" Si Kris!
"Meron akong duplicate" rinig kong sabi ni Umin.
Agad namang tumakbo papunta sa backdoor yung lalaki at nagmamadaling tumakas habang naiwan kaming nakahandusay ni Luhan sa sahig.
"Tiffany!" Tumakbo palapit sakin si Kris at di ko na mapigilang umiyak. Di ko alam kung bakit- pero walang tigil ang pagtulo ng luha ko.
"K-kris" hindi ko alam kung paano magsisimula pero gusto ko syang isumbong kay Kris.
"K-kris...... Kris...Kris..."
"Sinong gumawa sayo nito?" Umiiyak na rin si Kris pero mas lamang ang galit sa itsura nya.
"..........." Patuloy lang ako sa pagiyak.
"Sinong tarantadong gumawa nito!" Di ako makapagsalita. Patuloy pa rin ako sa pagiyak.
"Kris, Calm down. Tinatakot mo sya" kinuha ako ni Sehun kay Kris at binuhat paupo sa sofa. Inabutan naman ako ni Lay ng tubig at nilinis yung mga sugat ko. Nakita ko rin si Umin na tinutulungan si Luhan na ngayon ay wala pa ring malay.
"Bukas na lang tayo umalis" sabi ni Sehun habang nakatingin kay Kris pero di sya nito pinansin.
"No Sehun, we should go, ayoko na ring magtagal dito" napalingon sakin si Kris.
"Are you sure you're already fine?" I just nod weakly. Gusto ko ng umuwi.
A/N: Short update po muna. Hehe. Anyway, napansin nyo ba na wala pang POV si Sehun? Parang feeling ko kasi mas pogi sya pag walang POV e(anong connect? Lol). Basta, pagtyagaan nyo muna syang gumiling giling sa ating MM. Have a good day ahead minna-san!
MV/Rec: Lo-lo-lotto
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...