Chapter 37

65 3 0
                                    


Tiffany's POV



Mahigit dalawang oras na mula ng tawagan ko ang number ni Mommy. Nakailang dial pa nga ako dahil walang sumasagot pero right after my 7th try ay halos mapatalon ako ng makitang inaccept ang aking tawag.



*beep*



Isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa aking harap. Nanatili akong nakaupo sa trunk ng kotse ni Lay. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naeexcite. Natutuwa. Relieved. And at the same time awa sa sarili ko.



"Tiffany!" sigaw nya at mabilis akong niyakap.



Bigla na lang tumulo ang mga luha ko at di ko mapigilang umiyak. Dahilan upang higpitan nya pa ang pagyakap sa akin.



"Bring me back home, Sehun" Oo si Sehun ang nasa harap ko ngayon. Sya ang nakareceive ng tawag ko kanina dahil naiwan ni Mommy ang phone nya sa office. Inoobserbahan daw nito si Luhan na walang malay na lumitaw bigla sa facility. Simula daw ng dumating ay di na umalis si Mommy sa tabi nito, hoping na magising ito agad para itanong kung nasan ako.



"Sehun" nakatingin lang sya sakin na parang gulat na gulat.



"Sehun" muling tawag ko.



"Tiffany..." gulat at may halong pag aalala ang nakikita ko sa mukha nya.




"What's wrong?" takang tanong ko.
Hindi sya sumagot sa halip ay niyakap nya ako ng mahigpit.




"Se..h..un" hindi na ako makahinga sa ginagawa nya.



"Stay still" madiin nitong sabi.



"Explain to me first why are you acting this way" tinulak ko sya ng malakas palayo at laking gulat ko ng makita ang sarili kong mga kamay.


"Oh God" tumingin ako kay Sehun na ngayon ay muli akong niyakap.



Tinignan ko ulit ang mga kamay ko and worse umaakyat na ito papunta sa braso at balikat ko.



"Sehun" iyak ko. "Sehun, make it stop" nagpapanic na ako. Mas malaking part na ng katawan ko ang naapektuhan. Mas malaking part na ng katawan ko ang unti unting nawawala. Yes, half of my body now is invisible. Naguguluhan ako pero more than that natatakot ako.



"Make it stop" paulit ulit kong sabi.


"I'm scared" mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya.




"You're not going to disappear. I got you. I won't let that happen"












-End of Book 1-












Classified (Lufany)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon