Isang linggo na ang nakaka lipas mula ng ma confine si Shaqueena . Sa loob ng isang linggo ay bumuti na ang pakiramdam nito mula ng masalinan ng dugo . Mabuti na lamang ay hindi na ito kinailangan pang ipasok sa ICU dahil agad ding naagapan ang ang pagbaba ng Red Blood cells nito . Ngayon nga ay ang araw ng paglabas nito ng ospital .
"Queen wag ka munang maligalig kagagaling mo lang" saway ni Karylle kay Shaqueena na nakikipag harutan sa ama nito .
"But nikikiwiti ako ni papa" sagot ni Shaqueena habang tumatawa .
"PJ baka mabinat yan . Kailangan nya pang magpahinga" baling ni Kaylle kay Piolo .
"Relax miss ko lang tong bulilit na to no" sagot ni Piolo . Inirapan naman sya ni K dahil iniispoil nya nanaman masyado ang anak . Natawa naman si Piolo sakanya .
Pagkatapos Mag ayos ng mga gamit ay tuluyan na ngang dumiretso sina Karylle sa Hotel na tinutuluyan nila . Sabay sabay silang papasok ng hotel na magkahawak ang kamay . Ang kaliwang kamay ni Shaqueena ay hawak ni Karylle habang ang kanan nan ay Hawak ni piolo sa kaliwang kamay naman ni Piolo ay ang mga gamit ni Shaqueena . Nasa kalgitnaan sila ng paglalakad ng mapahinto sila ng masalubong nila si Vice . Hindi naman alam ni Karylle ang gagawin nya ng makitang nagsalit salit ang tingin nito sa kamay nya at sa kamay ni piolo na hawak ang magkabilang kamay ni Shaqueena (ang Gulo ba ?🤣)
"Vice san pupunta ?" Tanong ni Piolo . Tila natauhan naman ito kaya Napatingin kay Piolo saka Pilit na ngumiti .
"Sakto yung dating nyo . May pa Lunch yung mga ninong at ninang ni Shaqueena . Celebration daw since naka labas na sya sa Ospital"
"Ah talaga ba ? Sakto gutom na ako . Pero ihahatid ko muna to sa room ni K" sagot ni piolo saka ipinakita ang hawak na bag . Tumango naman si Vice bilang sagot .
"Ahh PJ sa room mo nalang yan and ako na din bahala sa ibang damit ni Queen" singit ni Karylle . Ngumiti naman ng nakaka loko si Piolo sakanya .
"Akala ko ba doon kami matutog sa room mo ?" Tanong ni Piolo . Nagulat naman si Karylle sa sinabi nito. Kunot noo nya itong tinignan .
"What are you talking about ?"
"Wala sabi ko ikaw na munang bahala kay Queen" natatwang sagot ni Piolo saka tumalikod na . Napailing nalang si Karylle dahil sa ginawa nito .
Pagkaalis ni piolo ay muli syang lumingon doon ay nagtama ang paningin nila ng naka kunot noo na si Vice . Saka nya lang na realize ang sitwasyon nya ngayon . Dapat ay hindi nya hinayaang umalis si Piolo . Hindi nya alam kung anong klaseng tingin ang ibinibigay sakanya ni Vice pero pakiramdam nya ang para syang inuusig . Upang maiwasan ang tingin ni Vice ay binalingan nya si Shaqueena .
"Let's go Queen . Punta tayo sa mga ninong at ninang mo"
"Weally ?" Excited na tanong ni Shaqueena . Tumango naman si Karylle bilang sagot .
"But wait mommy , should i call tito Vice o ninong Vice ?" Kamot ulong tanong ni Shaqueena ng mapalingon sya kay Vice .
"Call him nongnang"
"Just call me tito"Sabay na sagot ni Vice at Karylle . Nagpasalit salit naman ng tingin ni Shaqueena sakanilang dalawa . Habang nagkatinginan naman sina Vice at Karylle . Muli ay nakaramdam naman ng pagka ilang si Karylle kaya nag iwas sya ng tingin .
"Uhm excuse me ?" Singit ni Shaqueena na hinawakan pa si Vice sa kamay . Nakangiti namang tumingin si Vice dito saka umupo para mag pantay ang height nila ni Shaqueena .
"Call me tito Vice ok ?"
"Yow not my ninong ?" Naka pout na tanong ni Shaqueena . Hindi naman alam ni Vice ang isasagot nya kaya tinignan nya si Karylle na naka tingin din pala sakanya at inaantay ang sagot nya . Ngumiting alanganin si Vice kay Karylle kaya pinandilatan sya ng Huli saka Yumuko para pantayan si Shaqueena .
BINABASA MO ANG
His Contract Wife
Fanfiction"alam mo ba yang sinasabi mo Karylle ?" seryosong tanong ni Vice . Bahagya namang syang napalunok . Bagamat kinakabahan ay lakas loob na tinango nya ang kanyang ulo . Nakapag desisyon na sya and this time hindi na nya sasayangin ang pagkakataon . "y...