Contract 19

2.2K 50 11
                                    

Nakatulalang nakadukdok lang si Karylle sa Veranda ng Kuwarto nila ni Vice habang pilit na sinasalo ang bawat pumapatak na butil ng ulan sakanyang palad .

Kasalukuyan kasing may bagyo at hindi naman sya makalabas ng bahay dahil sa lakas ng ulan . Nag umpisa na din magbaha sa mga kalsada dulot ng malakas na ulan mula ng nagdaang gabi . kaya wala syang magawa kundi mag mukmok na lamang at pagmasdan ang bawat patak ng ulan mula sa Veranda .

"Hey whats with the long Face ?" Tanong ni Vice saka tumabi sakanya

"Nabobored na ako dito sa bahay . Can we go out ?"

"Seryoso Teh ? Gusto mo mag swimming sa baha ?" Natatawang tanong ni Vice . Napabuntong hininga naman si Karylle . Niyakap naman sya ni Vice from her back

"Nakakamiss maging bata . Yung tipong malayang tumampisaw sa Ulan" Naka pikit na bulong ni Karylle

"Tampisaw ? Means maliligo sa ulan ?" Takang tanong ni Vice kaya napadilat si Karylle at hinarap ito .

"Yah . Don't tell me di mo pa na tatry maligo sa ulan ?" Gulat na tanong ni Karylle . Umiling namam si Vice bilang sagot

"When i was a child im not allowed na lumabas . Kailangan ko mag aral para maging proud si Mommy sakin . Even in my teenage life wala akong oras para magpaka bata since my mom left me i have to work hard para mabuhay ako until Lolo Gonzalo found me . And the rest alam mo na yun" Malayong tanaw na sagot ni Vice . Nalungkot naman si Karylle sa narinig .

Muli nyang tinanaw ang kapaligiran na nakikita nila mula sa Veranda . Mag aalas diyes palang ng umaga pero napakadilim ng paligid dahil sa Maulap na kalangitan malabo na din ang ibang bahagi ng Syudad dahil sa lakas ng buhos ng ulan . Abala sya sa pag mumuni muni until memorie came flashing in her mind . Napangiti sya saka hinwakan ang Kamay ni Vice and dragged him out of their Room .

"T-teka lamg karylle huy san tayo pupunta ?"

"Ipapa Experience ko sayo yung mga bagay na di mo naranasan" Naka ngiting sagot ni Karylle saka hinila si Vice papuntang Poolside . Agad na tumungo si Karylle sa Parte kung saan hindi nasisilungan at inumpisahang enjoyin ang buhos ng ulan .

"Hoy Karylle ano bang ginagawa mo ?"

"Vice tara na" Tuwang tuwang aya ni Karylle na nagsimula ng magtatatalon

"Ayoko halika na dito . Baka magkasakit ka"

"No . Come and get me Vice . Pag nahabol mo ako saka lang ako papasok jan" Nang aasar na tugon ni Karylle . Ilang sandaling natahimik si Vice bago napag pasyahang unti unting Sumuong sa Ulan . Napangiti sya ng maramdaman ang patak ng ulan sa balat nya .

"Viceee" Natatawang tawag ni Karylle . Binalingan naman sya ni Vice saka unti unting lumapit kay Karylle . Naalarma naman si Karylle kaya inumpisahan nya ang pagtakbo palayo kay Vice . Naghabulan sila ng di nila namalayan na malaya silang tumatawa na parang mga bata at dinadama ang malakas na buhos ng ulan .

Napatili si Karylle ng tuluyan na syang maabutan ni Vice . Niyakap sya nito wala namang syang ginawa para kumawala dito . Ikinawit nya nalang ang braso sa leeg nito saka naka pikit na tumingala . Ginaya naman sya ni Vice . Tumingala din ito ipinikit ang mata . Parehas nilang dinama ang ulan . Makalipas ang ilang minuto ay unti unting dinilat ni Vice ang mata at nang ibalik nya ang tingin kay Karylle ay nakita nyang naka ngiting nakatitig sakanya ito .

"Are you happy ?" Tanong ni K . Napatango naman si Vice bilang sagot .

"Wait sulitin na natin to" Natatawang tugon ni Karylle saka hinila si Vice sa edge ng Pool . "In 3 2 1" Sigaw ni Karylle saka Hinila si Vice patalon sa Pool .

His Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon