Isang linggo na ang lumipas pero di padin nagpaparamdam si Vice .
Unti unti ng nawawalan ng pag asa si Karylle dahil sa Naging Pag iwas ni Vice sakanya na labis naman na ikinasakit ng damdamin nya .
"ano bruh tulala nanaaman ?"
"Ha ? Wala to" sagot nya na tila wala sa Hulog
"Ano bruh suko ka na ?" tanong ni vhong saka umupo sa tabi nya .
"Hindi Vhong hindi ako susuko" Sagot nya
"Yun naman pala eh . Kung gusto mo talaga gumawa ka ng paraan . Wag kang mag antay lang baka mapunta pa sa iba" nakangitin payo ni Vhong
Napaisip naman sya sa sinabi ni Vhong . Tama nga ito sa Loob ng Isang linggo wala syang ibang ginawa kundi mag mukmok at maghintay sa sagot ni Vice . Hindi sya gumawa ng paraan para kumbinsihin ito .
"Hoy bruh san ka pupunta ?" tanong ni Vhong ng bigla syang tumayo sa kinauupuan .
"Gaya ng Sabi mo Hindi dapat ako basta mag hintay lang" sagot nya saka tuluyang nagpaalam kay Vhong .
----------------
Maingay na tugtugin at Usok ang bumungad kay karylle pagpasok palang nya sa entrance . Dirediretso syang naglakad papuntang counter . May ilang nagpapapansin sa kanyang lalaki pero di nya ito pinapansin . Hindi ito ang pakay nya sa pagpunta roon .
"Ate K" sigaw ni Coleen pagka kita sakanya saka sya nito niyakap .
"Long time no see Choleng" naka ngiting sagot nya . Matagal tagal na din kase ng huli syang pumunta sa lugar na iyon kaya naman tuwang tuwa sya ng makita si Coleen . Si Coleen ang pinaka bata sa grupo nila pero kahit ganun nagawa naman nitong makipag sabayan sa trip nila kaya madaling nakagaanan nila ng loob ang isat isa .
"Ate K bat ka nga pala napunta dito ?" tanong ni Coleen na nakapag pabalik sa wisyo nya .
"Ah , Where is he ?" tanong nya na agad naman na gets ni Coleen .
"Nandun sa Office nya . Mainit yung ulo kaloka halos lahat kami dito binugahan nya ng apoy"
"Alam mo naman yun pag stress lahat gusto damay"
"Sige na ate K werk werk werk muna ako baka makita pa nya ako dito di ako pasahudin ng isang taon" pagpapa alam ni Coleen na ikinatawa naman ni K
"Sige na pupuntahan ko din naman sya sa office nya eh"
"Kitakits next time" tumango naman si Karylle bilang sagot bago tuluyang nagpaalam .
Naglakad na sya patungo sa opisina nito . Hindi nya alam kung bakit pero pakiramdam nya nawala yung lakas ng loob nya . Habang papalapit sya sa pinto ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib nya . Ilang minuto muna syang nakatayo sa harap ng pinto ng opisina nito . kumatok ng tatlong beses bago tuluyang pumasok . Nadatnan nya ito na tutok sa mga papel sa lamesa nito at kunot noong nakatingin dito .
"Whats With the kunot noo ?" tanong nya na ikagulat nito .
"What are you doing here ?" kunot noo paring tanong nito
"wow vice ganyan ka na ba ngayon bumati ng mga bisita mo ?" natatawang tanong ni Karylle
"Ano ba wag ngayon pls andami ko pang dapat tapusin na trabaho"
"tsk ano ba kase yan para matulungan kita"
"nag iisip kase ako ng magandang gimik para dito sa bar pero walang pumapasok sa kokote ko" sagot ni Vice na napahilamos ng kamay sa muka .
"ahuh . May idea na ako kung anong gimik ang pwede mong gawin para maka hakot ng customers" tuwang tuwang sagot ni Karylle .
"ano naman yun ?" tila di kumbinsidong tanong ni Vice
"Basta send ko sayo bukas may konting revision lang akong gagawin" naka ngiting sagot ni K kaya napatango nalang si Vice
"and nga pala yung about sa Sinabi ko sayo . Nakapag desisyon ka na ba ?" agad naman nag iwas si Vice ng tingin sakanya at saka bumuntong hininga . Di nya alam pero ng makita nya ang reaksyon nito ay nasaktan sya . Hindi ka padin talaga nya ma consider as an option So why your still pushing yourself on him ? Napa pikit sya sa naisip pero lakas loob na dinilat nya ang mata saka mataman na tinignan si Vice na tila hindi kumportable .
"Hindi mo padin kinokosider ?" tanong nya na halos pabulong nalang
"Ah - ano kase eh . Karylle Can you give me some more time ?"
"Shit Vice One week ! One week had passed and you only have 2 weeks bago ma finalized yung revision ng last will ng lolo mo" di napigilang sigaw ni Karylle .
"Bakit sa tingin mo ganun kadali sakin to Karylle ? Na matutulog akong Bakla tas kinabukasan gigising akong kelangan ko ng magpakasal sa Babae ? Sa tingin mo madali para sakin na Mawawala lahat ng pinaghirapan ko dahil lang sa Pag hindi ako nagpa kasal ?" Naluluhang tanong Ni Vice kaya natauhan naman agad si Karylle at pinkalma ang sarili .
"Im Sorry , i just wanna help you But hindi ko naisip yung nararamdaman mo all i knew was kelangan kitang tulungan" nakayukong sagot nya
"Jusko Karylle . Kung ganun lang kadali magpakasal sa babae para sakin di kita tatanggihan eh . Pero alam mo naman na ni minsan hindi ko pinangarap magpakasal sa babae . Bakla ako at kung may gusto man ako lalaki yun" Napayuko naman lalo si Karylle dahil sa narinig mula kay Vice .
"Ok i think kelangan mo muna talaga pag isipan mabuti . But sana sa pag balik ko Nakapag desisyon ka na" pigil luhang sagot Ni Karylle bago tuluyang lisanin Yung opisina ni Vice .
Naiwan naman si Vice na napasubsub sa Lamesa . Shit Vice kelangan mo na talagang magdesisyon ! Inis na bulong nya . Sa isang linggo na lumipas na pag iwas nya kay Karylle ay pilit syang naghahanap ng ibang sulosyon sa problema nya at iniwasan nya din si Karylle para makapag isip sya pero parang nananadya ang tadhana at parang kinulong sya sa isang trap at si Karylle lang ang tanging sulusyon nya . Pilit man syang maghanap ng ibang paraan pero tanging kay karylle padin sya bumabagsak .
Supeeerrr slow update .
- not edited may contain typos and grammatical errors
------------@viceryllemae------------
BINABASA MO ANG
His Contract Wife
Fiksi Penggemar"alam mo ba yang sinasabi mo Karylle ?" seryosong tanong ni Vice . Bahagya namang syang napalunok . Bagamat kinakabahan ay lakas loob na tinango nya ang kanyang ulo . Nakapag desisyon na sya and this time hindi na nya sasayangin ang pagkakataon . "y...