Contract 5

1.7K 41 0
                                    

Kanina pa paikot ikot si Vice sa Opisina nya ng biglang pumasok si Billy .

"Bestie ! Anyare sayo ?" takang tanong ni Billy ng makita si Vice . Ni hindi nito naramdaman na pumasok sya .

"Bestie .. Kelangan ko ng tulong nyo" Aligagang sagot ni Vice na hindi pinansin yung tanong ni Billy .

"Huh ? Anong tulong ?"

"About sa problema ko . May sulusyon na Ako" Seryosong sabi ni Vice .

"T-teka Pano yung Proposal ni K ? Ilang araw na din syang umiiwas sayo tas ngayon may sulusyon ka na ?" naguguluhang tanong ni Billy .

"Yun na nga eh . Kelangan ko ng tulong ng barkada . But pls dont let her Know"

"Teka Anong ? -- You mean ?"  nanlalaking matang tanong ni Billy ng marealized yung ibig sabihin ni Vice .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"so whats With the pag iwas na ganap ?" tanong ni Anne sa Nakahigang si Karylle .

Kasalukuyan silang nasa Condo ni Anne para mag bonding , ilang araw na din kaseng umiiwas si Karylle kay Vice kaya pati sa Lakad ng barkada ay di ito nakakasama .

"Wala lang Im just giving the time hes asking for"

"What ? Ano ba Ana Karylle . Time ? Seriously sobrang time na yung binigay mo sakanya"

Tama nga naman si Anne Sapat na panahon na yung binigay nya kay Vice para makapag isip ito , pero ang hindi nya sigurado ay kung sapat na ba ang panahong yun para piliin sya ni Vice . Hindi sya sigurado sa bagay na yun kaya lihim na lang syang nagdadasal na sana pumayag na si Vice sa Inaalok nya . Alam nyang nag aalangan ito sakanya dahil sa pag amin nya na gusto nya ito . pero kahit ganun pa man sinikap nyang magkunwaring namamali lamang sya sa nararamdaman nya upang hindi ito tuluyang umiwas . Kung kinakilangang bumalik sya sa dating sitwasyon nya na lihim itong hinahangaan ay gagawin nya . Wag lang mawala sa tabi nya si Vice.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Mag isang naglalakad si Karylle sa Mall . Maaga kasing nagpaalam si Anne na di sya nito masasamahan dahil may importanteng lakad ito . Ganun din naman si Billy at Vhong . Si Coleen naman ang nasa school . At si Vice naman ay patuloy padin nyang iniiwasan upang makapag isip ito .

Paglabas nya sa pinasukang boutique ay Napahinto sya sa katapat na restaurant dahil may nakita syang pamilyar na pigura . Nakatagilid ito mula sa salamin . Agad naman syang napaiwas ng tingin ng makita nyang niyakap nito yung kasama nyang babae saka hinalikan sa Noo . Bago pa man lumabas ang mga ito sa restaurant ay tuluyan na syang lumabas sa mall . Gusto nyang umiyak pero pinipigilan lamang nya .

Di ko akalain na ganito pala kasakit yun peste ! Bulong nya sa sarili nya

Pagdating sa condo nya ay pasalampak nalang syang dumapa at doon ay tuluyan ng umiyak . Di nya alam kung pano sya nakauwi ng maayos . Ang alam lang nya ay dire diretso syang lumabas ng Mall . Nasa ganong sitwasyon sya ng mag ring yung cellphone . Agad nya itong kinuha at saka tinignan kung sino ang tumatawag and it was Anne . Wala daoat syang balak sagutin ito pero dahil paulit ulit itong tumatawag ay inis na sinagot nya yung cellphone .

"Anne not now !" paos na bungad nya dahil sa pag iyak

"What the eff karylle anong Not now not now ? And what happened to your Voice ?"

"wala lang to".

"tss pwede ba karylle just open this fuckin door bago ko tuluyang sirain to" inis na sigaw ni Anne

His Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon