Contract 39

1.2K 28 8
                                    

"Teka nga Stop !" Iritang sigaw ng coordinator . Bumuntong hininga naman si Karylle saka inihanda ang sarili sa talak na matatanggap mula sa Coordinator .

"Jusko naman pangatlong araw na ng practice ito At hanggang ngayon kayo padin yung paulit ulit na Pinoproblema ko"

"Sorry" sagot ni Karylle na parang batang pinagalitan ng nanay .

"Jusko Ano ba naman yung ngumiti kayo . Smile ganun yung malaki" sermon nito

"Hindi na mauulit" sagot ni Vice . Napa roll eyes naman yung coordinator sakanila.

"Alam nyo kung ano man yang issue nyo i settle nyo muna yan . My god sa susunod na linggo na yung kasal pero walang improvement sainyo" sabi ng coordinator saka nagtawag ng break . Agad namang naglakad papalayo si K sa dapampasigan . Tatambay na lamang sya sa Sa duyan na naka sabit sa magkabilang puno ng buko dahil nandoon din si Baz kasama ang nagbabantay rito na katiwala nina Anne . Kinuha nya si Baz mula rito saka ito ikinalong sa duyan .

Apat na araw na din simula ng makarating sila sa private house nila Anne . Isa itong maliit na isla na pagmamay ari nila Anne kay sila sila lang ang naroroon at ang iba pang mga bisita nito kasama na ang magulang ni Vhong at Anne .

Mula ng dumating sila sa isala ay pinili ni Karylle na iwasan si Vice dahil galit parin sya rito ganun din naman ang huli dahil hindi nya rin alam kung paano manghihingi ng tawad kay Karylle . Wala dapat syang balak na mapalapit kay Vice hanggang matapos ang kasal nina Vhong at Anne pero sadyang mapaglaro ang author dahil may kanya kanya ng partner ang mga kaibigan nila ay sila na lamang ang naiwan sa grupo nila kaya sila na rin ang napili ng coordinator na maging magka pareha .

"K can we talk ?" Rinig ni Karylle mula sa likod nya  ng lingunin nya ito ay nakita nya si Vice . Seryoso lang itong naka tingin sakanya . Bumuntong hininga sya saka tumango . There's no point kung tatanggihan nya ito because alam nyang ito ang kailangan nilang dalawa . Kailangan nilang mag usap para sa kaayusan ng kasal ng mga kaibigan nila .

"Ate Jaki paki dala muna si Baz sa Loob" paki usap ni Karylle sa Katiwala saka inabot si Baz dito .

"Karylle .." tawag ni Vice kay Karylle pagka alis ni Jaki saka umupo sa buhangin katabi ng duyan tinaasan naman sya ng kilay ni Karylle . "G-gusto ko lang mag sorry sa mga nasabi ko nung nakaraan" nakayukong sabi ni Vice . Ilang sandaling katahimikan ang dumaan kaya ng hindi na makatiis si Vice ay tinignan nya si Karylle at nakita nyang naka kunot noo lamang itong naka tingin sakanya . Pagkaraan ng ilang sandali pa ay saka ito nagsalita .

"Do you think ganun lang kadali yung Vice ?"

"I know sumobra ako sa mga nasabi ko but believe me Karylle hindi ko sinasadya na masaktan ka . I'm so sorry ... I'm really sorry" pakiusap ni Vice na tinignan si Karylle sa mata pero wala syang makitang emosyon . Ilang sandali pa ay tumawa ito ng pagak .

"Vice hindi ka pa ba napapagod ?" Tanong nito na ikina kunot noo naman ni Vice . "Ilang beses mo ba ako sasaktan ng hindi mo sinasadya ? Ilang beses ka pang hihingi ng sorry na parang damit na kahit ilang ulit mapunit ay tatahiin mo lang pagkatapis ay ok na ?" Natahimik naman si Vice sa Sinabi ni Karylle . Tama nga naman ito mula noon hanggang ngayon paulit ulit nlang syang nanghihingi ng tawad sa iisang dahilan . Dahil nasaktan nya si Karylle . Paulit ulit nyang nasasaktan yung taong sinasabi nyang mahal nya .

"I understand K but i really mean it .. I'm sorry" sagot ni Vice saka mataman na tinitigan si Karylle "But Karylle pwede cease fire muna ? Ayokong masira yung kasal ng kaibigan natin because of us"

"Us ?" Naka kunot noong sagot ni Karylle "kanino kayang kasalanan yun ?!" Naka roll eyes na bulong ni Karylle pero narinig naman sya ni Vice .

"Karylle please ?" Sabi ni Vice sa nakiki usap na tinig .

His Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon