Pangalawang araw na nila sa Batanggas at ito din ang araw mg pagsunod ni Francis sakanila . Naghanda sila ng salo salo para sa pagdating ni Francis .
Kasalukuyang busy si Karylle sa Pagpapabalik balik sa kusina upang ihanda ang mga sangkap ng lulutuin nila ni Anne . Si Vice naman ay nakapangalumbaba lang sa Kitchen Counter na parang bata at sinusundan lang ng tingin ang bawat galaw ni Karylle .
"Ouch" daing ni Karylle ng mahiwa nya ang daliri nya dahil sa pagmamadaling mag hiwa . Dali dali naman syang nilapitan ni Vice saka tinignan ang sugat nya at ng makita nya na dumudugo ang daliri nitong nahiwa ay walang pag aalinlangan na isinubo nya ito saka sinipsip upang humina ang pagdurugo ng sugat . Saglit na napatitig si Karylle kay Vice at ilang sandali pa ay awkward na binawi nya yung daliri .
"Ah O-ok na" sabi nya sabay Tapat ng kamay sa kitchen sink para hugasan ito . Saglit na umalis naman si Vice at pagbalik nito ay may dala na syang Medical kit . Kinuha nito ang daliri nyang nasugatan saka tinignan . Nagsalin ito ng betadine sa bulak saka marahan na idinampi sa sugat nya . Tahimik na pinagmamasdan lamang nya ang pang gagamot nito sakanya .
"Hayy bat kase kailangan magmadali yan tuloy" sabi nito bago tuluyan lagyan ng band aid ang sugat nya . Napangiti naman sya dahil dun .
"Ano ba Vice . Syempre parating na si Francis malamang gutom yun sa haba ng byahe" paliwanag ni Karylle bago iligpit ang medical kit .
"Tss gano ba sya kaimportante at kailangan paghandaan ng bongga" bubulong bulong na sabi ni Vice na di naman nakaligtas sa pandinig ni Karylle . Nakangiting umupo sya sa tapat nito saka ginaya ang nakapangalumbaba nitong itsura . Natatawang pinagmasdan nya ito .
"What ?" Tanong ni Vice na mas lalo pang ngumuso pakiramdam nya kase ay inaalaska sya ni Karylle .
"Hahaha ang cute mo . Are you jealous ba ?" Natatawang tanong ni Karylle saka ngumiti ng mapang asar
"Tss Whatever tandaan mo ako ang may ari ng resthouse at hindi sya" inis na sagot ni Vice . Tumango tango naman si Karylle Bilang sagot . Nangingiti naman syang tinignan ni Karylle saka bumalik sa pagluluto .
Wala namang nagawa si Vice kundi tignan lang ulit si Karylle na busy sa pagluluto . Ng mapansing napaka busy ni Karylle ay napag pasyahan na lang nya na pumunta sa Labas which is andun din si Anne at Vhong na busy sa pag iihaw ng seafoods na nabili nila sa Bayan . Napasimangot naman sya dahil sobrang busy ang mga kaibigan nya sa paghahanda para kay Francis . Inis na umupo sya sa Beach chair saka kumuha ng bato padabog nya itong binato . Inis na napahiga nalang sya sa kinauupuan ng mapansing busy padin ang mga kaibigan nya .
"Huy bestie" sigaw ni billy na bahagya pa syang itinulak na ikinagulat naman nya .
"Pota naman Bestie bat ka ba nang gugulat ?"
"Para ka kasing tanga . Kanina ka pa nag mumukmok jan" natatawang sabi ni Billy saka umupo sa katabing beach chair
"Tss kase naman kung makapag pa piging yang mga kaibigan mo kala mo presidente ang bibisita" kunot noong sagot nya
"Sabihin mo nagseselos ka lang"
"Ako nagseselos ? Kanino tss" depensa ni Vice na napabangon mula sa pagkakahiga .
"Wag ka na mag maang maangan brad . Alam mo kung sino at kanino" sagot ni Billy saka pumunta kila Anne para Pumapak ng mga naihaw na
--
Pagkatapos maghanda ay nag kanya kanya na silang ayos . Simpleng White sando and white short lang ang suot ni Karylle . She's busy fixing herself in the mirror . After fixing herself ay excited na lumabas sya kuwarto nila ni Vice . Yep magkasama sila ni Vice sa kuwarto just like on thier house .
BINABASA MO ANG
His Contract Wife
Fanfiction"alam mo ba yang sinasabi mo Karylle ?" seryosong tanong ni Vice . Bahagya namang syang napalunok . Bagamat kinakabahan ay lakas loob na tinango nya ang kanyang ulo . Nakapag desisyon na sya and this time hindi na nya sasayangin ang pagkakataon . "y...