Contract 3

2.1K 45 1
                                        

"Bruh ano ba yang Sinasabi mo ?" Tanong ni Vhong na napatayo pa sa kinsuupuan . Nginitian lang naman sya ni Karylle at saka binalingan si Vice .

"Vice  .." Tawag nya sa nakayukong si Vice na tila malalim yung iniisip . Ng mag angat naman ito ng tingin ay nagkatitigan sila , nakikita nya sa Mata nito ang pagkalito at nagtatanong na tingin nito .

"Bruh mag usap nga muna tayo" singit ni Vhong Bago hilain si Karylle papunta sa Kitchen . Ng makarating sa kusina ay agad na kumuha ng tubig si Vhong sa Ref. Saka nag salin sa baso at iniabot ito kay K .

"Now tell me , ano bang pumasok sa isip mo at nag Volunteer kang maging Contract Wife ni Vice ?" mahinahong tanong ni Vhong na halatang nagpipigil lang sumigaw .

"Bruh alam mo naman diba ?" malungkot na sagot ni Karylle

"Karylle naman ! Alam mo namang Malabo yung Chance mo eh , masasaktan ka lang" Pigil inis na Bulong ni Vhong

"Mahal ko sya eh" naka yukong sagot ni Karylle

"K kakabati nyo lang tas papasok ka nanaman sa Kumplikadong Bagay . Baka dahil sa padalos dalos mong desisyon tuluyan syang mawala sayo" pag papaalala ni Vhong

"I Know Vhong . Pero kung mangyayari man yun sisiguraduhin kong naipaglaban ko yung pagmamahal ko sakanya."

"Karylle naman eh!" nanhihinang maktol ni Vhong.

"Pls Bruh.  Suportahan mo naman ako dito" pakiusap ni Karylle

"Alam mo Diskumpyado talaga ako sa plano mong yan eh.  Ikaw lang yung paulit ulit na masasaktan" pailing iling na sagot ni Vhong

"Hayy alam ko naman na may possibility na mangyari yan eh . Pero Bruh naman eh , Mahal ko sya kaya Hanggat may Chance pa , Gagawa ako ng paraam para iparamdam sakanya yungpagmamahal ko."

Napailing nalang si Vhong dahil sa katigasan ng ulo ni Karylle . Alam nyang di na ito magpapa pigil once na nakapag desisyon na ito . Marahang tinapik nya si karylle sa Balikat at saka nauna ng maglakad palabas ng kitchen . Nakangiti namang sumunod si Karylle sakanya .

Paglabas nya ay agad syang hinila ni Vice palabas ng Condo . Sumunod naman sila Anne , Vhong at Billy para Awatin si Vice pero Agad din naman Silang pinigilan ni Vice at sinabing Mag uusap lang sila . Wala namang silang nagawa kundi bumalik sa Condo ni Vice .

Samantala Pagdating sa Parking ay agad silang sumakay at Tahimik na pinaandar Ni Vice yung kotse . Tahimik na pinapa kiramdaman lang ni Karylle Si Vice . Di sya sanay na sobrang tahimik nito . Pakirdam nya babalik nanaman sila sa dati at hindi nanaman sya papansinin nito . Ilang sandaling katahimikan pa ay di na nakatiis si Karylle Humarap sya kay Vice para kausapin ito .

"Vice" tawag nya pero wala syang nakuhang Response

"Uyy Vice" tawag nya ulit at sinundot sundot pa yung tagiliran nito .

"Ano ba Karylle wag kang magulo maaksidente tayo" Saway ni Vice na umiiwas sa pagsundot ni Karylle .

"Kase naman eh . Wala ka nanamang balak na pansinin ako" naka ngusong Sagot ni Karylle saka Umayos ng upo . Tanging "Tsk" lang ang nakuha nyang sagot mula kay Vice .

Nakatitig lang si Karylle sa Dash Board ng Kotse at tila malalim ang iniisip . Hindi nya namalayan na nakhinto na yung kotse at nakalabas na si Vice patungo sa side nya . Nagulat pa sya ng kinalabit sya Ni Vice .

Agad syang lumabas ng Kotse At ang sumalubong sakanya ay ang malamig na simoy ng Hangin . Napangiti sya matagal ns rin ng huling pumunta sila sa lugar nayun . Napangiti sya dahil kitang kita yung dagat at ang papalubog na Araw . Nasa Beach House sila na pagmamay ari ni Vice .

Napa pikit ulit sya at inalala yung mga pabahong naging Tambayan nilang Magbabarkada to way back in High School . Nung mga panahon na nalaman nila ang Kung sino talaga si Vice . First Year High School Ng Makilala Nila ni Vhong Si Vice . He was So Cold kaya wala syang Kaibigan Maliban nalang kay Billy na laging naka buntot kay Vice . Naging kaibigan nila si Billy pero nanatiling iwas si Vice Sakanila . Until something happend na naging dahilan para lalong maging Cold si Vice . Hindi na ito pumapasok sa School Ni hindi nila ito mahagilap . Until one day Nagmamadaling hinatak sila mi Billy at saka nag Drive papuntang Beach House . And there nakita nila si Vice na walang malay at basang basa . Tinangka nitong magpakalunod pero may Naka kita dito kaya agad syang nailigtas . Simula ng araw na yun pinangako nya sa sarili na Magiging mabuting kaibigan sya kay Vice at Gagawin nya ang lahat para sumaya ito . Nasa tabi sya palagi ni Vice nung panahong wala itong matakbuhan . Hanggang isang araw pumasok ito na may dala dalang white rose . Nagulat sya ng inabot nito sakanya yung Rose , sinabi nito na pasasalamat nya yung sakanya . Simula ng araw nayun naibalik yung masayahing Vice na nakilala ni Billy at naging masaya Yung barkada nila lalo na at nakilala nila si Anne .

"Huyy karylle kanina ka pa tulala jan" naputol ang mahabang pag tothrowback ni Karylle ng Sigawan sya ni Vice mula sa Kusina .

"ah eh ano kase eh . Pwede na ba tayong mag usap ?" lakas loob na tanong nya

"Sige tulungan mo nalang akong dalhin tong dinner natin sa Rooftop" nagtataka naman nyang tinignan yung relo nya past 7pm na pala . Mahaba haba din pala syang wala sa hulog . Saglit na pumikit sya saka Pumuntang kusina para tulungan si Vice sa pagdadala ng Kakainin nila .

Pag karating sa Rooftop ay tahimik lang si Vice at Karylle habang kumakain . Kung gaano kalakas yung loob nya ng mag volunteer sya bilang contract wife ni Vice ay ganun naman sya naduduwag ngayon . Pakiramdam nya nawala yung lakas ng loob na inipon nya sa loob ng mahabang panahon . Panaka naka nyang sinusulyapan si Vice na tahimik na kumakain habang nagpipipindot sa Cellphone . Tanging pagsulyap lang ang ginawa nya hanggang matapos silang kumain . Natatakot syang tanungin si Vice . Ayaw nyang ma Reject ni Vice .

Nagtaka sya ng biglang tumayo si Vice at pumunta ito sa Railings ng Terrace . Tahimik na nag sindi Ito ng sigarilyo . Napag pasyahan nyang sundan ito at iwan ang pagkain nya . Tahimik lang ito na nakatanaw sa ilaw sa dagat na nagmumula sa Bangka ng mga mangingisda .

"Bakit ?" nagulat sya ng biglang magsalita si Vice pero agad din nangunot ang noo nya sa Tanong nito .

"Huh ?" naguguluhang tanong nya .

"Why your offering yourself to be my Contract Wife ? Tell me ano ba talagang balak mo  ?" seryosong tumingin ito sakanya kaya bahagya syang napayuko kasabay ng pagbintong hininga .

"Youre my Friend . Gusto kong makatulong sayo and i know na madami ang mawawala sayo . Baka pag nangyari yun bumalik ka sa dating ikaw when i met you" nakayukong paliwanag ni K

"Wala na sya . Kung ano man ang mangyari sa ngayon wala na syang kinalaman dito" kunot noong sagot ni Vice .

"But Noon She was everythng For you . At nag iba ka ng mawala sya . Ngayon natatakot akong bumalik ka sa Kalagayan nayon dahil nanganganib na mawala sayo ang lahat"

"magkaiba yung noon sa ngayon karylle . Materyal na bagay lang yung mawawala sakin ngayon kayang kaya ko gawan ng Sulusyon" mariing sagot ni Vice

"Tell me How ? Ni hindi mo nga kayang humalik ng ibang babae eh . Alam mo kung ano yung kundisyon sa last will ng lolo mo , kaya Vice pag isipan mong mabuti" pagpipilit padin ni Karylle

"ano ba Ana Karylle ?! Ikaw nga yunt mag isip ! Akala mo ba ganun lang kadali yun ?" kontra ni Vice na halatang naiinis na .

"Pls Vice . Kahit i Cnsider mo lang ako as one of your Options ."

"Tss Give me some time . Pag iisipan ko . But t doesnt mean na approved na ako jan sa idea mo" malamig na tugon ni Vice bago naglakad papuntang hagdan . Naiwan naman si K na malungkot na napangiti habang nakatanaw sa dagat .

"kahit Option lang di ka nya magawang tanggapin . Pano pa kaya yang pagmamahal mo ?" malungkot na bulong nya sa sarili bago punasan yung luhang di nya napansin na nakawala sa kanyang mata .















-@viceryllemae

His Contract WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon