Contract 10

2K 40 5
                                        

Kinaumagahan maagang nagising si Vice upang ipag handa ng Almusal si Karylle . Napangiti sya ng makita nya ang mga niluto nya . pagkatapos ay inayos na nya ang hapagkainan , chineck nyang mabuti kung maayos na ba pagkatapos ay inalis nya yung apron na suot nya . Di nya alam kung bakit sobrang effort nya sa pagbawi kay Karylle kahit naman na alam nyang OK Na sila .

Pagaktapos ayusin ang hapag ay umakyat na si Vice sa kwarto nila ni Karylle . Pagakapasok nya ay nadatnan nya itong nakatihaya may panis na laway ito sa kanang bahagi ng pisngi at bahagyang nakalilis ang t-shirt na suot nito . Kababaeng tao salaula matulog napangiti na lamang sya sa naisip . Lumapit sya sa Kanang bahagi ni Karylle Saka inayos ang nalilis na T-Shirt nito at pagkatapos ay pinunasan nya naman ang panis na laway nito gamit ang laylayan ng damit nya . Ilang sandali nya pang tinitigan si Karylle ay nagpasya na syang gisingin ito .

"Karylle Wakey wakey . Ready na yung almusal natin" wala naman syang natanggap na sagot mula dito kaya napagpasyahan nyang alugin ang balikat nito

"Karryyyylllleeee"

"Vice ang aga pa Gimme another 5 minutes" ungot ni karylle saka dumapa . Natawa naman sya sa naging asal ni karylle at isang ideya ang naisip nya . Umupo sya sa gilid ng kama at saka kiniliti si Karylle . Agad naman napaikot si Karylle at sinalag ang kamay ni Vice .

"Ano di ka Pa Babangon ?" Tanong nya habang patuloy na kinikiliti ito .

"Oo na oo na eto na po" sagot ni Karylle na nagpahinto naman kay Vice . Nakatukod ang magkabila nitong kamay sa magkabilang tagiliran nya . Bigla naman syang nakaisip ng kalokohan para gantihan si Vice . Ipinulupot nya ang braso sa batok nito at malagkit na tinitiga  si Vice . "Babangon ako but in one condition ..." nakangising sagot ni karylle

"Karylle anong kalokohan nanaman yan ? Kilala ko pagkatao mo kulot sinasabi ko sayo" pilit na kumawala si Vice sa braso ni Karylle pero mas lalo pang hinigpitan ni Karylle ang pagkakakapit sa batok nya .

"Kiss lang Vice pagbigyan mo na ako" nakangising sambit ni Karylle at unti unting nilapit ang muka kay vice .

"Ehhh karylle ano ba amoy laway ka eww" nakapikit sya ng mariin pero agad ding napadilat ng marinig ang malakas na halakhak ni Karylle .

"Tsk Bakla ka nga talaga . Buti pa si Francis Kaya akong i kiss" tumatawang sambit nito agad naman syang nagpantig ang tenga nya sa narinig .

"Anong sabi mo ?" Tanong nya na akmang lalapitan si Karylle pero agad namang tumakbo si Karylle papuntang banyo . "Hoyy Kulot sinasabi ko sayo sasabunutan talaga kita" habol nya pa pero isang halakhak lang ang narinig nya mula kay Karylle .

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

"Ahm Vice I think kelangan ko na din pumasok sa work" baling ni Karylle Kay Vice . Kasalukuyan silang nasa Garden ng bahay nila . Naisipan nilang tumambay dun para magpapababa ng kinain . Pagkatapos kasi nilang mag almusal ay nagpasya si Vice na wag pumasok na ipinagtaka ni Karylle Nagdahilan nalang syang masakit yung ulo nya .

"Which work are you talking about ?" Tanong ni Vice na bahagyang hinahaplos ang kulot na buhok ni Karylle .

"Ofcourse bartending"

"What ? No ! Ipagpatuloy mo nalang yung Pag po-photography mo" kunot noong sagot ni Vice

"But Photography is just my hobby Vice and Bartending is My Passion"

"Diba nag stop ka na sa flaring ? You even started photography sa mga events"

"Eh namimiss ko na yung Passion ko . And Besides dun naman yun sa Bar ni Dong eh . Don't worry safe ako dun"

"What ? No Karylle dun talaga sa Bar Ng dati mong Boss na Fuck Boy . No i wont let you Karylle . at alam mong mahigpit na kalaban ko sya sa negosyo . Mas mabuting mag stay ka nalang dito sa bahay . And dont dare na tanggapin yang trabahong yan i swear Sasabunutan talaga kita ." Sermon ni Vice na ngayon ay hinarap na si Karylle .

His Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon