Chapter 23

146 8 2
                                    

Tiffany's POV

"So, where do you want to go next?" Kakatapos lang naming picnic sa tabing dagat. Nakakahiya mga bes. Malay ko bang di normal magpicnic sa tabing dagat. Di naman kasi sinabi ni Baek. Yung baklang yun talaga! Speaking of him, kamusta na kaya ang bakla kong bes? Baka paguwi namin dun buntis na si Taeng. Hehe. Charr lang. Kahit naman kolokoy si Baek may respeto pa rin naman sya sa kapwa nya babae. Charit.

"Uhm.. Sa Mall. Ok lang?"

"Mall?"

"Bakit ayaw mo ba? Sige sa iba na-"

"No, Lu. Ok lang. Tara" in-On ko ang GPS at sinet ang location nito sa pinakamalapit na mall. Di pa rin kasi ako pamilyar sa mga lugar dito.

"Fany, kelan ko nga pala mamemeet yung chinese patient na kapareho ko ng case?" kumakain sya ng tira naming chips kanina.

"Baka di mo sya mameet. May emergency kasi sa Guangzhou e."

"Sayang naman."

"Oo nga e. Pero don't worry Lu. Meron ka naman ng records dito, pwede nila itong icompare dun sa patient na yun at kung may makita silang relevant na info pwede ka pang bumalik some other time...." I smiled at him and he smiled back.

"....matanong ko lang Lu. Bakit mo nga pala pumunta sa mall? May bibilhin ka ba?"

"Wala."

"E bakit nga gusto mo magmall?"







"Gusto ko lang maranasan gawin ulit yung mga ginagawa ng normal na tao." even though he's smiling I can still see the sadness in his eyes.





"C'mon Lu. You're still a normal person.Just more special dahil may binigay si God sayo na hindi nya ibinigay sa iba. Hindi naman ibibigay sayo yan kung hindi mo kayang ihandle..."

Luhan's POV

"C'mon Lu. You're still a normal person.Just more special dahil may binigay si God sayo na hindi nya ibinigay sa iba. Hindi naman ibibigay sayo yan kung hindi mo kayang ihandle..."

"...Uh. Sorry Lu. I know I'm talking too much I didn't mean to- "

"No need to apologize Fany. Di mo alam kung gaano pinagaan ang loob ko ng mga sinabi mo" and there she goes again with her eyesmile.























"Go Luhan! Go Luhan! Wooooh!!!"

"Lulu for the win!"

"Woaaah!"

Nandito kami ngayon sa arcade at yung maingay na yun? Si Tiffany yun. Cheer ng cheer. Di naman ako masyadong magaling ang mga kalevel ko lang naman sina Lebron at Westbrook. Charr.

May mga tao ng humihinto para panuuorin kami. Oo kami, kasi kung makikita nyo si Fany ngayon mapapahinto ka talaga. Parang timang.

Naubos na yung shots ko at nagmamadali si Fany na kunin yung mga lumalabas na ticket.

"Wait ka lang dyan Lu. Ipapapalit ko lang to" tss. Parang bata.

Pagbalik nya may dala syang MGA ice cream. Di pa ba sya busog? Kakakain lang namin a.

"Lu! Gusto mo? Anong flavor? Yung may Almonds or-"

"Eto na lang" kinuha ko yung Caramel flavored.

"Mas masarap tong may almonds"

"Nagkakaroon kasi ako ng anaphylactic reaction pag kumakain ng nuts"

"Antaray anaphylactic. Spell" ayan na. Bat ba kasi yun yung nasabi ko pwede namang allergy na lang.

"Joke lang Fany. Ginagalis lang talaga ko pag nakakakain nyan. Hehe."

"Tss. Halika na nga! San tayo?"
Umakyat kami sa Fourth Floor ng room kung nasaan yung sinehan. Conjuring 2 daw yung papanuorin namin in 4D. Tss. Syempre bilang isang gwapo, matikas at manly na nilalang Ok lang sakin. Di ako natatakot-

*beep*

*beep*

*beep*

"Fany, may nagmemessage ata sayo o"

*......Please keep your phones off or in silent mode during the film....*

"Mamaya na. Magsisimula na yung palabas e"















"Aaaaaaaaaaahhhh"

"Pfft. Nubayan Lu. Ang ingay mo pinagtitinginan na tayo"

"Oh my Go- Tiffany umuwi na tayo!!!"

"Lu, wag kang malikot natatapon yung popcorn"

"Aaaaaaahhhhhhh!!!"

"Shhhh" sabi nung mga kalapit namin.

Ah! Alam ko na! Pipikit na lang ako para di ko makita yung matandang lalaki. Good Idea. Teka- nasan yung juice ko? Di ko makapa kaya dumilat ako, sakto namang ipinakita si Valak at-












































Napunta ako sa facility. Masisisi nyo ba ko guys? Nakakatakot kaya. Wait- Paano na si Fany? Magisa lang sya. Baka hanapin nya ko. Ah! Nasa akin pa run pala yung extra phone niya, tatawagan ko sya.

Dialling Tiffany......

"Hello"

"Hello Lu. Bruha ka bigla kang nawala. San ka napunta?"

"Sa Pinas"

"Pakyu di nga?"

"Pfft. Joke lang nandito na ko sa facility"

"Aish. Ang daya mo talaga"

"Haha. Sorry naman"

"Sorry ka dyan. Duwag! Haha"

"Hoy di ako duwag"

"E bat ka biglang nawala?"

"E kasi..... Kasi"

"E kasi ano? Mr. Xi."

"E kasi... Natatae ako"

"Utot mo Luhan. Haha"

"Totoo nga kasi!"

"Haha. Kwento mo kay tita Charo. Haha"

"Tss. Ewan ko sayo"

"Pfft. Pikon. Haha. O sige na bye na mahaba pa biyahe ko. May isa kasi dyan di man lang ako sinabay sa pagteteleport nya"

"Sorry na nga e. Hayaan mo pag natutunan ko na tong icontrol ikaw ang una kong isasama sa 'teleportation' ko"

"Promise yan ha. Sige bye na ulet"

"Bye Fany. Good night. Ingat sa pagdadrive......"

"........ At tsaka Fany"

"Ano yun Lu?"

"Thank you"

....... Call ended.










MV Recommendation: Whistle by BlackPink.

Classified (Lufany)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon