Contract 1

3.7K 54 0
                                        

"Bestie anong problema mo at nagyaya ka Uminom ?" tanong ni Billy sa Nakatungong si Vice

"Oo nga ang Aga pa Brad ah" segunda ni Vhong

"Maaga Vhong ? Anong Maaga sa Alas Dyes ng gabi Vhong ?" pambabara ni Vice

"Hindi yun Brad ! Ang ibig kong sabihin maaga pa para magpakalasing" paliwanag ni Vhong

"Ayun ! Lilinawin mo . Maaga eh Alas Dyes na ng Gabi ?! Ang maaga yung may Araw wag mo nga kaming pinaglololoko Vhong" pambabara ulit ni Vice na Ikinatawa nalang din ni Vhong .

"Pero seryoso Bestie . Ano talagang problema mo ?" seryosong tanong ni Billy kaya napatahimik si Vhong at napatungo naman ulit si Vice .

"Malapit ng Ma elit Yung Bar Ko" malungkot na pahayag nito .

"Ha ? Paanong nangyari yun ? Sabay na tanong ni Billy at Vhong

"2 years ago alam nyo namang pinalayas ako ni lolo diba dahil sa Scandal na kinasangkutan ko . And then after 2 years nabalitaan kong nagkasakit si lolo at naghihirap na din sya , Kaya isinanla ko sa Bangko tong Bar para sa pagpapagamot ni Lolo Hanggang sa lumaki ang utang ko dahil hindi sapat sa pangtustos sa gamot ni Lolo . Pero nung mamatay si lolo nalaman ko na may mana pala ako sakanya at hindi sya tunay na naghirap ."

"Oh eh yun naman pala eh . May mamanahin ka bat ka pa namomroblema ?" litong tanong ni Billy .

"Yes may mamanahin akong pera at kumpanya pero makukuha ko lang ang pera pag nagpakasal ako"

"Brad Kasal lang pala eh .. Andami mo kayang Boylet"

"Sana nga pwede sa Lalaki kaso nakalagay sa Last Will ni Lolo na sa Babae at kelangan tunay ang kasal . Hindi ko pwedeng fake dahil nakabantay yung Abogado ni lolo sa bawat kilos ko"

"Tsk Problema nga yan Bestie !" iiling iling na sabi ni Vhong

~~~~~~~~~~~~~

"Karylle Lets Go na !" sigaw ni Anne sabay katok sa pinto ng kwarto ni Karylle

"Ok eto na nga oh . Why so Excited Anne ?"

"duuh Anong oras na jusko K wala na tayong aabutan sa bar kung ganyan yung kilos mo" sagot ni Anne na napa roll eyes pa . Natawa naman si Karylle Kaya dalidali nyang hinatak yung braso ni Anne .

"Lets go Na Anne" Natatawang sabi nya .

Vice's POV

Nandito padin ako sa Pwesto namin bandang sulok . Bangenge na si Vhong samantala si Billy naman eh Inaawrahan na Yung Waitress dito sa Bar . Nahihilo na ako kaya napagpasyahan kong ipikit muna sandali yung Mata ko . Hindi din naman nagtagal ay may naramdaman akong kumalabit sakin .

"Huyy Wakla Ano ng nangyari Kay Vhongskie ?" tanong nya hindi ko na iminulat yung mata ko dahil boses palang ay kilala ko na .

"Andun sya tulog sa VIP Room" walang ganang sagot ko

"jusko bakla ala Una palang Bangenge na kayo ? My Ghad !" maarteng tugon nito

"Alam mo Anne Curtis Uminom ka nalang pwede ba ? Wala ako sa Mood para makinig ng Talak mo"

"Hayy naku Girl umayos ka nga . Samahan mo kaming uminom ni K" sita ni Anne . Agad naman akong napadilat sa narinig ko . Napatingin ako kay Karylle na Nakangiti sakin pero bahagya ko syang inirapan .

"Huyy Vice grabe na sa OA yan ha ! Naiilang ka padin sakin ? Or sadyang affected ka lang talaga ?" naka ngising sabi nya na ikinatawa naman ni Anne.

"tuwang tuwa Anne ?" sita ko kay Anne sabay bato sakanya ng tissue . "at ikaw naman bruha ka panong di ako maiilang eh bakla ako tas aamin kang you Like me ? Aba matinde !" baling ko kay karylle Na medyo may inis sa tono . Di naman sa di ko sya bet sadyang ayoko lang sirain ang nabuo naming pagkakaibigan . At oo bakla ako pero Crush ko si Karylle (Teka kinikilig ako ❤❤) pero hanggang dun lang yun . Di na pwedeng lumagpas . Ayokong masaktan sya sa huli .

"Huyy grabe bakla ! Sabi ko lang naman I LIKE YOU ! And i think im Falling . Kaloka ka ininform lang kita saka di pa ako sure sa nararamdaman ko baka infatuation lang to kase nasanay na ako na ikaw lagi kong kasama" sagot nya sabay iwas ng tingin sakin . Napangiti naman ako sa narinig ko.

"sus tara nga hug kita" sabi ko sakanya sabay spread ng arms ko agad naman syang lumapit at niyakap ako .

"Gaga ka pagkatapos ng 2 months na pandededma mo sakin isang yakap mo lang bati na agad tayo" sumisinghot na bulong nya

"Sorry na nga Eh . Namiss kita alam mo ba yun" paglalambing ko

"Nakaka asar ka ! Namiss din kita" natatawang sabi nya sabay hampas sakin .

"Hoyy ano kayo lang may moment ? Pano ako dito ? Third wheel ganern ? Kayo lang friends ?" nakangusong singit ni Anne .

"Halaka halaka tara na ngangabu wag ka ng Maartz jan" sabay hila ko kay Anne at nag group Hug kaming tatlo .

Masaya ako na nagbati kami ni K . Kahit papano nabawasan yung problema ko . 4am na ng mapagpasyahan naming umuwi . Si Anne at Billy na ang naghatid kay Vhong samantala ako naman ang Maghahatid kay K .

"Inferz namiss ko sumakay sa Kotse mo" nakangiting sabi ni Karylle na sinisinghot pa yung amoy ng kotse ko .

"huyy para kang sira . Wag kang mag alala lagi ka ng makakasakay dito . Wag ka lang ulit aamin sa feelings mo" pagbibiro ko sakanya at pasulyap sulyap na tinignan sya dahil nag dadrive ako .

"Grabe ka ang hard mo sakin ha ?!" sagot nya at bahagyang yumuko .

"Uyy joke lang" pambawi ko dahil nakita ko na medyo lumungkot sya .

"Oo na alam ko namang joke yun . Kilala na kita" nakangiting sambit nya kaya napangiti nalang ako . Kalahating oras pa ang lumipas bago kami makarating sa Condo nya , inihinto ko ang sasakyan ko sa tapat ng entrance saka sya bumaba .

"Ahm Vice Akyat ka muna ?" sabi nya na patanong sakin .

"wag na . Kelangan ko na ding umuwi eh"

"Sigurado ka ? Hindi ka man lang ba magkakape ?" tanong nya na naka dungaw sa bintana ng kotse .

"Wag na bibili nalang akosl sa madadaanan kong Coffee shop . Saka kelangan mo na din magpahinga" nakangiting pagtanggi ko . Napatango nalang sya habang naka dungaw padin sa bintana .

"Good Night K . Sleep well . Bye" pagpapa alam ko bago ko sya hinalikan sa Pisngi"

Masaya ako dahil bumalik na kami sa dati . Yung kumportable sa isat isa kahit na ramdam ko na meyo naiilang pa sya sakin . Alam ko na babalik din sa dati ang lahat.














Charaaan ! Another on going story HAAHAH Jeske matagal na tong bumabagabag sa isip ko 😂😂  Kelangan ko lang maalis sa sistema ko to para matapos yung isa kong Story 😂😂

His Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon