Luhan's POV"Nanay Sol, wag na po kayong magluto ng marami. Sa labas na lang po kami kakain" bilin ko kay Nanay Sol na nasa kabilang linya ng telepono.
"Sige anak, wag kayo masyadong magpakagabi" tugon nito.
"Opo, may bagong bili nga po pala akong dog food para kay Mideo nasa pantry. Makikisuyo po."
"Ikaw naman 'nak para kang others. Di mo na kailangang makisuyo."
"Salamat po, mauna na po ako."
"Sige. Mag-ingat kayo ha"
"Opo."
Sakto namang pagbaba ko ng phone ay nagvibrate ito na agad ko namang tinignan.
Notification ito mula sa bangko na nagsasabing naiwire na ng kompanya ang sahod ko sa aking account.
Kung nagtataka kayo kung bakit ako binigyan ng pera ng isang kompanya.Syempre nagtatrabaho ako dun duhhh. Marami na rin ang nagbago sakin nitong nakalipas na isang taon. Nagtatrabaho na ko bilang isang researcher/scientist sa Chinese Facility kung saan rin ako nakatira kasama si Nanay Sol na tumayo ng magulang ko. Malayo na ako sa dating Luhan. Independent, matured at responsable na ako ngayon. I must say, this is my second life and I'm happy and contented kung ano man ang meron ako at kung sino ako ngayon. Pero may isang bagay na di ko kayang baguhin at tingin ko ay di ko kailan man magagawang baguhin
ito ang kagwapuhan ko. Idagdag nyo pa ang aking sex appeal.
"Huy! Nangingiti ka dyan? Nalipasan ka na naman ng gutom. Hahahaha" bigla biglang sumusulpot.
"Tagal mo kasi. Halos tubuan na ko ng ugat sa paghihintay" sagot ko habang pinipisil ang ilong nya. Naiinis nyang hinawi ang kamay ko. Ang sarap nyang asarin.
"Ano ba! Hahaha" mahina nyang hinampas ang kamay ko.
~
"How's your day?" tanong nya. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang sikat na resto dito sa Beijing.
"Good, successful ang naging research namin" nakangiting sagot ko.
"So free ka for the next few months?"
"I guess"
"Great!" she squealed dahilan para pagtinginan kami ng ibang tao sa resto. Agad syang yumuko at humingi ng tawad sa mga tao. Pulang pula na ang mukha nya ngayon. Cute.
"Why? May gusto ka bang puntahan?" pinunasan ko yung lower lip nya.
"No, may kailangan akong puntahan" sabay ngiti ng nakakatakot. May pagkaloka loka rin to minsan e. Di ko lubos maisip na mahal ko tong babaeng to.
"May assignment ka sa malayong lugar at gusto mo kong isama para mapadali ang trabaho mo. Ganun ba?" poker face kong sabi.
"OH MY GOD! OH MY- OH MY GOD! Bukod sa teleportation ay may telekinetic ability ka na rin ba Lu? Nababasa mo na ang iniisip ko?" parang baliw nyang sabi.
"Nye nye. Nagpapatawa" sarcastic kong sabi.
"Hahahhaa. Pikunin ka talaga Lulu ko" sabay pisil sa makinis kong cheeks. Lels. "Pero seryoso, samahan mo ko ha?" nagbeautiful eyes pa ang loko.
"Tss. As if may magagawa ako" sinenyasan ko ang waiter na magbibill out na kami. "San ba yan? Guangzhou? Shenzhen? Shanghai?"
"Nope, this is big time. Out of the country." she playfully said.
"Talaga? Tamang tama gusto ko ring mag- unwind" I held her hand as we reach for the exit.
"Gaga, magwowork tayo dun di magbabakasyon" sabi nya.
"Baka pwede naman nating isingit. San ba yan? Tsaka kelan?"
"Thailand!" enthusiastic nyang sabi. "This Saturday ang alis, magbalot balot ka na" bago pa man ako makapagreact ay nagteleport na sya. Di man lang nagpaalam.
"I forgot" nagulat ako nang may biglang humalik sa pisngi ko pero agad ding nawala. Tss parang bata.
Sumakay na ko sa kotse dahil di naman pwedeng magteleport din ako, sinong maguuwi ng kotse.
More than 6 months na rin siguro mula nang matutunan kong controllin ang ability ko. Si Bunny, girlfriend ko, ang nagturo sakin. Since pareho kami ng ability. Remember Ms. Lin na sadya namin dito sa China noon? Siya yun. Di lang namin sya nameet dahil sa isang emergency. Pero parang destined talaga na magkakilala kami dahil nang tanggapin ko ang offer mula dito nung nakaraang taon ay nagkataon din na nagdecide sya na mag-aral at maging researcher din para mas maintindihan ang ability nya.~
Mabilis na lumipas ang mga araw. Bukas ay aalis na kami papuntang Thailand! Excited ako dahil ito ang magiging first out of the country trip ko kahit sabit lang naman talaga ako dito at kay Bunny talagang assignment to. Anyways, nandito ako ngayon sa mall para mamili ng mga babaunin namin, di na nakasama si Bunny dahil nagkakagulo daw sila ngayon sa department nila.
* majimak cheoreom ma- ma- majimak cheoreom~*
"Hello, Kuneho. Napatawag ka" panunukso ko.
"Umayos ka dyan Usa! Nga pala, may kaunting problema, kaunti lang naman. Slight lang" nag aalalang sabi nya.
"Ano yun?"
"Baka kasi abutin ng 3-5 months yung trip ok lang ba?"
"Ok lang naman siguro kay Mr. Yen since wala pa naman kaming nakaplan na gagawin"
"*sigh* Mabuti naman. Ako ng magpapaalam kay Mr. Yen"
"Ok"
"Isa pa pala!"
"Ano?"
"Nalipat yung destination ko"
"Ok lang di pa naman ako nakakapag impake. Saan ba?"
"Philippines"
MV/R: Girl Front by Loona - Odd Eye Circle
Lin Yun as Bunny Lin
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Fiksi IlmiahMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...