"Imagine niyo yung mukha niya kanina? Ganito lang oh. NO! Hahahaha parang nakakita ng mag-jowa na nag *tooot*" kwento ni Junice habang ginagaya ang reaksyon ko kanina sa klase.
Lunch time namin ngayon at nasa cafeteria kami ng school namin. Pinagtatawanan pa nila ako sa ginawa ko kanina.
Kasalanan 'to ng weird guy na yun.
Ay manisi daw ba? Eh kasi eh, para siyang turista na bumibisita sa isip ko't hindi umaalis. Pwe!
"Sige lang, pagtawanan niyo pa ako. Lintek lang ang walang ganti." pagdadabog ko habang kumakain ng carbonara.
"Wag nga kayo. Maiba ako, Ella. Sino ba yung nerd na sinasabi mo kanina?"
Hala patay! Naalala pa ni Bianca yun? Kaasar! Anong palusot ang gagawin ko? Syempre pag sinabi ko sa kanila yung tungkol dun, pagtatawanan nila ako lalo.
At syempre si Junice ang pasimuno dyan, di ko pa naman alam ang takbo ng isip ng babaeng ito. Sira-sira din turnilyo sa utak niya.
"Oo nga. Bakit ka naghahanap ng nerd? Yun na ba taste mo sa mga boylet ngayon? Woooow!" tatawa-tawang sambit ni Junice.
Yan na nga ba sinasabi ko eh. Hindi talaga ako titigilan ng mga babaitang ito pag hindi ko sinabi sa kanila. Since bestfriends naman, sige sasabihin ko na. Ayoko magtago ng secret sa kanila.
So, kinuwento ko lang naman ang nangyari dun sa orientation. At ang sabi nila?
"New love life naaaa!"
Anong new love life pinagsasabi nila? Hello! One month pa lang kaming hiwalay ni Terence, papalitan ko na agad?
Ang dumi ko naman ata pakinggan nun. Isa pa, kung magkaka-lovelife man ako ulit hindi dun sa weird guy na nakikipag-usap sa sahig noh.
"Hahanapin natin yang nerd guy na yan sa moonstone section, doncha worry girl." sabi pa ni Junice sabay flip ng buhok niya.
Ang supportive masyado haha *insert overflowing sarcasm*
"Tumigil nga kayo. Hindi ako interesado dun. Isa pa, di ko siya type like hello? He's so tacky kaya."
Totoo naman eh. Ang sama ko siguro kung ikokompara ko siya kay Terence but I don't have a choice. Compared to Terence, in physical lang ha, he's old-fashioned.
Tapos, parang may sariling mundo pa. At nakikipag-usap pa sa sahig. Magugustuhan ko ba yun? Unlike Terence. Gwapo, magaling magbasketball, magaling sumayaw.
Tsaka sweet, caring, loving, bading, sinungaling, manloloko-ing, manyaking..
Ay ano ba yan, nilalagyan ko na ng 'ing' eh.
Basta! Hindi ko crush yung weird guy na yun.
"Takot ka bang masaktan ulit, Ella?" napatingin ako kay Kate sa tanong niya.
Kung magmamahal man ako ulit, okay lang sakin masaktan. Basta ba worth it yung sakit na mararamdaman ko.
Yung hindi gaya nung sakit na naramdaman ko kay Terence. Kung masasaktan man ako sa susunod na taong mamahalin ko, I'll make sure that at the end of the day... kami pa rin.
Pero syempre ayokong sabihin sa kanila yun. Kilala nila ako as unsweetened lady pagdating sa ganyang usapan.
At kapag sinabi ko pa yun, gabundok na asar ang matatanggap ko kay Junice.
"Takot? Di ah. Oo masakit talaga kapag iniwan ka ng taong mahal mo. Pero wala nang sasakit pa sa hinliliit ng paa mo kapag tumama sa paa ng lamesa. Nakakangarag kaya 'yon ng katawan."
At para lang kaming timang dun na nagtatawanan sa mga mais naming jokes.
Maya-maya, padami nang padami ang mga estudyante sa cafeteria. At dahil sa may feeling close na pumunta sa pwesto namin, nasira tuloy ang mood ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Teen FictionSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)