Contract 30

2.3K 59 7
                                    

Inis na napa buntong hininga si Karylle habang tinitignan ang monthly financial report ng bar . Wala namang problema because Valk is doing well in fact mas lumaki nga ang kita nito dahil simula ng mga pakulo nila ay dagsa ang naging costumer nila .

Muli ay inilibot nya ang paningin sa Buong opisina . Napakatahimik at tanging sya lang ang naroroon . Napaka ang paningin nya sa bakanteng table ni Vice . Napa buntong hining sya . Miss na miss na nya ang asawa . Tatlong araw na silang hindi nagkikita ni Vice dahil may Business trip itong pinuntahan . Naiintindihan naman nya iyon pero hindi nya maiwasan ang mangulila sa asawa .

Muli ay napa buga sya ng malalim na buntong hininga sa isiping sa loob ng tatlong araw ay hindi manlang sya naisipang tawagan ni Vice . Inis na inilaoag nya ang ballpen na hawak dahil pakiramdam nya ay wala syang matatapos na trabaho sa kakaisip kay Vice .

Ilang minuto na ang lumipas ng naka tulala lang sya ng mag ring ang telepono na naka lagay sa gilid ng lamesa nya kaya nabalik sya sa wisyo saka walang ganang sinagot ito .

"Hello . Ana Karylle Speaking" Walang ganang sagot nya sa telepono

"Mrs. Viceral this is AC airlines . We just want to inform you that your Flight is 7pm later"

"What ?" Gulat at nagtatakang tanong nya . "Wala akong pinapa reserve na kahit ano"

"See you later maam , Mr. Viceral is waiting for you" Sagot nito na hindi pinansin ang sinabi nya .

"Si Vice ?" Takang tanong nya pero wala syang nakuhang sagot "miss teka paanong --" Hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng marinig na nya ang pagkaputol ng linya . Nagtataka man ay napa kibit balikat nalang sya . Tinignan nya ang wrist watch na suot nya . Alas tres palang ng ng hapon may apat na oras pa sya para mag ayos at pumunta sa airport , kaya agad syang nag ayos upang maka uwi at makapag empake ng dadalhin nyang gamit .

-----------

Karylle's POV

Ilang beses na akong nahpaikot-ikot sa higaan ko pero hindi padin ako maka tulog . Ilang oras na anh lumipas ng makarating ako sa Singapore pero sigurado akong hindi Jetlag ang dahilan kung bakit hindi ako maka tulog .

Pagkalapag kanina ng eroplanong sinasakyan ko ay inaasahan kong si Vice ang sasalubong sakin ngunit nagkamali ako . Isang upahang driver lamang ang sumalubong sakin para ihatid ako sa hotel na tutuluyan ko . Hindi ko maiwasang mag asam na makakasama ko si Vice sa Hotel Room na ito pero muli ay nabigo ako dahil kahit sa hotel room ay wala si Vice .

Bumalikwas ako ng bangon saka humugot ng malalim na buntong hininga . Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko there's a part of me na ayaw ng umasa pero parang may nag tutulak sakin as if saying na konting tiis pa in the end magiging worth it ang lahat .

Loving Vice was hard . Hindi madaling mahalin ang Isang Jose Marie Viceral dahil sa dami ng issue na dapat harapin especially his past , The past that he Can't forget . The past that caused and keeps bringing him pain . I want to heal all of his wounds . Gusto ko syang protektahan mula sa sakit na nararamdaman nya kahit ang ibig sabihin nun ay masasaktan ako sa pag protekta sakanya .

Third Person's POV

Tahimik na nakikinig lang si Vice sa conference na nagaganap at panay ang sulyap nya sa relo . Ilang oras na simula ng mag umpisa ang dikusyon pero hanggang ngayon ay di parin ito tapos . Hindi sya mapakali sa inuupuan knowing na nasa kabilang room lang si K dealing with the investors ng Valk .

His Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon