Baekhyun's POVIpinarinig ko rin kay Kris yung recording at mukhang pareho kami ng kutob kaya agad kaming tumakbo papunta sa office ni tita Erin.
Naabutan namin sya na kausap si Sehun. Ilang buwan na rin kami dito sa facility at matagal ko na ring napapansin na si Sehun palagi ang pinagkakatiwalaan niya when it comes to bigger projects. Favoritism! Charit. Well di ko naman masisi si tita. Matalino at sobrang kinacareer ni Sehun ang trabaho nya na kahit nga kalandian sa buhay mukhang wala sya. Di tulad ko balance.
"O guys! What brings you here?" Di kami nakasagot agad dahil hingal na hingal pa kami.
"......Si....Tiff..a..ny." Sabi ni Kris habang hinahabol ang sariling hininga.
"Why don't you guys sit down first? Di tayo magkakaintindihan nyan"
Inabot ko yung phone ni Ppani sa kanya at in-open yung recorded file.
"What's this?" Naguguluhang tanong ni tita.
"We've found it at Luhan's room" di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya. Lalo na at di pa naman talaga kami sure.
"That's where my daughter stays right? Where is she?" Kahit di pa alam ang buong nangyari ay halata na ang pagaalala nito.
Pare pareho kaming walang idea tungkol sa file pero parang sila rin ay di maganda ang interpretation dito."Wala po sila sa room" ayoko sanang sabihin dahil ayoko syang magalala pero alam kong more than anyone else sya lang ang makakagawa ng paraan para mahanap namin si Ppani.
"Paanong wala? San sila nagpunta?-" napatayo sya sa swivel chair nya at medyo nagtaas na ng boses. Last time kong nakita si tita na ganito ay nung masprain si Ppani nung highschool. Kaya tuwing may nangyayari kay Ppani ay pinapakiusapan nya kami ni Kris na wag na lang sabihin sa mommy nya dahil grabe itong magalala.
"CCTV" sabi ni Sehun at agad na inaccess yung mga security cameras sa desktop ni tita. Oo nga no. Sa sobrang pagpapanic ay nawala sa isip namin na may mga CCTV cameras pala each hallway.
May apat na malalaking lalaki ang kumakatok. Di ako sure pero parang mga Chinese? May nagbukas ng pinto pero di namin makita dahil na rin sa angle ng camera. Agad silang pumasok pero after a few minutes ay lumabas sila bitbit si Ppani at Luhan.
"Oh God.... My daughter.." Maluha luhang sabi ni tita.
"Tita calm down. Mahahanap rin natin sila" for now it's the best that I can do.
"...Tiffany... " patuloy lang ito sa pag iyak hanggang sa mawalan ng malay.
"Tita!"
"Wake up! Tita"
"Tita Erin!"
~
More than two hours na naming nirerewind yung footages at iba pang clips prior the incident pero wala pa rin kaming mapiga na information galing dito. Si tita Erin naman ay wala pa ring malay at hiniga namin sa couch.
"Paano sila nakalabas pasok ng di man lang napansin ng security?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"I don't know how pero meron silang access card" seryosong sabi ni Kris. In-open naman ni Sehun ang footage sa may exit at oo nga meron silang card. Employee lang ng facility ang meron nito.
"Tatawagan ko lang yung iba para matulungan nila tayo" kukuhanin ko na sana yung phone ko pero pinigilan ako ni Sehun.
"No! Wag muna" katulad ko ay nagtaka rin si Kris sa inasal nito.
"Bakit naman Sehun?" tanong ni Kris.
"Look at the access card that they used" zinoom nya ang bahaging iyon at ngayon ko lang napansin na Blue access card ang gamit nila. Ibig sabihin nasa office namin mismo ang may ari ng card.
"You're saying that this is an inside job? Look Sehun, baka naman may nakawala lang ng card nila o may nagnakaw. Maraming posibleng dahilan kung bakit merong card yang mga intsik na yan. It's too early to blame people, at tsaka mas matagal mo na silang kasama. Sa tingin mo ba kaya nilang gawin yun?" Napa-speech tuloy ako ng wala sa oras.
"Too long to explain. But we have Xiumin or Lay in mind" halata sa mukha ni Sehun na seryoso sya sa mga sinasabi nya.
"Xiumin or Lay? Bakit mo nasabi? At tsaka 'we'? Sino kayo?" Halos sumigaw na si Kris at kagaya ko ay mukhang di rin makapaniwala sa pinagsasabi ni Sehun.
"Tiffany and I. At first ayaw nyang mangbintang but as we relate each incident to one another we always end up putting the blame on them" akalain mo yun. Matagal na pala silang nagaala- Detective Conan pero wala man lang nabanggit si Ppani. lumingon ako kay Kris para tignan ang reaksyon nya pero nakatutok lang ito sa monitor at nakatulala.
"Hoy Kris! Napano ka?" Tanong ko sa kanya. Mukha kasi syang natatae.
Hindi sya sumagot pero in-open nya yung isang file na recorded four hours ago. Bale two hours before the kidnapping. At nakita namin si Lay malapit sa room nila Luhan at may kausap ito sa phone pero saglit lang ito at agad ding umalis.
"Ano pang hinihintay nyo? Pasko? Jombagin na natin si Lay" sigaw ko sa kanila.
"Sandali" sabi ni Kris.
Maya maya ay si Xiumin naman ang huminto sa tapat mismo ng room nila. May kausap din ito sa phone at mukhang di ito mapakali at balisa.
"Sino sa kanila?" tanong ni Kris pero nakatitig pa rin sa monitor.
"We can't assume things yet. Pero kailangan di sila makalabas ng facility ngayon"
~
Di nyo sinabi runner pala itong si Sehun. Ang bilis tumakbo. Si Kris? Ayun nauna na. Ang haba kaya ng biyas nun. Tumatakbo kami ngayon papunta sa office namin na medyo may kalayuan. Maguuwian na rin kasi. Alam nyo na, di pwedeng makalabas yung dalawang unggoy na yun dahil maaaring isa sa kanila ang makapagturo kung nasan si Ppani.
Naabutan namin na nagkakagulo sila sa office.
"Nakita nyo na ba sina Panibells?" Tanong ni Tao. Ha? Alam nilang nawawala si Tiffany?
"Pano nyo nalamang nawawala sya?" tanong naman ni Kris.
"Sinabi samin nung guard. Hindi raw kasi nya makita si Ms. Erin sa lab kaya dito sya dumiretso" nalintikan na ang plano namin mga bes. Alam na ng lahat na nakidnap si Ppani.
"Where's Lay and Xiumin?" tanong ni Sehun. Wala na kaming ibang choice kundi cornerin silang dalawa.
Tumayo si Lay at lumapit kay Sehun.
"Bakit?" Walang emosyon nyang sabi.
"Where's Xiumin?" Hindi sya pinansin ni Sehun.
"Hindi ko napansin" sabi ni Chanyeol na halatang nagaalala.
"Kanina ko pa nga sya di nakikita" sabi ni Kai.
Mukhang walang may alam a kung nasaan si Sohee- este Xiumin.
"Nakita ko sya kanina....." nagaalalangang sabi ni Lay.
Dahil dito ay napunta ang atensyon ng lahat sa kanya.
"...... Nagmamadali syang umalis. Hindi ko alam kung saan sya pupunta pero mukhang magtatagal sya doon dahil ang daming dalang gamit" nagkatinginan kaming tatlo nina Sehun at wala ng sinayang na oras.
Tinatawagan namin ang cellphone ni Xiumin pero busy ang linya nito.
MV/Rec: Yung bagong kanta ng Twice. Ang pangit na title e. Byuntae pa naman kayo. Char lang mga bes. Basta alam nyo na yun.
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...