Maaga akong umalis ng bahay dahil bibili muna ako ng bouquet bago pumunta sa school namin.
Kahit na nakakahiya, tinanong ko si kuya kagabi tungkol sa mga tips niya kung paano ba manligaw sa isang babae. Pero syempre, ano pa bang aasahan ko kay kuya tungkol sa bagay na yan? Puro kalokohan alam niyan eh.
Kaya si mama na ang nagbigay sakin ng idea kung anong gusto ng mga babae at si papa naman ang nagbigay sakin ng tips kung paano ang tamang attitude sa panliligaw.
Ang supportive lang ng parents ko at thankful ako dahil nandiyan sila para gabayan ako sa lahat ng bagay.
Nang makabili na ako ng bouquet of red roses ay nangpunta naman ako sa katabing shoppara bumili ng chocolate.
"Ilagay niyo nalang po yan sa heart shaped box, ate." Sabi ko dun sa babaeng tigabalot ng chocolate.
Pagkatapos nun ay nagpunta ako sa school. Masyado pang maaga dahil wala pang masyadong tao. Usually mga 7:30 ang dating ni Daniella dito dahil 8am naman magsisimula yung klase namin.
Tiningnan ko ang wrist watch ko, 7:15 pa lang naman. Mga 15 minutes pa akong naghintay at dumating naman siya.
Lalapit na sana ako kaso nagsidatingan naman yung mga kaibigan niya. Nakakahiya yun dahil baka aasarin na naman nila ako at baka hindi ko na naman maitago ang kilig ko at pamulahan ako, e di mas lalo nila akong aasarin.
Aalis na sana ako nang marinig ko ang boses ni Junice. Aish! Yung babaeng yun talaga kahit kelan.
"Ai Vincent yun ah. Psst! Nerdy boy." At hanggang ngayon, yan parin ang tawag niya sakin noh?
Wala akong choice kaya nilingon ko sila at nakita ko nalang na papalapit na sila sa direksyon ko. Agad ko namang tinago sa likuran ko ang bulaklak at ang chocolate. Please sana hindi nila mapansin. Please please please.
"Teka, ano yang nasa likod mo?" Junice naman eh, wala ka bang hindi napapansin?
Panay naman ang harap ko sa kanya sa tuwing titingin siya sa likod ko. Iwas ako nang iwas nang mapansin kong may humablot sa hawak ko.
"Aha! Heto pala yun eh." Nakita ko nang si Bianca na ang may hawak ng chocolate at bulaklak.
"Para kay Ella ba yan?" Tanong ni Kate sakin na halata namang may halong pang-aasar.
"Yiiii siya na nanliligaw." Ayan na naman ang pang-aasar ni Bianca.
"Uy chocolate, akin nalang 'to ha? Hindi kasi kumakain ng chocolate si Ella, takot tumaba." Kukunin na sana ni Junice yung chocolate pero inilayo naman ni Bianca yun sa kanya.
"Si Daniella ka ba? Ayan o may nakalagay na To: Daniella. Tsaka pwede ba, wag kang matakaw. Kumakain ng chocolate si Ella, dami mong palusot. Pabili ka kay Daryl." Panenermon ni Bianca sa kanya kaya natawa nalang kami ni Kate sa kanya.
Nahinto naman ang tawanan namin nang mag walk out si Daniella.
Hala, oo nga. Ako pala dapat magbigay sa kanya nito.
"Hala ka, nag walk out. Ikaw kasi eh, kinuha mo pa yung regalo ni Vincent sa kanya. Ibalik mo na nga yan kay Vincent at nang maibigay na niya kay Ella-bels. Tampururot na naman si madam."
Kinuha ko na yung bulaklak at chocolate tsaka hinabol si Daniella. Nasa may hallway na kami nang maabutan ko siya. Ang bilis naman maglakad ng babaeng 'to, naka-heels pa naman.
"Daniella."
"Ano?!" Iritang sagot niya. Natakot tuloy ako nang maalala ko yung nangyari kahapon. Sinigawan niya kaya ako. At yung nangyari kahapon ang kauna-unahang nagalit sakin si Daniella at ayoko nang maulit pa yun.
BINABASA MO ANG
Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]
Fiksi RemajaSi Daniella Villarante ang tinaguriang Ms. Famous ng Prime High. Walang estudyanteng hindi nakakakilala sa kanya. Hindi lubos maisip ng mga estudyante na ang Ms. Famous ay magkakagusto sa isang nerd at boring na si Vincent Lim, ang outcast ng Prime...
![Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/74543981-64-k846557.jpg)