Contract 31

1.7K 39 11
                                    

"Vice where are we going ?" Tanong ni Karylle na pilit sinusundan ang malalaking yapak ni Vice . Kanina pa kasi sya nito akay akay at ilang minuto na din simula ng ikutin nila ang Bugis street . Ilang stalls at restaurant na din ang nadaanan nila pero mukang hindi padin nahahanap ni Vice ang lugar kung saan gusto nitong kumain .

"Sa pagkaka alala ko dito lang banda yun eh" Pagkausap ni Vice sa sarili habang nililibot ang paningin .

"Teka Vice di ka ba napapagod ? Kanina pa tayo paikot ikot dito ang sakit na ng paa ko at gutom na din ako" Sumusukong reklamo ni Karylle na kulang nalang ay maglupasay sa gitna ng daanan dahil sa sobrang pagod .

"Sandali nalang to , malapit na tayo . I'm sure magugustuhan mo yung mga pagkain doon" Sagot ni Vice habang iniikot ang paningin at pagkaraan ay muli syang hinila nito upang maglakad ulit .

Hindi nya alam kung kelan sila muling naging parang malapit sa isat-isa ni Vice . Minsan ay hindi nya maintindihan si Vice dahil sa pabago bago nitong ugali pero di nya maitatangging gusto nya ang bagay naiyon dahil pakiramdam nya ay mas nakikilala at nagiging malapit sya sa Totong Vice .

Pakiramdam nya ay dapat mas kilalanin nya ang Vice na kasama nya sa kasalukuyan upang mas maintindihan nya kung ano man ang pinagdadaanan nito . Ibang-iba ito sa Vice na nakilala nya noon hindi ito na ito palabiro tulad nood at ang dati nitong madaldal na bibig ay naging palaging tikom at iisang linya lamang ang makikita . Mahirap na din basahin ang laman ng isip nito . Sa maiksing panahon ay naging estranghero ito sakanya , pero handa syang kilalanin pa ang bagong bersiyon nito .

"Finally ayun na nakita ko na" Nakangiting sabi ni Vice Saka tumingin sakanya . Bahagya naman syang natulala kaya  nahpatianod nalang  sya ng hilain sya ni Vice patungo sa loob ng restaurant .

Habang kumakain ay panay ang tingin nya kay Vice dahil halatang masayangasaya ito kaya di nya mapigilan ang sarili na suriin ito .

"May dumi ba sa muka ko ?" Tanong nito sakanya ng mapansin nya ang pagtitig ng asawa sakanya . Saka siya nito tinitigan ng matiim .

"Ah W-wala naman" Nauutal na sagot ni Karylle saka naiilang na itinutok ang paningin sa pagkain . Ganunpaman ay di nawala ang pagka ilang nya dahil ramdam na ramdam nya parin ang titig na ipinupukol ni Vice sakanya .

"Vice stop it" Saway nya ng di na nya makaya ang pagtitig nito natawa naman ito sakanya .

"Fine bilisan mong kumain may pupuntahan pa tayo" Sabi nito sa excited na tono . Gusto man nyangagtanong dito ay hindi nya magawa . Naawkward sya dahil sa Pagbabago ng pakikitungo ni Vice sakanya . Sobrang naguguluhan na sya dito pero ganun pa man ay mas pinili nyang enjoyin ang pagiging iba nito sa ngayon .








After nilang kumain ay dumiretso agad sila sa kotse nila . Nagtataka man si Karylle kung san sya dadalhin ni Vice ay mas pinili na lamang nitong manahimik .

Hindi maiwasan ni Karylle ang tignan si Vice habang mag dadrive ito . Mula ng sumakay sila sa kotse ay hindi na naalis ang malaking ngiti nito sa labi . Habang tinitigan nya ito ay hindi nya malaman kung bakit tila inihehele sya ng malaking ngiting nakapaskil sa muka nito . Matagal na din mula ng huli nyang nakita ang ganitong ngiti mula rito . Hindi nya alam kung napapansin ba nito ang pagtitig nya pero hindi nya maawat ang sarili na titigan ito at gusto nyang samantalahin ang pagkakataon habang maganda ang mood nito .

Pero gustuhin man nyang titigan pa ng matagal si Vice ay hindi nya magawa dahil tuluyan na syang hinila ng antok .























"Karylle wake up" Rinig nya ang mahinang tinig ni Vice kasabay ng mahinang pagtapik nito sa pisngi nya .  Pagdilat nya ay muka ni Vice ang bumungad sakanya kaya wala sa sariling napangiti sya . "Are you still sleepy ?" Tanong nito ng mapansing ilang minuto na syang nakangiti lang dito   tinablan naman sya ng hiya kaya agad nyang inayos ang sarili nya .

His Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon