Luhan's POV
"Ah! Aray! Mama ko! Tama na! Mama! Papa!"
"Ang OA mo Lu wala pa nga e"
"Ay, wala pa ba? Sorna, practice lang" sa totoo lang kabang kaba na talaga ako e medyo pinipigilan ko lang kasi baka magdisappear na naman ako.
"Pikit ka kasi. Pfftt. Para kang bakla" grabe?
Pumikit na lang ako. Kesa naman makita ko yung malaking karayom diba? Maya maya may naramdaman na akong medyo masakit sa noo ko pero bearable naman. Tss. Manly yata to.
"Yan tapos na!"
"Tapos na?" Nagtataka kong tanong.
Parang wala kasi akong masyadong naramdaman e. Ang gaan ng kamay nya, di tulad nung nagpatuli ako halos himatayin ako nung tinatahi yung anes ko, sana pala sa kanya na lang ako nagpatuli. Charot."Yup! Teka lang hiram muna ako ng wheelchair ha"
Pagbalik nya may dala nga syang wheelchair pero ang problema pano ako makakalipat don?
"Aray!" Masakit pa rin pala.
"Kumapit ka kasi sakin" iihh nakakahiya kaya. Ang bakla ko.
No choice ako kundi kumapit sa kanya bale para akong nakayakap- mali nakayakap pala talaga ako sa kanya habang inaalalayan nya ako. Ang bango nya nga eh. Hihi. Landi.
Tinulak nya na yung wheelchair. Nakakahiya nga e medyo may kalayuan pa naman tong school sa room namin."Hay salamat" hingal nyang sabi at binuksan ang pinto.
😲😲Reaksyon nila nang makita kami.
"Anong nangyari?""Napano ka?"
Sabay na sabi nina Taeng at Sica habang si Kris at Baek naman nagpipigil ng tawa.
"Pfft. Luhan hulaan ko si baby Ppani ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan. Pfft. Haha." Sabi ni Baek.
"Paano mo naman nalaman?"
"Pfft. Lapitin kasi ng disgrasya yan e. Haha"
"Hahaha" pati si Kris nakisali pa.
"Ewan ko sa inyo!" Padabog na sabi ni Fany. Cute.
"Hahaha kumain na nga lang tayo guys, kanina pa nakahanda yung pagkain" pagaaya ni Taeng.
"Wow!" Sabay sabay naming sabi mukha kasing masarap ang ulam. Piniñahang Manok.
"Chaeng..shan mo neman cho natsutsunan.." Sabi ni Sica kahit puno bibig nya. Pfft.
"Try mo kaya munang nguyain yan" sagot naman ni Taeng.
"San nga?" This time wala ng laman ang bibig ni Sica.
"Tinuro ni Jagi kanina" nahihiyang sabi ni Taeng.
"Nice Baek" rinig kong bulong ni Kris. Ngiting aso naman si tanga.
"Ppanyang okay ka lang ba? Bakit di ka nagsasalita?" Tanong ni Taeng. Oo nga ang tahimik nya ngayon.
"Naku! Wag na kayong magtaka favorite kasi namin itong ulam e" nakangiting sabi ni Kris.
Nakita ko namang nagroll eyes si Sica. Palagi syang ganyan. Di mo alam kung nagseselos o nasasapian na pala sa pagroroll eyes nya.
"Hinay hinay lang baby Ppani ha, nasa ibang bahay ka wala ka sa condo baka ubusin mo pa yung kanin nila" pangaasar ni Baek.
Nagroll eyes din si Fany. Yung totoo may ispirito bang gumagala sa room na to at parang nasasapian yung mga tao dito?
Kris's POV
"Thank you ulit guys sa pagkain" masayang pagpapaalam ni baby Ppani.
"Nga pala Lu, pupunta pala ako dito bukas para linisin yung mga sugat mo, saturday naman e wala kayong pasok" aba lumalablayp na si bunso. Bagay naman sila e, mukhang mabait si Luhan pero dadaan muna sya samin ni Baek bago nya maligawan ang baby namin.
"No need, kaya ko naman tong linisin magisa"
"I insist, ako ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan kaya dapat ako gumamot sayo" kung ako kay Luhan di na ko sasagot as if naman manalo sya kay baby Ppani.
"Sige"
"Bye guys!"
Makapagfacebook nga muna. Si Baek kasi ang nagdadrive habang si baby Ppani tulog na tulog nakasandal pa sa balikat ko ang bigat nga e, laki kasi ng ulo.
Nagbabrowse ako sa gallery para maghanap ng pwedeng ipost nang may makita akong mga bagong pictures. Pictures ni Maomao. Aba nagselca pa ang babaita. Di siguro sya marunong magdelete kaya nilagnat. Hahaha. Tinignan ko naman yung mga pictures nya. Ang ganda nya pero simple lang parang sina baby Ppani at Taeng, magaganda na kahit walang makeup.
"Hoy babalu nandito na tayo, pangiti-ngiti ka pa dyan gisingin mo na yan si taba o kung gusto mo buhatin mo na lang" di naman ako ngumingiti a.
"Ikaw kaya magbuhat dito ewan ko lang kung di sumuko mga buto mo"
"Sabi ko nga e. Gisingin mo na"
Nagising rin naman sya agad."Bakit ba pagod na pagod ka?"
"E ako lang kaya magisa gumamot kay Luhan kanina habang kayo umaariba na"
"Sorry naman" sabi namin bi Baek. Di naman namin alam.
"Sabi nga pala ni Mommy, dun na tayo sa office natin bukas."
"Yess! Solo ba natin yung office?"
"Hindi nga e, may 9 daw tayong makakasama tag12 kasi bawat office"
"Sana puro girls"
"Oo nga" sabi naman ni Baek at mukhang excited.
"Che! Magsitigil nga kayo isusumbong ko kayo kina Taetae at Maomao!"
"Edi Shing" Mwahaha.
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...