Contract 16

1.9K 42 4
                                    

"Miss One Mojito pls" Rinig ni Karylle na sigaw ng Babaeng kararating lang sa harap ng bar counter . Agad naman syang nag mix ng order .

Dalawang araw na ang nakalipas mula ng makabalik sila sa Syudad pero ito ang unang gabi ng pagbabalik nila ni Vice sa Trabaho dahil nagpasya silang magpahinga muna sa bahay nila ng nagdaang araw . Maghapon silang nanatili sa Bahay . At upang di Maboryo ay nagpasya silang magmovie marathon at ng magsawa ay Nagpasya na lamang silang mag cuddle .  Nakontento si Karylle sa ganun kahit na siguro habang buhay sila sa ganung sitwasyon ay gugustuhin ni Karylle na makulong sa mga bisig ni Vice .

"One tequilla" Napabalik naman sa ulirat si Karylle ng Biglang may Nagsalita sa Harap nya . At ng tinignan nya ito ay nakayuko ito at busy sa Pagkalikot sa Cellphone . Agad Naman syang kumuha ng naturang inumin saka ito ibinigay sa lalaki .

"Heres your order sir" Pag tawag atensyon nya sa customer . Napaawang naman ang labi nya ng makita kung sino ang nasa harap nya .

"M-Mr. Dantes ?"

"How are you K ?" He asked at ngumiti ito sakanya . Natulala naman sya lalo na ng ngumiti ito .

"Shit that dimples" Mahinang bulong ng utak ni Karylle di nya mawari kung Ngingiti ba sya pabalik dito o Tititigan nya nalang ito . Aaminin nyang matagal na nyang Crush ang dating amo . Mabait kasi ito sa mga empleyado at sadyang naakit sya sa Mga ngiti nito lalo na kapag lumalabas ang dimples nito idagdag pa ang makakapal na kilay nito . Ang landi Karylle sita ng isang bahagi ng utak nya . Napailing nalamang sya sa tinatakbo ng utak nya .

"K are you OK ?" Tanong ni Dingdong na Nag snap pa sa Harap nya .

"Ahm Y-yeah nagulat lang ako . Ano nga palang ginagawa mo dito ?" She asked composing herself

"Karylle di na ako magpapaligoy ligoy pa . Alam mong noon paman ay ikaw na ang pinakamagaling na bar tender para sakin . I want You Back again" Seryosong sabi nito saka mataman syang tinitigan

"I want you back lakas maka jowa girl" Singit nanaman ng maharot na Utak ni Karylle . Sandaling pinag isipan nya ang isasagot kay Dingdong ng bigla ulit itong Nagsalita .

"Pls K Comeback to Me . I mean to My Business" Pakiusap nito . Napabuntonghininga naman sya .

"Ahm Mr. Dantes Ano Kase . Alam mo namang nasa teritoryo ka ng kalaban mo sa Business diba ? Di ko kase matatanggap yung Offer mo . Vice Is y Friend and He is My ---"

"Im her Husband" Pagtuloy ni Vice sa dapat ay sasabihin ni Karylle using his Deep Voice . Napalingon naman si Karylle sa Gawi nya . Naka suot sya ng Maong Shorts na hanggang Tuhod at naka Black sweat shirt sya at ang buhok nya naman ay naka brush up . Mangha naman syang tinignan ni karylle mula ulo hanggang paa . Pero naputol ang pagpapantasya nya sa asawa ng Maangas na Hinarap ni Vice si Dingdong .

"Whay are you here"  Salubong kilay na tanong ni Vice

"Its none of your business" Sagot ni Dingdong

"Its my Business . What are you doing to my wife ?" Inis sa tanong ni Vice saka hinatak si karylle sa Bewang Upang ipakita rito na sakanya si Karylle .

"Nililigawan ko yung asawa mo" Nakangising sagot ni Dingdong

"Eh gago pala to eh" Akmang susugurin na ni Vice si Dingdong ng maagap syang napigilan ni Karylle .

"Mr. Dantes pls makaka alis ka na"

"Ok ok . Alam mo kung san ako pupuntahan pag nagbago isip mo" Sagot ni dingdong saka sya kinindatan at tumalikod na para umalis

"What was that again Karylle ?" Kunot noong baling ni Vice pagkatapos tanawin ang papalayong si Dingdong . Wala naman nasagot si Karylle dahil kahit sya ay naguguluhan sa biglang pagsulpot ni Dingdong .

His Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon