Contract 38

1K 30 10
                                    

Iritang na winasiwas ni Vice yung Twalya nya saka ito isinabit . Pagkatapos ay padabog na umupo sa kama . Mas lalo pang nakaramdam ng pagka irita si Vice ng marinig ang mahinang pag tawa . Tinignan nya ng masama si Christian na nag aayos ng mga hihigaan nito . Kasalukuyan kasi itong naglalatag ng comforter sa sahig upang mahigaan . Hindi sya makapaniwalang mas pinili ni Karylle na pagsamahin sila ng kuwarto ni Christian .

"If you're really uncomfortable pwede naman akong bumalik nalang sa Kabilang room" patbubukas paksa ni Christian .

"At sa tingin mo hahayaan kong makasama mo sa iisang kuwarto yung mag ina ko ?" Naka simangot na tanong ni Vice . Natawa naman si Christian . Akmang magsasalita pa sya pero agad din itong nag seryoso at nagsalita .

"You don't have to feel uncomfortable . Since lilipat din naman ako ng room bukas"

"Mabuti naman at naisip mo yan" sagot ni Vice saka nag roll eyes . Lalo namang nainis si Vice ng nagkibit lang ito ng balikat . Inis na nahiga na lamang sya at nagtalukbong ng Kumot .

Ilang sandali pa ay nabasag ang katahimikan ng kuwarto ng mag ring ang cellphone ni Christian . Nakiramdam naman si Vice at pinilit na huwag gumalaw sa kinahihigaan nya .

"Hello K ?" Sagot ni Christian . Naging alerto naman si Vice pagkarinig ng pangalan ni Karylle .

"Right now ?"
"Yeah i'm done"
"Sige papunta na ako"

Rinig ni Vice na sabi ni Christian sa masiglang tinig . Naikuyom naman nya ang kamao nya . Gustong gusto nyang bumangon para pigilan sa paglabas ng kuwarto si Christian pero pinigilan nya ang sarili nya . Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya .

Pagkarinig nya na lumabas na si Christian sa pinto ay inis na bumangon sya saka ibinato ang unan nya sa pintuang nilabasan ni Christian .

Ilang minuto syang nagpagulong gulong sa higaan na parang sa paraan na yun ay matatanggal yung inis na nararamdaman nya . Gusto nyang magwala pero alam nya naman na pag ginawa nya iyon ay lalo lang itong ikagagalit ni Karylle at baka maging mas malabong mabawi nya ang loob nito . Alam nyang nasaktan nya ito noon pero pinag sisisihan na nya ang lahat ng iyon . Gusto nyang bumawi pero hindi sya hinahayaan ni Karylle .

Inis na bumangon sya saka dumiretso sa kabinet na kinapapatungan ng TV . Binuksan nya ang isa sa pinto saka kumuha ng isang stick ng yosi at lighter pagkatapos ay dumiretso sya sa terrace ng hotel room nya .

Matagal na din simula ng itigil nya ang bisyong ito pero mula ng nagbalik si Karylle ay hindi na nya alam kung anong nangyari . At ito lamang ang nakakapag pawala sa lahat ng frustrations nya .

Umupo sya sa ratan chair na nasa terrace saka tumanaw sa dagat na nasa harap nya . Humithit sya sa sigarilyong hawak saka ibinuga ang usok kasabay ng buntong hininga . Inilibot nya ang paningin nya . Pasado alas nuebe na pero maliwanag parin ang Paligid may ilan ding nag na- night swimming . Kung titignan ay mukang napakasaya ng mga taong nakapaligid sakanya and here he is nagmumukmok . Pakiramdam nya ay pinag sakluban sya ng langit at lupa dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman nya . Gusto na nyang sumuko dahil pakiramdam nya ay mababaliw na sya anytime . Hindi na din nya alam kung ano ang dapat gawin . Pero sa tuwing naiisip nya ang anak ay hindi nya magawa ang sumuko . Ayaw nyang lumaki ang anak nya na hindi buo ang pamilya dahil alam na alam nya ang pakiramdam noon . Ayaw nyang iparanas dito ang naranasan nya noon .

Muli humithit sya sa sigarilyong hawak saka Malayong tumingin pero halos Lumuwa ang baga nya ng mabilaukan sya dahil sa dalawang taong tanaw na tanaw nya . It was Karylle with Christian . Nangunot pa ang noo nya ng makitang karga karga ni Karylle si Baz . Kung titignan ay muka silang isang buong pamilya . Karga ni Karylle si Baz habang naka back hug naman si Christian kay Karylle .

His Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon