"Vice pumasok ba si Iza ?" Tanong ni Karylle pagkapasok ng Office nila . Kakatapos nya lang mag check ng stock sa Bar Counter pero hanggang ngayon ay hindi nya parin nakikita ni anino ni Iza .
"Hindi yata sya pumasok" Sagot ni Vice saka tinignan si Karylle . Nakita nya naman na mukang nag aalala ito para kay Iza . "Baka may sakit ?!" Dugtong nya para kahit papano ay mapanatag ito .
"Hindi sya sumasagot sa tawag ko" Nag aalalang sabi ki Karylle kasabay ng pagbaba ng Cellphone nya . Nilapitan naman sya ni Vice para yakapin .
"Wag ka ng mag alala baka nagpapahinga lang yun" Pag aalo ni Vice kay Karylle . Napabuntong hininga naman si Karylle saka ngumiti kay Vice .
-------
Naka ilang katok na si Karylle sa Condo ni Iza pero hanggang ngayon ay wala pading sumasagot sakanya .Nagsisimula na syang maparanoid Kaya nagpasya nalang syang tawagan si Anne nagbabamasakali na magkasama ang dalawa .
"Hello K ?" Sagot ni Anne sa kabilang linya .
"Hello Anne ?! magkasama ba kayo ni Iza ?"
"Huh hindi . Hindi nga sya nag sumasagot sa tawag ko eh and hindi rin sya nag rereply sa text ko"
"Shit ! Andito ako sa tapat ng condo nya and walang sumasagot" Lalong nag aalala na sambit ni Karylle .
"My god . K kunin mo na yung spare key sa lobby baka kung ako ng kagagahan ginawa nun" Nag aalalang sabi ni Anne "I'll be there in 30 minutes" Dugtong pa nito
Pagkababa ay ng tawag ni Anne ay sinubukang muli ni karylle na tawagan ang Cellphone ni Iza pero hindi na nya ito ma contact dahil wala na syang load ... Chaaar .. Nakapatay na pala ang cellphone nito . Kaya dali daling nagtungo si Karylle sa lobby para kunin ang spare key ng unit ni Iza .
Kabadong pumasok si Karylle sa Unit ni Iza at ang unang bumungad sakanya ay ang katahimikan ng Unit . Inilibot nya ang paningin sa sala at nakita nyang wala namang kakaiba dito napaka ayos nito kaya naman nagpasya syang pumunta sa Kuwarto nito pero wala din syang nadatnan doon . Hinalughog nya ang mga Cabinet na naroon maging ang walk in Closet ni Iza pero laking pagtataka nya ng wala ang mga gamit ni Iza doon .
Bagsak ang balikat na nagtungo sya sa Kitchen ng kondo ni Iza para uminom ng tubig . Pakiramdam nya kase ay matutuyuan sya ng dugo kakaisip sa kung ano ang mga pinag gagawa ni Iza . Akmang bubuksan nya na ang Ref ng may makita syang isang papel na Naka ipit sa pinto nito gamit ang maliit na magnet . Agad nyang kinuha ito ng mabasa nya ang pangalan nya sa papel . Dahan dahan syang umupo sa Upuan malapit sa kitchen counter saka binasa ang sulat .
To karylle ,
I know nag aalala ka na sakin dahil alam ko namang praning ka . Don't worry sinisigurado kong ayos ako kung saan man ako pupunta . Nalaman na ni Dad kung nasaan ako kaya i need to runaway again . Sorry kung hindi ako nakapag paalam sainyo . And Hindi ko muna sasabihin sayo kung nasaan ako . I will contact you soon .
Ps : pakibayaran muna yung bills ko (Naka ipit sa Pinto ng Ref) Labyu :*
Napabuntong hininga naman si Karylle pagkatapos nyang basahin ang sulat . Ilang sandali pa ay natawa sya ng ma realize nya na kaya sa pinto ng Ref nito iniwan ang sulat dahil nandoon ang mga bills na dapat bayaran . Iiling iling na Inisa isa nyang tignan ang mga bills na nakakabit sa Pinto ng Ref . Ilang sandali pa ay dumating ang humahangos na si Anne .
![](https://img.wattpad.com/cover/74247643-288-k781935.jpg)
BINABASA MO ANG
His Contract Wife
Fanfiction"alam mo ba yang sinasabi mo Karylle ?" seryosong tanong ni Vice . Bahagya namang syang napalunok . Bagamat kinakabahan ay lakas loob na tinango nya ang kanyang ulo . Nakapag desisyon na sya and this time hindi na nya sasayangin ang pagkakataon . "y...