"Vincent, okay ka lang ba talaga? Kanina ka pang hindi mapakali eh." Nag-aalalang tanong ni Daniella sakin nang makapasok kami sa bahay nila.
Yung mga katulong lang nila ang nandito dahil si Denver nasa school at yung daddy naman niya ay nasa opisina ng kompanya nila.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga kasi masink in sa utak ko ang text na yun kanina. Sino kaya yun? Yung KB ba ang initials ng pangalan niya? Sinong estudyante ng Prime High ang may pangalan na merong initials na KB?
Kung kilala niya kung sino ang may pakana nang lahat ng ito, ibig sabihin alam niya ang plano ng taong kaaway namin. Sino nga kaya?
"H-ha? Ah oo, o-okay lang. Anong gagawin ko?" Tanong ko habang kinukuha yung brochure sa center table. Namimili kasi siya ng damit na isusuot para sa magiging birthday party niya.
Uminom muna siya ng tubig tsaka kinuha ang brochure na hawak ko sabay lapag nito sa center table nila.
"Naniniwala ka ba tungkol sa kumakalat na pictures?" nagulat ako sa tanong niya na hindi ko ineexpect na i-oopen niya. "Okay lang kung maniniwala ka kasi-"
"Hindi ako naniniwala." Putol ko sa sinabi niya. totoo naman talagang hindi ako naniniwala sa kumakalat na chismis eh. Dahil siya si Daniella Villarante at matalino siya.
Bahagya siyang ngumiti at umayos ng upo saka humarap sa may TV set nila. Bakit pakiramdam ko may ipinapahiwatig ang mga kilos niya tungkol sa issue na yun?
"Ako nga yung nasa picture, Vincent. But I didn't cheat. Hinding-hindi ko magagawa ang bagay na yun kahit pa putulan ako ng kamay." Panimula niya. "May nagbigay sakin ng notebook na yun at sinabing basahin ko daw ang mensahe na nakasulat doon. Hindi ko naman alam na may kumukuha pala sakin ng litrato. Yung tungkol naman sa pagpasok ko sa faculty room, nilagyan ko lang ng ID number yung examination book ko, I even had our teacher's permission back then."
Sa mga naririnig ko galing sa kanya ngayon, isa lang ang conclusion ko. Maaaring kaklase niya last year ang may gawa nito. Kaklase niya na may initials na KB na may galit sa kanya. Sino kaya?
"May kaklase ka ba na may initials na KB?" tanong ko sa kanya. Ayoko munang sabihin sa kanya yung tungkol sa text na natanggap ko. Kukumpirmahin ko nalang muna kung sino nga ba talaga ito at nang matapos na lahat ng kabaliwang pinaggagagawa ng sumisira kay Daniella.
"KB? This year?" umiling ako tanda na hindi ngayong taon. "Kung last year ang tinutukoy mo.. teka, iisipin ko. Nakalimutan ko kasi yung ibang classmates ko dati. Wait.."
Habang nag-iisip siya ay inaalala ko rin kung may kaklase ba ako ngayon na may initials na KB. Kung si Farrah nga yung may gawa nito, obvious namang hindi siya dahil Farrah Tuazon ang buong pangalan niya.
"May naalala na ako. Si Katherine Benedicto. Kaklase siya ngayon nila Terence, nasa emerald section siya. Bakit?"
Katherine Benedicto? Sino yun? Ah hindi ko alam at hindi ko kilala kung sino man yun pero kailangan kong makita at makausap ang sinasabi niyang Katherine.
"Ha? Wala naman, may naalala lang kasi akong KB. Wag kang mag-alala, lilipas din ito pagkatapos ng lahat. Malalaman din natin kung sino man ang naninira sayo."
Nang matapos kaming magkwentuhan at mag-plano sa gusto niyang mangyari sa birthday niya ay nagpasya na akong umalis ng bahay nila para naman makapagpahinga siya at mapuntahan ko na yung nagtext sakin kanina. Kung siya man talaga yung sinasabi ni Daniella na Katherine Benedicto, I'll assure that she'll pay for what she did. Hindi ko naman siya sasaktan, hindi po ako nananakit ng babae. Isusumbong ko lang naman siya sa disciplinary officer, in that way, it would be best for my girlfriend.
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Teen FictionSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)