Tiffany's POVIpinikit ko ang mata ko at mas hinigpitan ang pagyakap kay Luhan. Kahit na imposible ay pinagdasal ko na makaalis kaming dalawa para matapos na.
*Bang*
Kasabay ng malakas na tunog na yun ay naramdaman kong nakayakap na lang pala ako sa hangin. Nakaalis na si Luhan. Medyo natagalan bago nag sync in sa utak ko. Sana sa safe na lugar sya napunta.
Lumingon naman ako agad upang tignan kung san nanggaling yung gunshot.
Si Lay may hawak na baril at yung mamang humahabol samin ay duguan dahil sa tama nya sa hita.
"I'm sorry Mr. Yen" wika ni Lay at hinatak ako patakbo.
~
Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko sa kakatakbo. Pagod na pagod na ko at alam kong ganun din si Lay pero di namin magawang huminto. It's now or never. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makasama ulit si mommy at ang mga kaibigan ko. Gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay. At alam kong kung di kami makakatakas ngayon ay mas mahihirapan na kami sa susunod.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang malapit na kaming makalabas ng compound kung saan ay nagaabang samin ang kotse ni Lay.
Halos maiyak ako sa sobrang tuwa at di na inalintana ang sugatan kong talampakan dahil sa pagtakbo namin ng nakayapak.*Bang*
Napahinto kami sa pagtakbo. Isang malakas na putok na naman ng baril ang narinig ko.
"Jun" mahinang tawag ni Lay sa lalaking may hawak ng baril. Nakatutok ito sa ere.
Lumapit samin ang lalaking tinawag nyang Jun. Base sa complexion at facial features nito ay masasabi kong Chinese ito.
"Anong ginagawa mo?" mahinahon ngunit may diin nyang sabi kay Lay.
Hindi sumagot si Lay."Hinahanap kayo ni Daddy"
Hinatak ako ng lalaki na sa tingin ko ay mas bata sakin ng ilang taon.
Naiwan naman si Lay na nakatayo sa kanyang pwesto.
Lahat ng pagod dahil sa mga nangyari kanina ay ngayon ko naramdaman. Naging mabigat ang bawat hakbang ko habang di ko namalayang tumutulo ang mga luha ko.
Di pa man kami nakakalayo ay umalingawngaw na naman ang putok ng baril. Galing ito sa aming likuran. Pareho kaming napalingon kung saan nakita namin si Lay na may hawak ng baril at nakatutok sa nagdudugo nitong binti.
"Lay"
"Gege"
Sabay naming sigaw at patakbong lumapit sa ngayon ay natumba ng si Lay.
"Lay" di nya ako pinansin at seryosong tumingin kay Jun.
"Bring me.....back......to La.....a..ab or else I'll......I'll die here. L....l....leave her alone" nanghihinang sabi nito.
"No Lay. Hindi ako aalis. Ako ang gagamot sayo" wika ko. Patuloy pa rin ang pag agos ng luha ko habang pilit akong pumupunit ng kapirasong tela mula sa pajama ko para ibalot sa sugat ni Lay at ng humina ang pagdugo.
"Tumakas ka na" muling sabi ni Lay.
" Lay. NO. Di ako aalis." madiin kong pagtanggi.
Maya maya pa ay nakita naming palapit samin ang mga guards ni Mr. Z. Di bababa sa sampu ang bilang nila.
"Tiffany. Please" pagmamakaawa ni Lay habang patuloy ang malakas na pagdugo ng kanyang binti.
"No" maikling sabi ko habang hinihigpitan pa ang pagtali sa sugat nya.
Bakas sa mukha ni Lay ang matinding sakit at pagkapagod. Nakonsensya ako dahil alam kong dahil iyon sa akin.
"We need to stop the bleeding immediately. Let's send him back" sabi ko kay Jun.
Tumingin sya ng masama bago nagsalita. " I won't let my brother's sacrifices to be put down to waste. Tumakas ka na. Prove that you're more worthy than his leg" binuhat nito ang ngayo'y walang malay na si Lay at tumalikod sakin.
He was right. I need to take chances too just like what Lay is doing the whole time. Tumakbo ako papalayo. Hindi ko alam kung pano ko nagawa pero malapit na ko sa sasakyan ni Lay.
Lumingon ako sa huling pagkakataon. Nakita kong tinulungan si Jun ng ilan sa mga guards habang ang iba'y patuloy akong hinahabol.
Mabilis akong pumasok sa sasakyan. Parang may sariling isip ang katawan ko. Ni hindi ko nga namalayang naistart ko na ang kotse at nagmaneho papalayo sa lugar na yun.
Kasabay ng paghinto ng sasakyan dahil sa pagkaubos ng gas ay bumalik ako sa ulirat. Hapon na pala. Kanina pa ako nagdadrive ng wala sa sarili. Alam kong nakalayo na ko pero di pa rin maalis sakin ang pagaalala na baka may humahabol sakin.
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Umaasang may mahihingan ng tulong. Hindi ko alam kung anong lugar to. Sobrang remote at secluded. Wala akong makitang bahay kundi walang katapusang kakahuyan.
Huminga ako ng malalim at sumandal sa upuan. I feel so hopeless. Kahit na maglakad ako palabas dito ay di ko kakayanin dahil sa pagod at gutom.
Gusto kong umiyak pero wala ng luha ang lumalabas sa mata ko. Akma akong hihiga nang mapansin ko ang isang itim na bag sa shotgun seat. Mabilis pa sa alas kwatro ko itong kinuha at binuksan.
Pagkain, toiletries at mga gamot ang laman nito pero di ko ito pinansin dahil sobra akong naexcite nang makakita ako ng cellphone. Bagong bago ito. Nasa box pero halatang nabuksan na. Pagkaopen ko ng mismomg phone ay tumambad sa akin ang memo app:
Tiffany, If you're reading this it means you and Luhan made it and maybe nakalayo na rin kayo. And maybe you're crying right now. Cheer up! You guys are almost there. Use this phone to call your mom and get some help. I know my efforts were not enough for all the troubles my dad gave you. But it's the best I can do for now. My dad will be mad at me for sure but I'm cool with it as long as you both are safe because you're worth it. Luhan's worth it. Ms. Erin's worth it. Everyone's worth it. Ok, I guess this is pretty long for a note. So goodbye for now and take care of yourself. Always.
PS: Please help Suho taking care of the boys. Thanks.
My tears start falling down my cheeks realizing that all this time Lay knew that he is about to sacrifice himself for me and Luhan. He suffered the whole time for us. Yet I'm here crying like a fucking baby because the goddamned car is out of gas.
Nahinto ako sa pag iyak nang makita na may isa pang memo:
I know you'll feel bad and blame yourself after reading the first note. Don't be. I didn't regret doing everything. And my dad, he won't kill me, maybe some hits. Haha. Now, hurry up and call Miss Erin:)
I smiled bitterly.
Dedicated to previous commenters:MerjieLeng and SeungHee_123. Thank you guys.
MV Rec: Sigeunal bone~ Sigeunal bone~ jjirit jjirit jjirit jjirit~
BINABASA MO ANG
Classified (Lufany)
Science FictionMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit na di ka sigurado na matatanggap ka nya sa kabila ng pagiging kakaiba mo? Hi I'm Lu Han, and you read it right hindi ako tulad nyo, I'm different, and di ko rin alam kung ano ako, some people were referrin...