"Parang kilala ko ang may gawa nito."
Napatingin ako sa sinabi niya. Kilala niya ang may gawa nito? Sino?
Pero bago pa ako makapagtanong kung sino ay sinagot na niya ang tanong sa isip ko.
"Si Farrah."
Bakit hindi ko naisip yung babaeng yun? Siya lang naman ang may galit sakin ng ganun kalaki eh. And knowing her, kaya niyang gumawa ng ganung bagay. Alam niyo naman siguro diba kung paano niya ako sagut-sagutin.
Pero ayoko rin namang mag jump into conclusions lalo na pag walang ebidensya. Paano pala pag mali kami at hindi pala talaga si Farrah yun?
"Paano mong nasabi na siya nga?" Tanong ko kay Vincent.
"Ka-kasi siya lang naman ang may galit sayo... Diba?"
Sa pagkakaalam ko, siya lang ang kilala kong may galit sakin. Pero hindi ko alam kung meron pa bang ibang tao na galit sakin pero hindi lang pinapakita gaya nung kay Farrah.
Pero paano kung siya nga talaga ang may gawa nun?
"Umuwi nalang tayo. Bukas nalang natin siya kakausapin tungkol dun."
Wala kaming kibuan ni Vincent habang naglalakad pauwi. Ayoko rin namang maunang magsalita dahil naiilang ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Pero ang awkard din naman kung hanggang sa village namin ay hindi parin ako magsasalita eh ang layo pa kaya nun. Ano ba yan! Bakit ba ako nagkakaganito?
"Sorry." Yun lang ang lumabas sa bibig ko.
Naramdaman kong huminto siya sa paglalakad kaya huminto na rin ako at nilingon siya. Nakita ko namang nagtataka siya sa paghingi ko ng tawad.
"Sorry kasi nadamay ka. Wag kang mag-alala, itutuloy ko parin ang panliligaw ko sayo. Hindi ka naman siguro naniniwala sa sinasabi nung nasa picture diba?"
Hindi siya sumagot at yumuko na naman. Anong ibig sabihin ng pagyuko niyang yun? Na naniniwala din siya sa sinasabi ng ibang tao? Na malandi nga ako at two timer? Walanjo naman 'tong si Lim eh. Sa lahat ba naman ng tao, siya pa talaga ang maniniwala dun? Nakakainis lang siya eh.
"Bakit ka nakayuko? Sinasabi mo bang naniniwala ka sa kumakalat na balita?"
Nag-angat naman kaagad siya ng tingin at lumapit sakin na parang natatakot. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon ng mukha niya. Ano ba yan, nagiging bipolar na ako eh.
"Hi-hindi yun, Daniella. Hi-hindi ako naniniwala. Ka-kasi ano... Uhm.. Ano kasi..."
"Pwedeng bang sabihin mo nalang? Ayokong paputul-putol ang sinasabi mo."
Napakamot naman siya sa ulo niya na parang nag-iipon ng lakas sa gusto niyang sabihin. Ba yan! Nagpapaka-thrilling naman 'tong weird na 'to eh. Ayoko nga kasi ng thriller nakakainis yun.
"Kasi... Seryoso ka ba dun?"
Ano ba yang tanong na yan? Magtatanong na nga lang, hindi pa kumpleto. Ginugulo niya isip ko eh.
"Seryoso saan?"
"Sa... Sa ano... Panliligaw mo. Hindi ba joke yun?"
Ay nakakagago naman pala ang taong 'to eh. Sa halos tatlong buwan kong panunuyo sa kanya, iniisip niyang trip-trip ko lang yun? Pambihira! Pigilan niyo ko dahil bibitayin ko 'to ng patiwarik.
"Sa lahat ng pinakita kong efforts sayo, iniisip mong joke lang yun? Alam mo nakakainis ka! Bahala ka nga diyan. Umuwi ka mag-isa mo!"
Pumara ako ng taxi at hindi na siya hinintay na pigilan ako at umalis na dun.
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Teen FictionSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)